Chapter 12
Surprise!"Sige na bes kailangan ko ng pumasok. Thank you sa pag turo sigurado akong magugustuhan nila to"
"Wala yon ano ka ba. Osige na bye"
"Bye ingat kayo dyan" at binaba na ni Akira ang tawag.
It's been 2 months since naging kami and it's our 2 monthsary kaya naman nag paturo ako kay Akira kung papaano mag bake ng cookies para sa dalawa.
Nang mailagay ko na ito sa lalagyanan eksakto at narinig ko na din ang pag busina ng kotse ni Blake sa labas.
Simula ng maging kami ay araw araw na akong hinahatid sundo ng dalawa.Minsan ay doon ako natutulog sa kanila or sila naman ang natutulog dito.
Nang makalabas ako nakita ko si Jake at Blake na naka sandal sa pinto ng kotse ni blake.
Tumakbo naman ako agad papalapit sa mga ito at niyakap sila.
"Happy Monthsary Hon"
"Happy Monthsary Baby"
Sabay nilang bati sa akin.
"Happy monthsary" Bati ko sabay bigay ng cookies na ginawa ko.
"Wow ikaw gumawa Hon?"sabi ni Jake ng buksan niya ang lalagyanan ng cookies.
"Yup! Nag paturo ako kay Aki" Nag mamalaking sagot ko.
"Mamaya na namin ibibigay ang regalo namin baby." ani ni Blake at binuksan na ang pinto sa likod para makapasok na ako.
"Ano ba yang regalo niyo at mamaya pa?"tanong ko ng makapasok kaming lahat sa kotse at nag simula ng mag drive si Blake.
"Basta surprise.After class pumunta ka sa Garden Hon. Ipapakita namin sayo yung gift namin"
"Ok" Yun nlng ang naisagot ko at nanahimik hanggang sa makarating kami sa school.
Nag lalakad ako papuntang Cafeteria nang maka bangaan ko si Hunter.
"Azi! I'm sorry hindi ako tumitingin sa dina daanan."
"It's ok"
"By the way nakita mo ba si Be- Ms.Beatrice?" tanong nito habang patingin tingin sa cellphone niya.
"Ms.Beatrice? hindi eh wala akong klase sa kaniya ngayon"
"Ok salamat. Una na ko" Paalma nito at tsaka tumakbo papalabas ng cafeteria.
Anong problema non? May kailangan ba siya kay Ms.Beatrice?
"Class Dismissed"
Finally! Tapos na ang huli kong klase mapupuntahan ko nadin ang kambal.
Excited akong nag lakad palabas ng classroom at tumungo sa Garden. Nag sisi uwian na din ang mga ibang estudyante dito sa university kaya't madami nanamang mga sasakyan sa labas.
Malapit palang ako sa Garden ay nakakita na ako ng mga petal ng rosas na naka kalat sa daan papunta doon.
Nang makarating ako sa garden parang mababali ang tuhod ko dahil sa pang lalambot sa nakita ko.
Si Jake...
Kahalikan si Vanessa.
Sa loob ng dalawang buwan naming relasyon ilang beses kong nakitang lumalapit si Vanessa kay Jake pero nakikita ko namang pinag tutulakan niya ito papalayo lagi. Sabi niya ay wag akong mag alala dahil fling niya lang si Vanessa noon. Nag bago na daw siya. Pero ano to? Ano tong nakikita ko ngayon? Akala ko ba'y hindi nila ako sasaktan?
BINABASA MO ANG
Owned by the Twins
RomansaCOMPLETE AzianaXGuttierez twins A Short Story Light story