KABANATA-35

941 50 3
                                    

"...INVITATION?! YOU GOT to be kidding me?" nanunuya niyang tanong sa akin. Napakamot na lang ako sa aking batok habang nag-iisip ng maaring palusot sa kanya. 

Geez!

"Death threat po siya, Madam! Obvious naman eh!" biglang singit ni Gab na ngayon ko lang napansin. Wala namang kaso sa sinabi niya, sadya lang na ang tono ng kanyang pananalita ay may halong pang-aasar. 

Tch! She even raised her hand as if we're in a graded recitation.

"I'm not talking to you." walang kagana-ganang sagot ni Eri sa kanya. Bigla namang tumiklop ang loko. Pakatapos, isang nakakabinging katahimikan ang nanaig sa paligid. 

"Pabida kasi..." bulong ni Alex na nagpipigil na ng tawa. Gab crossed her arms and pouted like a kid. Akala niya siguro gagana ang pagpapacute niya, mas lalo pa yatang nairita si Eri sa kanya. Napailing na lang kami sa kanya at panadaliang nakalimutan si Eri na kanina pa ako pinapatay ng masama niyang tingin.

"Huwag kang mag-alala sa akin. I can handle it." I snaked my arms around her waist and steal a quick kiss on her forehead. Nang lumayo ako sa kanya, nanlalaki ang kanyang mata at titig na titig sa akin.

Hindi nawala sa aking pansin pagnigas ng kanyang katawan matapos kong gawin ito. She bites her lips then rolled her eyes on me. Mukhang hanggang ngayon hindi pa rin siya sana sa ganito kong gawain.

"Ay grabe! Kanina lang mangangain ng buhay tapos ngayon mukha ng pabebe." singit ulit ni Gab kaya binataukan na siya ni Alex para manahimik.

"Panira ka ng moment. Tayo na--"

"Oh my gosh! You mean, tayo na? Hindi mo pa nga ako nilili--" napatakip pa si Gab ng bibig na parang gulat na gulat sa sinabi Alex. I cringe on her reaction because she looks so stupid. Geez! 

"Ituloy mo yang sasabihin mo at baka makalimutan kong maging mabait ngayon. Haist! Why am I excerting energy to you? Tch!" Alex brushes Gab off her and leave her. Agad namang sumunod si Gab habang may sinasabing di na namin maintindihan.

"You're not thinking of doing reckless things, right?" biglang tanong ni Eri. Ngumiti ako habang makailang ulit na tumango sa kanya.

"...good. Let's go? I still need to see the situation outside."

"Paano si Lis? Hindi natin siya pwedeng isama sa labas."

"I'll ask Noelle or Jamie na samahan muna si Felicity." bumaling siya kay Lis na ngayon ay abala na sa binabasa niyang children's book habang yakap-yakap ang kanyang teddy bear.

"Felicity?" Eri called out her name kaya napunta na sa kanya ang atensyon ng bata. "...stay here, ok? Ate Noelle will come and play with you." she said in her most sweet voice. One thing that I notice is Eri changed her voice to sweet and soothing when she talked to Lis. Bagay na malimit niyang gawin sa akin.

"Pwede po ba akong humingi sa kanya ng cake, Mama?" inosente nitong tanong kaya napatingin naman ako kay Eri. Bigla rin akong nagcrave. 

"Yes, just ask her kaya dapat behave ka, ok?" she speaks to Lis with an appealing tone which is different from her matter-of-fact voice and bitchy tone.

"Ako rin Love, gusto ko ng cake-- ay h-hindi na pala. Busog pa pala ako." hindi ko na pinilit ang gusto ko. Paano ba naman, biglang sumama ang tingin niya sa akin, eh! Geez! Ano naman nagawa ko?

Paalis na kami nang saktong bumukas ang pinto. Niluwa nito ni Noelle na tila pagod na pagod, dire-diretso nga siyang tumabi kay Lis at mabigat na bumagsak sa sofa.

"Grabe boss! Ang daming media sa labas, kinukulit kaming lahat sa nangyari. Haist!" daing nito habang hawak-hawak ang kanyang sintido.

"Yung mga nasugatan, kamusta?"

North Salazar: The Berseker's Tranquility (gxg) NOT EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon