UNANG PAGKIKITA

40 20 5
                                    

Naglalakad ako sa madilim na eskinita malapit sa isang bar. Nagsindi ako ng sigarilyo at inipit ko sa bibig. Nakasandig ako sa isang poste nang may naaninag akong babae na kinaladkad. Naiinis ako sa mga ganitong eksena.

Naglakad ako papunta sa direksyon nila. Tumigil sila sa bandang unahan at marami sila. Rinig ko ang pagmamakaawa ng babae. "Sa inyo na pera ko, wag niyo lang akong sasaktan."

"Tulong! Tulong! Kung naririnig niyo ako, please help me!"

"Mahal naming prinsesa, panigurado malalasap mo ang langit. Huwag ka ng magpakipot!" Idiniin ng isang lalaki ito sa poste. Naglakad pa ako malapit sa kanila pero walang malay ang mga ito. Nagsimula na itong halikan ang leeg nito pero nagpupumiglas ang babae.

"Hayop ka! Lumayo ka sa akin,"sabay tulak nito pero wala itong panama sa laki nito. Naiiyak na ito sa takot.

Tinuhod ito ng babae sa manoy niya kaya napabitaw ito. Tapang niya. Nagugustuhan ko ang katapangan nito. "Aray! Hawakan niyo ang babaeng yan!" Sigaw nung tinuhod niya.

"Mga pare, kung ayaw wag niyong pilitin. Baka mademanda kayo ng rape. Tatawag ako ng pulis."

Tinulak ako nang isa. Anong karapatan niyang gawin yun?! Kaya wag pag-aatubiling sinuntok ko sa mukha. Sapul. Gumanti ng suntok ang isa pa pero nailagan ko. Hindi ko napansin may kutsilyong sumaksak sa gilid ko. Napadaing ako sa sakit pero hindi ito malala.

Ginantihan ko ang isa sa pamamagitan ng pagsipa sa kanya. Susugod sana nila ako pero pagod na ako. Binunot ko ang baril sabay tutok sa mga ito.

"Pag di kayo tumigil maaga niyong makakasama si Satanas."

Nagsitakbuhan ang mga ito. Lumapit ako sa babaeng panay iyak sa tabi ng poste. Hay! Bakit kasi nagsuot pa siya ng maikli at naglakad sa madilim na parte? Pinatayo ko ito. Kumikirot na ang sugat ko.

"Ayos ka lang ba?"

Mabuti naman naalala pa niyang nasugatan ako sa pagtulong sa kanya. Basang-basa ang mata nito ng luha at sumisinghot singhot pa. "Sorry..... I'm sorry because your hurt. I'll bring you to the hospital."

"Bakit ka ba nag-eenglish dyan? Anong hospital? Naghihingalo na ba ako?"

"Sorry, it's my fault really."

"Isa pang english babae, iiwanan kita dito?!"

Napayuko naman ito. Nasigawan ko yata. Puro kasi english ang sinasabi niya.

"Pasensya sa pagsigaw. Samahan mo nalang ako sa tinitirhan ko at gagamutin mo ang sugat ko. Yun nalang pambayad mo sa akin."

"Ah,okay,"maikling sagot nito. Pumara kami ng taxi. Una ko itong pinapasok. Nakarating na kami dito. Pinababa ko na ito at siya pinabayad ko sa taxi.

Ibinigay ko ang jacket dito. Mga alas nuebe na nang gabi at madami ang nakatambay. Baka mabastos ito dahil sa ikli ng suot.

Diretso kaming umakyat sa taas. Nakasalubong namin si Rhea. Matalim ang titig nito sa kasama ko. Hinayaan ko lang ito. Binuksan ko ang kwarto. Sumalubong ang kalat-kalat kong mga damit.

Nagsimula siyang pulutin ito. Hawak nito ang brief ko pero hindi ito natinag. "Wala ka bang girlfriend o asawa para mag-ayos nito?" Umiling ako. Hinanap nito ang laundry basket na lagayan ko ng maruruming damit. Nakita niya ito sa sulok. Isa-isa niyang pinasok ang damit dito.

Ang gusot kong higaan inayos niya. Nagsalita ito pagkatapos gawin iyun. "Yung first aid mo, sàan ba?" Buti nagtagalog na ito baka dumugo ilong ko. Itinuro ko ito sa ibabaw ng maliit mesa. Kinuha naman niya at dinala sa kama.

"Upo ka dito."Turo nito malapit sa pwesto niya. Bumaba ito sa kama at hinubad ang jacket. Kitang-kita ang dibdib niya. Di ito gaanong malaki. Naupo na ito at sinimulan itaas ang shirt ko.

"I'm a doctor so don't worry."

Nag-eenglish na naman siya. Diretso ko nalang hinubad ang shirt ko.

"Daplis lang pala ito. Walang mainit na tubig so alcohol ang gagamitin natin."

Binasa niya ang bulak at sinimulang linisan ito. Napapamura ako sa sakit. Tinitingnan ako nito na parang ayaw niya ang magsalita nang ganun.

"Sorry. I should have not go to the party at the first place and I shouldn't----,"pinutol ko ito sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig niya. Bakit ang init ng labi niya? Kalokohan itong naiisip ko.

"Hindi mo kasalanan na gutom sa laman ang mga kutong lupa."

"What's kutong lupa?" Napasapo ako sa noo.

"I'm just asking. I really don't know that word."

"Ibang tawag sa mga gago o mga siraulo."

Tumango-tango naman ito. Akala ko mahabang paliwanagan. Nalinis naman niya at nabendahan na rin. Naghanap ito ng malinis na damit ko at ibinigay sa akin.

"What's wrong with that girl outside? Is she jealous? She's your girlfriend noh," tanong nito habang iniikot ang tingin sa kwarto.

"Hindi ko siya syota. Pampalipas oras ko lang yun."

"That's bad. No girl should be treated like that."

"Yun ang gusto niya. Maiba nga tayo ng usapan, taga sàan ka ba?"

"Sa Makati ako nakatira sa isang condo unit pero ang papa ko gusto na ako pauwiin sa mansyon. Malayo yun sa ospital kaya di niya ako napilit."

"Dami mong sinabi. Bakit ka nga pala kinaladkad ng mga kutong lupa na yun?"

"I don't know. They're maniac I think."

"Eh, sa manyak talaga."

Tahimik na naman ito. "Where's my phone?" Bigla nalang sabi nito. Ipinakita ko ito. Nahulog niya ito sa pagpupumiglas kaya basag agad. "Oh no, how will I contact them?"

"May cellphone ako pero walang load kaya di mo rin mapapakinabangan."

Napailing nalang ito at nakanguso pa . Mukhang siyang aso pero maganda. Ano ba?! Hindi ako makapag-isip ng matino sa babaeng ito.

"Magpahinga ka na." Double deck ang kama ko kaya umakyat ako sa taas para dito siya mahiga sa baba.

"Goodnight Miss,"hindi ko alam pangalan niya.

"It's Camilla, but you call me Cami."

Maganda nga ang pangalan niya. Umayos ako ng higa. "Tulog ka na Cami. Huwag ka na mag-alala." Pumikit na ako dahil nabugbog ang katawan ko kanina. Wala na rin akong narinig na boses mula rito.

(UNANG PAGKIKITA. HOW WAS IT?)

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon