ANG KAPUSUKAN

19 9 0
                                    

Tumihaya agad ito sa kama. Nakapikit ang mata nito. Hindi ko maiwasang titigan ang kabuuan niya. Kita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya. Ilang beses akong napapalunok dahil sa nakikita ko. Ang legs nito ay malayang nakahain sa harapan ko. Hindi ako makakatulog nito.

Bigla itong bumangon at lumapit sa akin. Nakaupo ako ngayon sa lapag. Umupo siya sa paharap sa akin. Klarong-klaro ang dibdib nito. Kita ko na naman ang pagkunot ng noo niya.

"Tititigan mo nalang ba ako?"

"Matulog ka na."

Nakaunat ang dalawang paa ko kaya malaya niyang naupuan ang pagitan nito. Pasaway na babae.

"Why? Pangit ba ako?"

"Hindi. Matulog ka na okay?"

"Galit pa rin ako sayo."

Nakanguso naman ito ngayon. Tinutukso talaga ako nito. Hirap na hirap na akong magpigil.

"Ayaw ko lang na napapahamak ka,"sabi ko sa kanya habang umiiwas ng tingin.

"Concern ka sa akin." Pinatong nito ang dalawang kamay sa pagitan ng leeg ko. Mukhang pagpapawisan na yata ako.

"Tulog ka na."

"Masyado ba akong malapit?"

At tinanong pa niya talaga."You know what, I miss you." Napatitig tuloy ako sa mukha niya. Kahit english yun alam ko ang ibig niyang sabihin.

"Hindi mo alam yang sinasabi mo?"

"Bakit? Help me know it August."

"Cami, matulog ka na."
Bigla itong tumayo sa kandungan ko. Bahagya nanghinayang ako pero iwinaksi ko yun. Ang sama talaga ng takbo nitong utak ko ngayon.

"Uuwi nalang ako."

Napatayo ako agad sa sinabi niya. Sa malalim na gabi lalabas siya.

"Hindi pwede. Bukas ka na umuwi. Delikado dyan sa labas at wala ka din masasakyan pauwi."

"Wala kang pakialam."

"Cami, tama na. Huwag ka nalang kasi lumabas."

"And why?! Am I that weak?!"

"Huwag kang sumigaw. Magpahinga ka na."

Hindi ito nagsalita. Diretso ito sa hawakan ng pinto. Lalabas talaga siya. Ang tigas ng ulo. Lumapit agad ako sa pinto at hinarangan siya.

"I hate you! I really hate you!"
Kitang-kita kung paano magalit ang maamo nitong mukha. Kasabay nun ang pagtulo ng luha niya. Ano ba nangyayari sa kanya?

"Ano?! Umalis ka dyan!"

"May problema ka ba? Sabihin mo sa akin"

"I just hate you !"

"Oo na ! Ayaw mo sa akin pero kailangan mo manatili dahil baka mapaano ka."

Tinalikuran ako nito at pumunta sa sa kama ulit. Umiiyak na naman.

"Ang tanga tanga ko! Bakit ba ako nagkaganito?!"

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon