Chapter 3
Tutor 2"Yung totoo Jake? Gumamit ka ba ng calculator?"
Nakasandal ako ngayon sa table at hawak hawak ang papel na sina sagutan ni Jake kanina. Nakita ko namang tama lahat ng sagot nito.
"Hoy hindi ah. Sa papel ko lahat sinovle yan"
"Oh tignan mo kaya mo naman iintindihin mo lang"
Umupo ulit ako sa upuan sa tabi nito at kinuha ang susunod kong ituturo sa kaniya.
"Oh eto nam-"
Parehas napunta ang tingin namin ni Jake sa pintuan ng study room ng biglang may mag bukas nito.
Si Blake na dala dala ang school bag niya.
"Oh anong ginagawa mo dito? May tutor ako" ani ni Jake.
"Mag papatutor din ako"
"Ano? Hoy hindi pwede mag hanap ka ng sarili mong tutor"
"Tsk. Pumayag na si Aziana sa akin" Sabay tingin sa akin. "Hindi ba Azi?"
"Ah...Oo Jake ano...Kanina kasi nag tanong siya sakin ok lang naman"
"At bakit ka mag papatutor matalino ka na ah" tanong ni sa kakambal
"May hindi lang ako maintindihan" tuluyan na itong pumasok sa study room at umupo sa tabi ko.
"Azi ano to"
"Aziana pano sasagutan to?"
"Azi hindi ko maintindihan"
"Aziana look"
Salit salitang tawag sa akin ng kambal kaya't salit salitan ko din silang tinitignan.
"TEKA! teka ka lang isa isa! Nakakahilo na kayo ah"
Sabay namang na pa yuko ang kambal.
Unang kong tinuruan si Jake at ng makuha na nito ay lumipat naman ako kay Blake. At habang inaantay ko silang matapos sa sina sagutan nila ay nag patuloy lang ako sa pag kain, bitin pa sakin ang isang slice ng cake kaya pati ang cake na para sa kanilang dalawa ay kinain ko na.
"Thank you Azi, bukas ulit ha"
"Thank you Aziana" Pag papasalamat ng kambal ng makababa kami ng bahay nila. Pasado alas otso narin ng matapos ako sa pag tuturo sa dalawa at nag yaya pa ang mga ito kumain at syempre tatangi ba naman ako? pagkain yon noh.
"Tara hatid na kita Azi" pag yayaya ni Jake.
"No ako nang mag hahatid sa kaniya. Let's go Aziana"ani Blake
"Ako na"
"Ako na nga"
"Hep hep tama na. Uuwi akong mag isa kaya ko" pag pipigil ko sa dalawa.
"NO" mabilis at sabay na sagot ng kambal.
"Hindi pwede gabi ni Azi baka mamaya mapa ano ka pa"
"Yeah, tara na ihahatid ka nalang naming dalawa"
Nang maka dating kami sa garahe nila ay pumasok kami sa kotse ni Blake. Si Blake ang nasa driver's seat, si Jake sa passenger seat at sa likod naman ako naupo. Kung ang kotse ni Jake ang puro kulay green ang loob itong kay Blake naman ay puro kulay pula.
BINABASA MO ANG
Owned by the Twins
RomanceCOMPLETE AzianaXGuttierez twins A Short Story Light story