Mahal na Mahal

14 0 0
                                    

Kinabukasan, habang abala ako sa paghahanda ng almusal may kumatok sa pinto. Ang aga namang bisita. Binuksan ko ang pinto at mukha ni Cami ang sumalubong sa akin. May bitbit itong nakasupot. Nakasuot lamang ito ng white pants at kulay asul na blusa. Bakit kahit anong isuot niya, napakaganda pa din?

Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at pumasok siya. "Kumusta ka na?" Sabay naming sabi. Natawa siya. Bakit ang ganda niya kahit anong gawin niya? Kahit yata sumimangot ito sobrang ganda pa din.

"Mabuti naman ako August kahit  muntik ng mamatay si Papa."

"May lahing pusa yata ang matandang yun?" Sabi ko sa mahinang boses.

"Ha?"

"Wala naman. Sabi ko, mahaba ang buhay ng Papa mo at gusto ko pa siyang makilala."

"Saka nalang siguro pag ayos na siya." Sabi nito habang nilalapag ang supot. Umupo ito at nakatingin sa malayo. Tumabi ako sa kanya at nagtanong sa kanya. "Ayos ka lang ba talaga? Kung hindi, maari mo namang sabihin ang totoo."

"Salamat. Ayos lang ako. Dapat maging ayos ako."

Malalim ang bawat paghinga nito. Kahit sobrang sama ng ama niya, swerte niya may anak siyang sobrang pinapahalagahan ang buhay niya.

"Hay! Gusto ko muna kalimutan ang sitwasyon ni Papa. May mga dala akong pagkain kasi hindi na ako nakapagluto. Pasensya na." Nakangiting sabi nito pero alam ko may lungkot sa sulok ng mga mata niya.

"Hindi naman ako mapili. Kahit yata tirang pagkain, isusubo ko talaga."

"Don't worry! Tataba ka sa akin." Nakatawang sabi niya. Tahimik kaming kumakain. Pagkatapos naming kumain, tahimik siyang nakaupo sa lapag. Paminsan-minsan hinihilot nito ang kanyang sintido. Lumapit ako sa kanya at naupo. Kinuha ko ang kamay niya. Parang may kuryente. Iba na yata ang nararamdaman. Baka kailangan ko na magpakonsulta. Sa kanya nalang kaya? Hay! Para na akong tanga nito.

"Okay ka lang August? Mukhang may problema ka dahil sa pagkakunot ng noo mo."

"Ha? Bakit may naramdaman akong kuryente pagkahawak ko sayo?" Napaiwas ito ng tingin at bahagyang namumula.

"Ayos ka lang Cami? May allergy ka ba?"
Umiling lang ito.

"About doon sa tanong mo, uhm, ano, it's normal na maramdaman mo yun kasi, dahil sa utak natin. Baka may iniisip ka kaya, siguro ganun ang reaksyon mo."

"Ahh."

"Anong iniisip mo August?" Nakatingin na ito habang tinatanong ang mga yun. Ako naman ang parang naputulan ng dila sa tanong niya.

"Sabihin mo na. Baka sakaling matulungan kita." Napakamot ako sa ulo ko. Nakatitig pa din ito habang hinihintay ang sagot ko.

Iniisip ko siya sa bawat gabi at ibang init ang nararamdaman ko. Hindi ko maramdaman ito sa iba. Mahal ko na na siya? '' August, ayos ka lang ba?''

'' Oo naman ayos lang ako.''

'' I have something to tell you.''

'' Ano iyon?''

'' Una sa lahat, wag mo akong tawanan. Pangalawa, maging honest ka sa response mo okay?'' Tumango nalang ako. Hinawakan nito ang kamay ko at ayun na naman ang kuryente na dulot  niya. '' Noong una, iniisip ko baka crush lang kita pero hindi ko naman akalain na mag-iiba yun paglipas ng mga araw. August, I, uhm, I...think I'm....in love with you.''

Hindi ko maipasok sa utak ang sinabi niya. Mahal niya ako at tama naman siguro ang narinig ko. '' Ano na? Wala ka bang sasabihin?''

'' Sasabihin ba kamo. Hindi ko alam.'' Bumitaw siya sa akin at tipid na ngumiti.

'' I now understand. Anyway, kalimutan na natin iyon.'' Bakit ba kasi hindi ako makapag-isip nang maayos? Iniangat ko ang mukha niya at kita ko sa mata ang lungkot. '' Pasensya na. Hindi ko talaga Alam ang Sasabihin pero hindi naman ibig sabihin ayaw ko sayo. Medyo, naguguluhan ako.''

'' Mahal kita August. Naguguluhan ka pa din ba?''

'' Naiintindihan ko naman kahit ingles. Nabigla lang siguro ako.''

'' Oo nakakabigla nga. Hindi ko alam ang pumasok sa utak ko bakit nasasabi ko ang ganun. Pasensya na.''

'' Wag kang humingi ng pasensya dahil alam mo, Mahal na din kita.'' Tumingin ito sa akin na parang naiiyak.

'' Bakit?''

'' Wala. I'm happy.''
Siniil ko lamang siya ng halik at naging mainit ang tagpo sa amin.

Magkatabi kami ngayon sa lapag at tanging kumot ang nakatakip sa hubad naming katawan. Nakahiga ang ulo niya sa braso ko at payapa siyang natutulog.

Hindi ko pa rin akalain na mamahalin niya ang tulad ko. Siya pa nga mismo ang umamin sa akin at sobrang swerte ko nga. Nangangamba pa din ako sa kahahantungan namin. Pag nalaman ito ng kanyang ama, magiging komplikado ang lahat.

Pagsapit ng alas singko, umalis na siya. Nakangiti akong umupo habang tinititigan ang picture niya sa cellphone ko. Ang ganda niya talaga. Nabulabog ako dahil sa magkasunod na katok.

'' Sino ka bang lin---," Natigilan ako sa pagsasalita dahil bugbog saradong mukha ni Jimboy ang nasalo ko. May mga armas na dala ang mga ito. Lima silang lahat. Kilala ko ang mga mukha nito. Tauhan ito ng Papa ni Cami. '' Kuya, hinahanap ka nila pero hindi ko sinabi.'' Pinaupo ko si Jimboy sa kama at hinarap ko ang lima.

'' Long time no see Augustus. Nagpunta nga kami pala dito para kumustahin ka.''

'' Humihinga pa naman ako.''

'' Hinayaan ka na nga niya sa buhay mo bakit pinatos mo ang anak niya.''

'' Nandito lang ba kayo para doon?''

'' Pinapaalala ko lang Augustus. Sa susunod na gawin mo iyon, si Kamatayan na ang personal na susundo sayo.''

Nanakot pa talaga ang mga gago. Dati, parang aso ang mga ito sa sumusunod sa akin. '' Wag mo akong takutin Kiko. Best friend kami ni Kamatayan at si Satanas naman ay ninong ko. Umalis ka na. At oo nga pala, hindi ka dapat pumapatol sa bata.'' Matalim ang tingin nito sa akin at binalibag ang pinto ko.

Nilapitan ko si Jimboy at kinausap. '' Ikaw Jimboy, bakit di mo agad sinabi? Ayan, puro na kamatis ang mukha mo. Maitim nga lang.'' Pagbibiro ko sa kanya pero sa totoo lang, nag-aalala ako. Ginamot ko ang pasa niya at pinatulog ko muna sa kwarto.


----

Hello mga madam at sir! Nakapag-update na tayo kahit matagal. Salamat sa 251 reads!

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon