Chapter 14
Aziana!"B-Baby"Akmang lalapit si Blake kay Azi pero bigla namang napausod ang babae kaya napatigil siya.
"Sino ka? Anong ginagawa ko dito?"
Hindi nakapag salita si Blake sa gulat.
Hindi niya ako kilala?
"Bab-" naputol ang pag tawag ni Blake ng biglang pumasok si Jake kasama ang isang doctor.
"Hon!" Dali daling lumapit si Jake kay Azi at niyakap nito. Napa kunot ang noon ni Azi at itinulak ito papalayo.
"Sino ba kayo?" tanong nito habang pasalit salitang tinitignan ang kambal.
Halata namang naguluhan si Jake sa sinabi ng babae kaya tumingin ito sa kakambal. Gulong gulo din si Blake sa nangyayari kaya napa kibit balikat nalang ito.
"Let me talk to her" sabi ng doctor kaya tumabi ang kambal.
Habang kinakausap ng doctor si Azi ay tinawagan naman ni Blake ang tita nito.
"Hello tita? Gising na po si Azi?"
"Hay salamat sa diyos. Saglit papunta na kami dyan ha" Agad din nitong binaba ang tawag.
Hindi nag tagal ay dumting din Ang tita ni Azi kasama ang asawa at si Treyton.
Sakto naman at tapos na mag usap si Azi at ang doctor. iginaya ng doctor sila tita sa labas para kausapin kaya't naiwan kami ni Blake kasama si Azi.
"Hon" Tawag ko dito.
"Hon? teka sino ka ba? Sino ba kayo?" Takang takang tanong ni Azi.
"H-Hindi mo talaga kami naaalala?" Ani ni Blake.
"No. Sino ba kayo? Anong ginagawa niyo dito? Nasaan sila Tita?"
"N-Nasa labas lang sila...Kausap lang yung doctor mo saglit" Malungkot na sagot ni Blake.
Naupo ang dalawa sa mahabang sofa sa loob ng kwarto habang inaantay matapos ang pag uusap ng tita at doctor ni Azi.
"Aziana. Ok ka lang ba? Wala ng nasakit sayo?" Agad na lumapit si Treyton sa pinsan nitong nakaupo sa kama.
"Kuya ok na po ako. Gusto ko nang umiwi kuya pwede na ba?"
"Malapit na Azi."
"Ano daw po ang sabi nang doctor?" Tanong ni Azi sa Tita niya.
"Anak ang sabi ng doctor ay may Amnesia ka daw.Hindi alam kung kailan babalik ang ala ala mo" Umiyak naman si Azi sa dibdib ng tita niya.
Isang linggo na ang nakakalipas simula ng makalabas si Azi ng ospital. Naging ok naman ito,bumalik ang masayang mukha niya. Bumalik na din siya sa bahay ng tita niya ayaw kasi siyang paalisin nila treyton dahil baka kung ano nanaman daw mangyari.
"Azi may gusto ka bang ulam mamaya? Mag luluto na ako" Tanong ni Tita habang naka silip sa ulo sa likod ng pintuan ko.
"Hmmm Sinigang po Tita"
"Ok tatawagin na lang kita pag kakain na. Mag pahinga ka diyan wag puro cellphone ha"
"Opo tita" At tuluyan na itong lumabas.
"Ano mga bro wala padin ba talagang maalala si Azi?" Tanong ni Hunter sa dalawa na tulala sa kawalan.
"Wala.Hindi na namin alam ang gagawin. Ang sabi ng pinsan niya ay wag muna naming guluhin si Azi at hayaan munang mag pahinga kaya isang linggo na namin siyang hindi nakikita"
"Wag kayong mag alala, Maaalaa din kayo non"
Malakas na napa buntong hininga nalang ang kambal.
"Mauna na ko may date pa ko eh"
Tinanguan nalang ng dalawa si Hunter habang patuloy nag iinom sa mini bar ng kanilang bahay.
"Hala sobrang Gwapo! Sure ka bang ikaw ang nanay niyan Aki?" Tanong ni Azi habang kausap sa telepono si Akira na kalong kalong ang ilang buwan na anak na si Gideon.
"Gaga ka talaga malamang! tsaka taka ka pa tignan mo nga ang ganda ko eh syempre malamang gwapo din anak ko" pag mamayabang pa nito.
"Kapal ah tignan mo nga din yang mukha ng anak mo. Kamukang kamukha na tatay niya sobrang gwapo"
"At paano naman napasok sa usapan natin ang tatay niya? please Azi alam mo namang ayoko ng pag usapan yon" sabi niya tsaka binabasa sa crib ang anak.
"Ok I'm sorry pero totoo naman eh sobrang kamukha niya"
"Oh eh ikaw? Kamusta ka na?"
"I'm fine. Wala namang sumasakit sa akin tsaka alagang alaga naman ako nila tita dito hindi nila ako pinababayaan"
"Mabuti naman. Eh yung ano....
yung pag papangap mo?" mahinang tanong niya.
Yes. I'm just pretending na may Amnesia ako at hindi sila maalala. Alalang alala ko ang nangyari ng araw nayon.
2nd Monthsary.
Surprise.
Jake and Vanessa
At ang pag kakabanga sa akin.
Nag pangap lang ako na wala akong maalala dahil ayoko na ng malapit ulit sa kambal. Ayoko ng masaktan. Binabalak kong sumunod kay Aki sa Canada next month pero hindi pa ako nakakapag paalam kayla tita.
"Ok ka lang bes?" Tanong ni Akira ng matagalan ako sa pag sagot.
"Oo naman. Well wala naman masyadong nangyayari lagi lang akong nandito sa bahay nila tita. Buti nalang din at tumigil na sa pangungulit yung kambal. Simula ng lumabas ako ng Ospital hindi na nag pakita ang mga ito sa akin"
"At bakit naman sila hindi nag papakita?"
"Nadinig kong pinag sabihan sila ni Kuya Treyton na lubayan muna ako. Mabuti naman.Dahil hanggang ngayon ay ramdam ko padin ang sakit noong nakita ko kahalikan ni Jake si Vanes-"
"Aziana!" malakas na sigaw ng nasa likod ko.
Si Tita.
FOLLOW,COMMENT&VOTE
BINABASA MO ANG
Owned by the Twins
RomanceCOMPLETE AzianaXGuttierez twins A Short Story Light story