Chapter 5
KissKinuha ko ang gunting na nasa may lababo at inihanda ko kung baka sakaling mabuksan nito ang pinto.
Ilang saglit pa ay tumigil ang pag kalampag ng pinto at pati ang pag pihit sa doorknob, ang tanging narinig ko nalang sa labas ay malalakas na daing ng isang lalaki.
"Aziana?" sabi ng kumatok sa pinto.
"B-Blake?
"Azi open the door kami to ni Blake." ani ni Jake.
Dahan dahan akong lumapit sa pinto at binuksan ito. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko ang mukha ng kambal.
Binitawan ko ang gunting na hawak ko at sinugod sila ng yakap. Napaiyak nalang ako sa dibdib nito.
"Shhh it's ok...it's ok nandito na kami" si jake habang hinahaplos ang buhok ko.
"Are you ok Aziana? sinaktan ka ba niya?"
Si Blake naman habang hawak hawak ang kamay ko.Mabilis naman akong umiling.
Nakita ko ang isang lalaki na sa tingin ko ay mga nasa trentahan palang. Duguan ito at walang malay sa sahig ng kwarto ko.
"Let's go. Natawagan ko na ang kaibigan namin police sila na ang bahala dito.
Hinawakan nila ang kamay ko at hinila papunta sa kotse.
"Are you sure na ok ka lang? Ayaw mo ba talaga pumuntang ospital?"
"Blake i'm fine. Ok lang talaga ako"
"Naandito lang kami sa kabilang kwarto pag may kailangan ka"
Nandito ako ngayon sa bahay ng kambal. Dito nalang daw muna ako dahil delikado pa sa bahay. Dito nila ako pinatulog sa kanilang guest room.
"Yes. Thank you ulit jake, blake"
Ngumiti naman sa akin ang dalawa bago tuluyang lumabas ng kwarto.
3:49am
Hindi padin ako makatulog.
Iniisip ko padin ang nangyari kanina.
Bigla naman akong nakaramdam ng uhaw kaya naisipan kong bumaba sa kitchen nila.
Nag salin ako ng tubig sa baso at habang umiinom ako ay naka ramdam ako ng titig sa may tagiliran ko kaya't napalingon ako doon.
Si Blake habang nakasandal sa pader at naktitig sa akin.
"Blake! nakakagulat ka bigla bigla ka nalang sumusulpot"
He chuckled.
"Kanina pa ko dito ngayon mo lang ako napansin. Bat gising ka pa?" Tanong niya habang hinuhugasan ko ang basong pinag inuman ko at nag tungo sa ref para ibalik ang pitsel.
"Ah hindi kasi ako makatulog eh." Sinara ko ang pinto ng ref at nagulat ko pag lingon ko dahil naka tayo na si Blake sa mismong harapan ko at sobrang lapit ng mukha sa akin.
"B-Blake" ani ko sabay iwas tingin at pag tulak sa kaniya ng bahagya.
Mas lalo naman itong lumapit sa akin hanggang sa mapasandal ako sa pinto ng ref.
"Beautiful" bulong ni Blake kaya napatingin ako sa kaniya.
Titig na titig siya sa mata ko hanggang sa bumaba ang tingin sa aking mga labi.