BADBOY(TEASER)

104 26 1
                                    

Isang putukan ang umalingawngaw sa isang mansyon. Ang mansyon ni Clemencio Villafuerte.

"Nasaan ba si Augustus?! Tawagin niyo siya,"sigaw ng don. Nakakabingi ang palitan ng putok.

Hinanap ito ng isa sa kanyang tauhan. Nakita nito si Augustus sa isang sulok malapit sa kusina. Nakatago ito sa likod ng pintuan. May yabag silang naririnig. Hinablot nito ang lalaki.

"Ang tanga! Back up ka sa akin. Sisilipin ko lang,"utos nito. Pagkasilip niya bigla nalang may nagpaputok kaya muntikan ng madaplisan ang pisngi. "Hayup yun!"

Sumilip siya ulit. Pagkalabas ng ulo pa lang nito ay pinutukan niya. Bull's eye agad. Naglakad na siya palabas sa kusina. May nakasalubong pa silang dalawa. Nagkapalitan sila ng putok.

Nagreload ulit siya ng bala dahil paubos na ito. Kinasa niya ito ulit.

"Augustus, hinahanap ka ni Boss kanina kaya ako nandito."

"Bakit ang daldal mo? Hindi niyo ba siya maprotektahan? Isa kayong sandamakmak na duwag. Silipin mo, bilis na! Tang enang buhay to," napapamura ang binata dahil sa inis.

Bigla nalang nakabulagta ang kaninang dumaldal sa kanya. Dahan-dahan siyang naglakad. Nasa likod na pala niya ito.
"Ibaba mo ang baril mo! Huwag kang magkakamali,"sinunod na nga niya ito pero nakaisip siya ng plano.

May nakaipit na maliit na kutsilyo sa pantalon niya. Noong makatyempo ay kinuha niya at umikot paharap. Tinapon niya ito direkta sa noo nito. "Akala mo maiisahan mo ako."

Pasipol-sipol pa siyang lumakad pero biglang may bumaril direkta sa kinatatayuan niya. Napatakbo siya sa gilid.

"Ang yabang mo Augustus! Papatayin Kita! Balimbing ka! "

"Ako balimbing! Yung boss mo kasi kuripot kaya ayun pinabayaan ko siya! Total naman, mayabang ka, patunayan mo yang galing mo. Gago!"

Sabay pa silang lumabas sa pinagtataguan. Nakatutok ang bawat baril sa isa't isa. "Bakit di tayo magkasubukan sa suntukan Augustus? Tingnan natin kung hanggang sàan yang galing mo?"

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon