Chapter 10

79.8K 1.2K 370
                                    




Chapter 10
Exam





Thursday.


Tatlong araw na ang nakalipas simula ng umalis si Akira kasama si Tita papuntang Canada nangako naman ito na lagi siyang tatawag tawag sa akin.


at tatalong araw na din akong hindi pinapansin ng kambal.


Simula ng pumasok kami ngayong linggo ay hindi na ako pinapansin o kinakausap ng sino man sa kanilang dalawa. Tuwing lunch break ay kami nalang ni Hunter ang mag kasabay kumain dahil lagi silang hindi dumadating.


"Wala nanaman yung dalawa?" pag tatanong ko kay Hunter.


"Ewan ko ba kung saan nag pupunta yung dalawa hindi ko din sila masyadong nakakasama nitong lingo na to"


At ano naman kayang pinag kakaabalahan ng dalawang yon?


"Mauna na ako Azi ah may kikitain pa ko" Sabi ni Hunter habang may katext sa phone niya.

Tumango lang ako dito bilang sagot at tinapos ang pag kain.







Pauwi na ako ng makita ko ang kambal na nag lalakad palabas ng gate.


"Blake! Jake!" Malakas kong tawag sa kanila kaya napalingon sila sa akin.


"Oh Azi"


Azi...

hindi hon


"Pauwi na kayo?" tanong ko sa kanila.

"Yes. I'm sorry Aziana nag mamadali kami ngayon hindi ka namin maihahatid."ani ni blake

"Sorry Azi mauna na kami" at umalis na ang dalawa.


Ano bang problema ng mga yon?


Bahala nga sila.


Lumabas na ako ng university at sumakay ng taxi pauwi.



Pag dating ko sa bahay naligo at kumain lang ako tapos ay nag simula na akong mag aral para sa exam namin bukas. Sobrang kabado ako.








"Eto na" sabi ko ng makapasok ako ng classroom namin at mag sisimula na ang exam.


Nakita ko di Hunter,Blake at Jake sa may likod nakaharap ito sa mga notes nila at mukhang nag rereview.


Pag upo ko ay sabay dating din ng professor namin at ibinigay ang exam.


Naging madali naman ang pagsasagot ko sa exam dahil lahat naman ng iyon ay napag aralan ko.



Nakalipas ang isang oras at natapos ko na din ang exam. Pag tayo ko para ipasa ang papel ay sabay tayo din nila Blake at Jake sa likod kaya't sabay sabay kaming lumabas ng klase.


Dadaretsyo na sana ako paalis dahil akala ko ay hindi padin ako papansinin ng kambal pero nagulat ako ng bigla akong hilahin ni Jake papalapit sa kanila.Inakbayan niya ako at si Blake naman ay humawak sa bewang ko.


"Hi Hon"

"Hi baby"


Hindi ko naman sila pinansin at nag patuloy lang sa pag lalakad. Ano pag tapos ng ilang araw nilang hindi pag pansin sa akin may pa "hon" at "baby" sila ngayon.


"Hon galit ka ba?


"Baby?"


Hmp bahala sila dyan.


Owned by the TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon