Matigas ang Ulo

0 0 0
                                    

Augustus POV

Kahit mapahamak pa ang tulad niya dahil sa akin ay sumama pa rin ihatid ako. Gusto daw niyang masigurado ang kalagayan ko. Mas matigas pa pala ang ulo niya sa akin. Heto ngayon siya sa harap, panay asikaso sa akin.

'' Bakit hindi ka pa umuwi sa inyo?''

Humarap ito sa akin na nakasimangot. Nagalit ko siguro.
'' Hindi naman masama ang ibig kong sabihin. Ayaw ko lang dagdagan ang iniisip mo.'' katwiran ko sa kanya pero nakabusangot pa din.

'' Kung hindi ka lang may sakit ngayon, bubugbugin kita.'' pananakot nito sa akin. Natawa nalang ako itsura niya.

Kahit medyo makirot pa ang tagiliran ko ay tumayo ako. Lumapit ako dito at ninakawan ng halik.
'' Magnanakaw!''

'' Para mawala na iyang galit mo. Sige, hindi ko na ipipilit na umalis ka. Basta, mag-iingat ka. Hindi pa ako magaling para maipagtanggol ka.'' Kinuha nito ang kamay ko at tumingin sa akin. Kahit kailan hindi ako magsasawa sa tulad niya at walang pagsisi kung sakaling buhay ko ang kapalit para maipagtanggol siya.

'' Thank you! At pangako ko, I will be safe.''

Kailangan pa din niyang umuwi baka maging magulo na naman. Pagsapit ng hapon ay inutusan ko si Jimboy na ihatid siya palabas.

Panay bilin ito bago umalis at mabilis akong tumango. Makalipas ang isang oras may kumatok sa pinto ko. Hay! Sino naman 'to? Pagkabukas ko, si Rhea ang bumungad sa kanya. Halos hubad na ito sa harap ko. '' Anong ginagawa mo dito?'' Tanong ko sa kanya pero pumasok siya sa loob.

'' Bakit ka nga nandito?'' Komportable itong umupo sa kama ko. Nagsimula na akong mainis. '' Augustus, nag-aalala lang naman ako sayo.'' Tumayo ito at lumapit sa akin. Hahawakan na sana ako nito pero pinigilan ko.

'' Huwag mo akong hahawakan. Hindi ko alam kung bakit nandito ka.''

'' Nandito ako para alamin ang sitwasyon mo. Siya lang ba may karapatan sayo? Wow! Isipin mo Augustus ang pagkakaiba ninyo. Kilala ko ang Tatay nun. Mayaman at kaya kang ipapatay anytime. Kaya sana mag-isip ka. Baka isang araw bangkay ka na.''

'' Tinatakot mo ako Rhea? Pwede ba umalis ka na. Baka anong magawa ko sayo.''

'' Magsisi ka Augustus! Makikita mo.''

Naglakad na ito palabas. Napaisip ako tuloy sa sinabi niya. Wala na akong pakialam kung iyon ang mangyari. Ang mahalaga may taong dumating sa buhay ko na tama.

Naistorbo ako sa pamamahinga dahil sa tawag. Nakakainis naman talaga. '' Sino to?! Istorbo ka talaga.''

'' Pinapatawag ka ni Don Clemencio, Augustus.''

'' Wala akong panahon sa kanya.''

'' Tungkol sa anak niya. Mahalaga ang pag-uusapan ninyo.'' napaupo ako sa sinabi nito. Anong nangyari kay Camilla?

'' Pupunta na ako.'' Mabilis akong nagsuot ng damit at diretso kung saan nakapwesto ang motor. Mabilis kong pinatakbo ito papunta sa mansion ni Don Clemencio.

Pagdating ko sa mansion nito ay kinapkapan ako. Nakapwesto ang matanda sa mahabang sofa nito. '' Bakit mo ako pinapunta dito?''

''Nasaan ang anak ko?!'' Matalim ang tingin niya sa akin. Anong ibig niyang sabihin na nasaan si Cami?

''Bakit mo siya hinahanap sa akin? Sarili mong anak wala kang alam kung nasaan.''
Namumula na ang buong mukha nito na parang sasabog.

''Ikaw lang ang may motibo para pag- interesan ang anak ko.''

''Natatakot ka na ba? Siguro nararamdaman mo na ang karma sa'yo. Pero, hindi ako kagaya mo, nandadamay ng tao para lang maisalba ang sarili.'' Mabilis niyang kinasa ang baril at tinutukan ako. Nakitutok din ang mga tauhan niya.

''Patayin mo man ako, walang mababago. Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sitwasyon ninyo Ng anak mo ''

Binaba nito ang baril at lumapit sa akin.
"I'll pay you 20 million. Hanapin mo ang anak ko at pag nakita mo siya, get away from her.''

"Alam mo, kahit walang 20 million, hahanapin ko siya. At siya ang magdedesisyon kung sasama o Hindi sa akin."

Matalim muli ang tingin niya sa akin. Sigurado pag nalaman ni Camilla kung gaano kahayop ang ama niya ay siya mismo ang lalayo dito. Pero, Hindi ako magsasabi sa kanya tungkol sa pagkatao ng kanyang ama.

"Sa tingin mo, ikaw lang ang may kakayahan na hanapin ang anak ko. I can pay a bigger amount to other people just to find her."

"Alam ko naman Yan. Kaya lang, matalino ang anak mo kaya mahihirapan silang hanapin siya."

"Ano bang kailangan mo para lubayan mo ang anak ko?!''

"Yan dapat ang alamin mo tanda."

Bakas sa mukha niya ang pagkainis sa sinabi ko. Hindi lang inis ang mararanasan niya sa akin. Kundi galit at poot na tinago ko ng matagal.

Pabalik-balik ito sa paglalakad sa harap ko. "Sige! Ikaw na ang maghanap sa kanya. At aalamin ko ang kailangan mo, siraulo ka!''

Nginisihan ko lamang siya. Sisiguraduhin ko na malaki ang mawawala sa kanya pagdating ng paniningil ko.

Mabilis kong pinatakbo ang motor ko at tumambay sa isang bar. Tiningnan ko ang cellphone at iniisip kung tatawagan siya. Hindi ko makontak ang numero niya kaya kinabahan ko. Punyeta! Ano bang nangyari sa kanya?!

Tumunog ang cellphone. Hindi ko kilala ang tumawag. Sinagot ko naman ito.

"Glad you answered it." Boses babae ang narinig ko. Sino ba 'to?!

"Hoy! Wag kang englishera diyan! Sino ka ba?!'' naiinis kong sabi sa kanya dahil panay English. Dumudugo ilong ko.

“Kaibigan ako ni Camilla. She passed out dahil sa kalasingan. I saw your number. Pick her up.” paliwanag niya. Nag-text din siya kung nasaan sila. Pinaharurot ko ang motor para mapuntahan agad siya.

Nakita ko itong naka-akbay sa isang babae. Ito siguro ang tumawag sa akin kanina. Pinatay ko ang aking motor at pinuntahan ang dalawa.

“Anong nangyari sa kanya?” pagtatanong ko sa kasama niya. Napatingin ito sa akin at napatulala.

“Bakit ganyan ka makatingin sa akin miss? Akin na siya.”

Nakatitig pa din siya. Problema nito? Ngayon lang ba siya nakatagpo ng lalaki?

“By the way, I'm Ingrid.”

Basta ko nalang binuhat si Camilla at hindi pinansin ang sinabi ng babae. Paano ko siya isasakay ngayon? Plano ko sana gisingin kaso tulog na tulog.

Binalikan ko ulit ang babae at tinanong siya.

“Wala ka bang dala na sasakyan?”

“Wala eh.” sagot niya.

“Subukan kong tumawag ng taxi.” dagdag niya.

Nagpindot ito sa kanyang cellphone at may tinawagan. Matapos niyang makipag-usap ay humarap ito sa akin.

“May na-book akong taxi. Papunta na siya.”

Mabuti naman. Kung may masasakyan naman, sana tumawag siya kanina pa. Ang komplikado mag-isip ng mga babae.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon