ANG MULING PAGKIKITA

18 10 0
                                    

Naglakad ako palabas ng kanto para bumili ng sigarilyo at tumambay na rin. Naupo ako sa isang silya sa harap ng tindahan. May napansin akong aleng tumatakbo na parang may hinahabol pero hinayaan ko lang. Sumisigaw na ito.

"Tulong! Tulungan niyo ako! May magnanakaw,"paghingi nito ng tulong. Dahil gusto ko naman ng aksyon sa buhay ko kaya lumapit ako sa ale.

"Ano ba nangyayari sa inyo?  Bakit kayo nagsisigaw?"

"Kase yung pera ko, pambili ng gastusin sa bahay, hinablot noong mama sa palengke."

"Dyan lang ho kayo."

Nagsimula na akong maglakad para hanapin ang bwisit na yun. Dito pa talaga sa barangay namin tumakbo. Natagpuan ko itong hingal na hingal sa may bentahan ng buko juice. Binuksan nito ang wallet. Lumapit pa ako rito. Pinatay ko ang sigarilyo at tinapakan gamit ang paa ko.

"Uy pare! Mukhang nakarami tayo.  Pahingi naman ako!"

Napatingin ito sa may gawi ko. Biglang kumunot ang noo nito.

"Sino ka?!"

"Ako, sino? Eh, yung babawi ng pera sayo."

"Baliw ka! Pinaghirapan ko ito kaya hindi mo ito mababawi."

"Ganito nalang, pag binigay mo sa akin yan, makukulong ka lang. At kung di mo naman ibibigay, hmm, ano ba maganda? Bugbog ka sa akin. Tama yun nga."

Tinawanan lang ako nito na parang baliw. "Wala akong pipiliin! Dahil papatayin kita,"sabay hugot nito ng kanyang baril at pinutukan agad ako. Hindi ko alam yun ah. Nagtago ako sa poste. Sumilip ako kung nandyan pa siya pero tumatakbo ang gago. Wala yata akong pagpipilian kundi habulin siya.

Sobrang bilis nito. Nababangga na nga niya ang mga pwesto. Syempre hinahabol ko siya. Isa-isa kong pinulot ang nakadisplay na prutas. Humanda talaga siya sa akin. Patuloy pa rin ako sa pagtakbo at naabutan ko itong palinga-linga sa daan. Lagot ka sa akin ngayon.

Bullseye talaga siya. Magaling pa naman ako sa ganun. Tumayo ako sa harapan na medyo malayo sa kanya. Wala pa din itong malay na magkaharap na kami. Hinawakan ko na ang isang prutas sa kabilang kamay at walang pagdadalawang-isip itinapon sa pwesto niya. Sapul ang tuktok ng gago! Napailing-iling ito. Mukhang naalog ang utak. Nagngitngit ito sa galit habang nakatingin sa akin. Sumugod ito sa harapan ko.

"Pagbabayaran mo ito!"

Itinutok naman nito ulit ang baril at akmang ipuputok niya ng mapansin niya na wala na itong bala. Malas niya naman. May kinuha itong maliit na kutsilyo at walang habas na sumugod sa kin. Buti nakailag ako. Panay iwas ko sa pagsaksak niya. Hinablot ko ang kabilang kamay nito at pinipilit ko. Napapahiyaw ito sa sakit. Nabitawan naman niya ang kutsilyo.

"Oh ano?! Kaya mo pa?"

"Ang kamay ko! Bitawan mo na,"nagsisigaw na ito sa sakit.

"Augustus! Itigil mo na yan,"panirang pulis yan. Binitawan ko nga ito pero siniko ko sa dibdib.

"Wala ka na bang pagkakaabalahan bukod sa mambugbog?"

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon