Kape At Pandesal

46 20 3
                                    

Nagising ako nang maaga pero siya tulog pa din. Sinarado ko ang pinto para bumili ng pandesal. Pagkababa ko sinalubong agad ako ni Rhea. "Sino ba yung bago mo?" Ang lakas ng tama nito sa utak. Akala niya yata syota ko siya kung makapagtanong.

"Bakit? May problema ka doon?"

"Mas magaling ba siya ha?!" Bunganga niyang napakaagang mambwisit.

"Rhea, walang tayo kaya huwag kang matanong." Nilagpasan ko ito at kailangan ko nang bumili sa labasan.

"Gago ka talaga Augustus! Akala mo ikaw lang ang lalaki sa mundo!"

Ewan ko sa kanya. Diretso ako sa maliit na bakeshop malapit sa amin. Bumili ako nang isang supot ng pandesal at isang kaha ng sigarilyo.

Pagkabalik ko sa taas, wala nang kahit anino ni Rhea. Mabuti naman kung ganun. Pagkabukas ko nang pintuan naabutan ko itong nagpapakulo sa heater.

"Your here. Sorry if I'm using your things with no permission."

"Paduduguin mo ba ilong ko? Okay lang kung gagamitin mo yan. Para diretso na tayong magkape. Umiinom ka ba ng kape na walang gatas,"tanong ko dito. Tumango naman ito. Swerte niya di siya maarte.

Nagtimpla na ako nang dalawa. "Pwede ko malaman ang pangalan mo? Oh, di na ako nag-eenglish."

"Bakit ka interesado? Crush mo yata ako Doc Cami."

"Yabang. I'm just asking."

"Joke lang doc. Ako pala si Augustus pero pwede rin August."

Nagsimula na itong isawsaw ang pandesal sa kape. Nakakatuwa siyang panoorin dahil mukhang sanay na sanay.

"Is there something in my face or madumi ba?"

"Nakakatuwa ka lang panoorin kasi marunong ka pala magsawsaw nang pandesal."

"I stayed in the province for almost a year so sanay na ako."

Matagal ko siyang tinitigan habang inuubos ang kape sa tasa. Mukha na akong baliw dahil pagtingin ko dito. Maganda siya at talagang kulay gatas ang kutis niya. Halatang galing sa napakarangyang pamilya.

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon