Chapter 15

69.9K 1.1K 232
                                    




Chapter 15
Explanation



"Aziana!"


Nabitawan ko ang cellphone nang makita ko si Tita na nasa pintuan ng kwarto ko.


"T-Tita" kinakabahan akong tumayo sa kama.


"Anong ibig sabihin non ha? Nakaka alala ka?"


"Tita"


"Ano ito ha Aziana? Alalang alaa kaming lahat sayo lalo na yung kambal tapos nakaka alala ka naman?" Malakas na sabi ni tita.


"Pero Tita ayoko na ho silang makita. Balak ko hong sumunod kay Akira sa Canada next month."


"Aalis ka ng hindi pinapakingan ang kambal?"


"Tita ayoko na po. Kitang kita ko sila noong araw na yon. Ang sabi niya ay nag babago na siya pero ano yung nakita ko non?!" Naiiyak kong sabi kay tita.


Bigla namang dumating si Tito.


"Hey anong nangyayari dito?" Kunot noo itong nakatingin sa amin ni Tita.


"Walang Amnesia si Aziana"mabilis na sagot ni tita.


"Ano? Aziana?" Tumingin sa akin si titoa.



"I'm sorry tito...." Ani ko habang naka tingin sa baba.


Iginaya ako ni Tita papunta sa loob ng kwarto ko at inupo ako sa kama.


"Anak please...Pakingan mo muna ang paliwanag nila ha. Pag hindi mo nagustuhan ang paliwanag nila ako pa mismong tutulong sayo papunta Canada" Ani ng tita niya habang hawak ang kamay.


Matagal na natahimik si Aziana at pinag isipan ang sinabi ng kaniyang Tita.

"Sige po Tita"





To: Jake

Mag kita tayo mamaya sa bahay. 6pm



Wala pang isang minuto ay sumagot din agad ito.


From: Jake

Ok Hon.We miss you




Ibinaba ko na ang cellphone ko at nag tungo sa baniyo para maligo.




"Tita aalis ho muna ako papunta po ako sa bahay" pag papaalam ko ng makababa ako.


"Osiya sige na mag iingat ka ha"



"Yes po Tita." Sagot ko dito tsaka tuluyang lumabas.Sumakay ako ng taxi at nag pahatid sa bahay ko.



Pag dating ko ay nag ayos ayos lang ako ng ibang kagamitan sa bahay habang inaantay ko ang pag dating ng dalawa.



Hindi nag tagal at nadinig ko din ang pag katok sa front door kaya lumapit ako doon at binuksan ito.


Bumungad sa akin ang kambal na naka suot ng hoodie at basang basa dahil umulan sa labas.


"Pumasok na kayo" Binuksan ko ng malaki ang pinto upang makapasok na sila.


"Maupo kayo kukuha lang ako ng tuwalya" Sabi ko at umakyat sa itaas para kuhanan sila ng tuwalya sa dati kong kwarto.


Habang hinahanap ko ang extra towels sa banyo ng biglang may yumakap sa akin galing sa likod.


"Blake!" Sigaw ko dahil sa pag ka gulat.


Owned by the TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon