Chapter 13

67.3K 1.1K 235
                                    




Chapter 13
Hospital

10 Months.

it's been 10 Months and hindi padin gumigising si Azi.


Nang dalhin namin si Azi dito sa ospital noong araw na yon ay agad din naming tinawagan ang Tita niya para ipaalam ang nangyari.


Galit na galit sa amin ang pinsan nitong si Treyton.







"Mga tarantado! Anong karapatan niyong saktan ang pinsan ko?" ani ni Treyton habang walang tigil ng suntok kay Jake.


Nasa loob sila ng kwarto kung saan nakaratay si Azi na walang malay. Nag sabi ng doctor ay Comatose daw ito at hindi alam kung kailan magigising.


Hindi naman nag laban si Jake at tinangap lahat ng suntok na binabato ng pinsan ni Azi. Alam niyang kasalanan niya ang lahat. Hindi man niya ginusto ang nangyari pero alam niyang kasalanan niya ang lahat.


"Treyton tama na. Tama na!" Sigaw ng Tita ni Azi pero parang wala itong nadidinig dahil tuloy lang sa pag suntok. Naka upo na ngayon si Jake sa sahig habang dumudugo ang labi.

"Wag na wag na kayong lalapit sa pinsan ko." Hindi tumigil si Treyton kaya't lumapit na ang ama nito at hinila papalabas ng kwarto para pakalmahin.

Naiwan sa loob si Jake,Blake at ang Tita ni Azi.

Tinulungan ni Blake ang kakambal para makatayo sa sahig at inupo ito sa mahabang sofa sa loob ng kwarto.


"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ng Tita ni Azi pag kaupo sa tabi ng kambal.



"It's our 2nd monthsary po. We plan a surprise para po kay Azi doon sa Garden ng school namin. Bumalik ako sa kotse namin para ho kunin yung gitara ko pag balik nakita ko nalang na naandon na si Azi at pinapanood si Jake na may kahalikan"  Paliwanag ni Blake na nag pakunot ng noon ng tita ni Azi. Agad lumipat ang tingin nito kay Jake.


"Hindi ko ho ginusto yon. Si Vanessa ay isa sa mga flings ko dati.Oho aaminin ko gago ako dati,kaliwat kanan ang babae ko noon pero simula ho ng makilala namin si Azi nag bago na ho ako. Siya lang talaga...


"Nag aayos ako non para sa surprise namin kay Azi ng biglang dumating si Vanessa at noong una ay tinutulungan pa ako nito sa pag aayos ng balloons sabi niya ay may inaantay lang daw siya. Ang akala ko ay sundo niya ang inaantay niya. Hindi ko alam na si Aziana ang inaatay niya kaya sakto ng dumating si Azi ay bigla akong kinabig nito para halikan pero agad ko din ho siyang itinulak." paliwanag ni Jake sa Tita ni Azi habang nakatingin sa baba at tuloy padin ang pag dugo ng labi.


Malakas na napabuntong hininga nalang ang ni Azi.


"Dito muna kayo tatawag ako ng nurse para magamot yang sugat mo" At tsaka tuluyang lumabas ng kwarto ang tita ni Azi.


Umupo si Jake sa upuang nasa tabi ng kama ni Azi. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga at tsaka isinubsob ang mukha doon habang umiiyak at paulit ulit na humihingi ng tawad.







"Bro kumain ka na muna mas lalong magagalit si Azi sayo pag nakita niyang pumayat ka" Ani ni Blake sa kakambal na nakahawak sa kamay ni Azi at nakatitig dito.


Kinuha naman ni Jake ang pag kain na dala ng kapatid at kinain iyon.


Sa loob ng sampung buwan na hindi gumigising si Azi ay naging malungkot ang buhay ng kambal. Araw araw sinisisi ni Jake ang sarili sa nangyari kay Azi. Lagi naman itong mga nakabantay sa dalaga. Tuwing umaga ay ang tita ni Azi ang nakabantay at sila naman pag uwi nila galing eskwelahan at doon na rin natutulog.


Habang kumakain si Jake sa sofa si Blake naman ang naupo sa upuang katabi ng kama at humawak sa kamay ni Azi.


"Baby...Please wake up.Miss na miss ka na namin. Tomorrow is our first anniversary."


Habang hawak hawak ni Blake ang kamay ni Azi ay naramdaman niyang gumalaw ito.


"Shit. Jake! Jake gumalaw si Azi"

Agad namang binitawan ni Jake ang kinakain at dali daling lumapit sa kapatid.

"Gumalaw yung kamay niya naramdaman ko. Tumawag ka ng doctor" Pinag halong Excited at kaba ang nadadama ni Blake.






Unti unting bumukas ang mga mata ni Azi. Napalinga linga ito kung nasaan siya.


Nasaan ako?



anong nangyari?



Napunta ang tingin niya sa lalaking nasa tabi niya.





"Sino ka?"







FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Owned by the TwinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon