Ang Tunay na Pumatay

6 0 0
                                    

Mabilis na nahuli din nila Leon ang isa ko pang target sana. Pumunta ako sa prisinto nila para kausapin ang taong iyon. '' Usap lang Pare. Pinapaalala ko sa'yo.''

'' Oo na. At saka hindi ako tanga para tapusin ang taong yan.''

Hinintay ko siya kung saan pwede kausapin ang mga preso. '' Anong kailangan mo sa akin? Ikaw ba ang magpapalaya sa akin?''

'' Umupo ka. May katanungan lang ako sayo.''

Buti masunurin siya at umupo kaagad. '' Ano ba talagang kailangan mo? May mapapala ba ako sayo?''

'' May mapapala ka naman kahit papaano. Kaya kitang tulungan para makalabas dito.''

'' Sige. Magtanong ka na.'' Kinuha ko ang lumang litrato ni Tatay at pinakita ko sa kanya.

'' Kilala mo ba 'to?''

'' Hindi.''

'' May usapan tayo. O pwede din kitang ilabas dito at patayin sa labas na walang makakaalam.''

Napahilamos ito sa mukha at Muling nagsalita. '' Kilala ko siya. Eh, matagal nang patay ang taong yan.''
'' Alam ko. Sino ang pumatay sa kanya?'' Matagal muna bago ito nagsalita.

'' Bakit interesado kang alamin ang pumatay diyan?'' Nakakainis pag sinasagot ang tanong mo ng tanong din.

'' Hindi mo na kailangan akong tanungin. Sumagot ka nalang.''

'' Mayaman ang taong iyon at may malalaking kapit sa politiko at hanay ng mga pulis.''

'' Pangalan ang kailangan ko.''

'' Mahirap sabihin kaagad kung sino.''

'' Ito cellphone ko. Isulat mo ang pangalan.'' Nagdalawang-isip pa ito bago kunin ang cellphone ko. Pagkaabot niya sa akin parang  hindi ako makapaniwala.

'' Niloloko mo ba ako?''

'' Siya nga. At saka sana hindi niya malaman na sinabi ko sa'yo. Ang pangako mo sa akin.''

'' Balik na lang ako ulit dito.''

Nagsisigaw na ito pero parang nabibingi ako. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang lahat. Siguradong kilala na niya ako simula umpisa.

Nandito ako ngayon sa boarding house umiinom. Tumunog ang cellphone ko. Sumagot nalang ako sa tawag dahil ang ingay. '' Hello, sino ka ba?!''

'' Are you okay? Why are you shouting?'' Si Cami pala. Mas lalo akong naguguluhan.

'' Pasensya na. Patawad talaga kung pumasok ako sa buhay mo. Sisiguraduhin  kong hindi masisira ang buhay mo dahil sa akin.''

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon