Treinta y Dos

34 0 0
                                    

Saglit na Sulyap

Matagal na simula noong gusto kitang makita.
Matagal na rin ang una nating pagkikita.
Bata palang tayo ng magkakilala
At siguro ngayon, ako nalang ang hindi nakakalimot sa ating dalawa.
Huli ko nang mapansin na cute ka pala.
Huli na nga siguro dahil ayon sa tsismis ikaw ay bakla.
Nang marinig ko na hindi ka bakla,
Tila nabuhayan ang puso kong gala.
Nang malaman kong 'di ka lang pala cute, matalino ka rin pala,
Tila napukaw ang puso kong hiyang-hiya .
Gustong-gusto talaga kitang makita,
Kaya tuwing napapadaan sa inyong bahay ako'y napapasulyap sa inyong bintana.
Dumating nga ang araw na 'di ko inaasahan.
Ikaw'y nakita sa mga panahon na ako ay mahina.
Ikaw'y naglalakad sa daang aking tinahak
At ako naman ay nakasakay sa motorsiklo na dadaan sa iyong tinahak na daan.
Napakasaya ng araw ko.
Ay hindi pala, napasaya mo ang araw ko na parang bato.
Salamat at nasilayan kita kahit saglit manlang.
Isang grasya galing sa kalangitan.
Hindi ka manlang napatingin.
Gusto ko lang namang makita ang buong hitsura mo na mala bituin kong ituring.
Isa kang bituin para sa akin.
Hindi ko maabot at hinding-hindi maaangkin.
Mabuti nalang at ako'y nagising.
Nagising sa katotohanang isinisigaw ng aking damdamin.

A Roadtrip In MindWhere stories live. Discover now