Ang Kanyang Pagbisita

26 14 0
                                    

Tahimik lang ako buong magdamag sa loob ng kwarto. Walang gana ang katawan ko kumilos. Hindi ko lubos maisip na makikita nito ang pagpatay sa lalaking yun. Labag man sa kalooban ko ay kailangan ko na talaga makalimutan siya.

Nabulabog ang pag-iisip ko dahil sa magkasunod na katok kaya napilitan akong bumangon.

"Kuya Augustus, buksan mo ito."

Ang batang talaga na ito laging mali ang tyempo. Pagkabukas ay sinalubong ako ng isang mukhang ayaw ko na sana makita pa. Nakangiti itong malapad sa akin. Bakit ba talaga ang malas ko?! Tumakbo na din si Jimboy pababa.

Wala akong pagpipilian kundi papasukin siya. Sinarado ko agad ang pintuan. Tahimik itong naupo sa kama. Suot nito ay isang simpleng dress pero ang ganda niya pa rin. Mahihirapan akong kalimutan ang tulad niya. Parusa ang presensya nito para sa akin.

"Kumusta ka?" Tanong agad nito sa akin. Natigilan tuloy ako sa sinabi niya. Natagalan bago ako magsalita.

"Ayos lang ako. Bakit ka nga pala nandito?"

"I'm here to get my phone."

"Pinaayos ko ang sira ng cellphone mo. Saglit, kukunin ko lang."

Nakasunod ang tingin nito sa akin. Kinuha ko ito sa bag ko. Ibinigay ko ito sa kanya agad.

"Thanks."

Tahimik na naman ito ulit. At ako wala na rin akong balak magsalita.

"August, can I ask something?"

"Tagalog ka kung may sasabihin ka."

"Sorry. Alam ko naman na wala akong karapatan tanungin ka pero pwede ko bang malaman kung bakit."

"Kalimutan mo na yun."

"Grabe ka naman. Bakit nga?"

"May mga bagay na ayaw ko ng ibahagi sa iba."

Nakanguso naman ito. Para siyang bata. Sarap halikan. Magtino ka Augustus! Ayaw ko na siyang madamay pa. Gusto ko maging normal ang buhay nito.

"Akala mo yata aalis ako agad dito. Basta pag di mo sinabi sa akin ang dahilan hindi pa rin ako aalis."

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon