ANG SORPRESA

16 5 0
                                    

Nakapagtataka ang mga kilos ng mga tao. Papasok palang ako kasi ako, weirdong binigyan ako ni Jimboy ng bulaklak. Mukhang tanga talaga. Sasapakin ko sana pero tumakbo nalang bigla. Diretso akong umakyat papunta sa boarding house.

Hindi nakalock ang pinto. Iniwan ko ang susi sa landlady. Wala namang magnanakaw dito dahil takot lang nila sa akin. Binuksan ko ito.
"SURPRISE!" Kitang-kita ko ang nakangiti niyang mukha sa akin. Siya pala. Tumakbo kaagad ito sa akin at dinamba ako ng yakap.

"I miss you"

"Miss din kita pero bakit may pabulaklak ka pa. Nabaligtad yata ang mundo."

"Showing my happiness. I am now the the head of the hospital I am working. I'm celebrating it with you."

"Itagalog mo nga."

"Basta Celebration sa promotion ko."

"Bakit hindi ka mag celebrate kasama ang papa mo?"

"Lagi siyang abala kaya sayo nalang ako pumunta. Anyway, kumusta ang ayos ng boarding house mo?" Napatingin ako sa pagkakaayos niya. Mukhang gumanda nga at wala na yung kalat sa kama ko. May nilagay pa siyang picture namin sa maliit na mesa ko. Corny man pero masaya ako sa ginawa niya. Kakaibang babae.

"Maganda." Natawa siya dahil habang sinasabi ko yun ay nakatingin ako sa kanya.

"Wag mo akong titigan."

"Bakit? Maganda kaya. Congrats sayo aking doktora."

"Hahaha. Corny mo. I brought us something." Sabay pakita ng isang bote at pizza.

"Sorry hindi ako nakapaghanda sa promotion mo."

"Ayos lang. At least kasama kita." Umupo kami sa lapag. Ako na ang nagbukas ng alak. Mukhang mamahalin ito.

"Kung alam ko lang sana,pinaghandaan kita."

"Kanina ka pa. It's fine August. Let's just enjoy the night."

Marami kaming pinag-usapan tungkol sa trabaho nito kahit minsan di ko maintindihan. Basta masaya ako pag nagsasalita siya. Naduduwag pa din ako itanong kung ano ba kami.

Nagsindi ako ng sigarilyo. Bago ko pa man mailagay sa bibig agad din naman nitong pinigilan ako. Sa huli nilagay ko nalang sa ashtray. Doktor pa Naman siya kaya malamang sermon aabutin ko.

"August, may offer sana ako sayo,"tanong nito sa akin.

"Sige. Ano naman?"

"I have a condo unit na walang tumitira, so pwede kang lumipat dun?"

"Ha? Anong sinasabi mo? Ayos na ako dito."

"Alam ko, nahihiya ka lang."

"Tama ka naman dun. Wala din akong masyadong gamit. Hindi ko kailangan ng condo."

"Eh, pag-isipan mo naman kahit konti. Sige na please."

"Hindi ko alam. Wag na nga natin pag-usapan yan."

Lalaki pa din ako. May pride ako. At saka hindi ko kailangan ng ganung lugar. Hindi na nga ito umuwi.

Nakaunan ito ngayon sa braso ko. Pinaglaruan nito ang ilong ko.
"August, kung sakali magpakasal ako sayo, payag ka ba?"

"Ano?! Pinag-iisipan mo ba yan ng maigi?"

"Bakit namàn hindi? Unless you already have someone."Malungkot nitong tugon sa akin.

"Wala akong iba. Nagulat lang ako."

"Hindi ko naman minamadali. I'm just asking kung sakali man."

"Sino ba namang hindi magpakasal sayo? Maganda, may natapos at mabuti ang kalooban."

"Then what is bothering you?"

"Tagalog mo nga."

"May problema ba sa atin?"
Natahimik ako sa sinabi nito.

"Wala naman. May hihingiin sana akong pabor sayo Cami?"

"Hmm. Ano yun?" Nilaro muli nito ang ilong ko.

"Mga gagawin akong sa ilang linggo kaya hindi muna tayo magkikita. Pwede ba yun?"

Bumangon ito at umupo paharap sa akin. "Baka umabot ng ilang buwan yan ha? Magtatampo ako."

"Hindi pangako. Kung di ko man yun magawa, ipabugbog mo."

"Siguraduhin mo lang talaga. I'll sue you for that."

"Siguradong-sigurado ako."

Humiga ito muli sa tabi ko at niyakap ako. Sobrang bango ng babaeng ito talaga. Habang nakayakap ito sa akin nakatingin ako sa kisame. Iniisip ko kung ano nga ba ang buhay na maibibigay ko sa kanya. Ang daming kalalakihan ang mas bagay sa kanya. Mayaman at kayang-kaya ipatamasa ang marangyang buhay.

Walang nangyari sa amin buong gabi. Natulog lang ito sa tabi ko. Kinaumagahan nauna akong magising. Pinagluto ko kaagad siya. Pagkatapos magluto ay lumapit ako sa pwesto niya. Kitang-kita ko ngayon ang kabuuan niya. Kahit simple ang suot nito nag-uumapaw ang magandang pangangatawan niya.

Marahan kong tinapik ang pisngi nito. Tanging pag-ungol lang ang maririnig ko sa kanya. Bakit bigla akong nakaramdam ng kakaibang init? Hinalikan ko siya baka sakaling epektibo. Nagising nga siya pero sumasabay sa halik ko. Ako na ang naunang bumitaw. Pakiramdam ko kasi pinagsasamantalahan ko ang kahinaan nito.

Binuksan nito ang mata at nakatitig sa akin. "bakit mo pinutol ha?"

"Ano Kasi, ginigising lang kita dahil handa na ang agahan mo."

"Ang bad mo ha. Hmm. Mabango nga."

"Saglit lang ihahanda ko na."

Nilapag ko ang pagkain sa lapag. Magana naman itong kumain kaya sinabayan ko din siya. Dumighay pa ito at ngumiti sa akin. "Oops! Sorry."

Tumunog nalang bigla ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bag. Mula kay Leon. Lumabas ako kaagad at sinagot yun.

"Bakit Leon? Ang aga mong mambulabog."

"May impormasyon na ako sa taong hinahanap mo sa listahan. Dalawa itong nahanap namin."

"Saan ang lugar?"

"Hindi ko maaring sabihin hangga't walang warrant."

"Pare, alam mo naman na, kailangan ko yun."

"Oo alam ko. Ayoko lang ilagay mo sa kamay ang batas."

Napalingon ako sa boses ni Camilla. "AUGUST! Saan ka ba?"

"Pare, kita nalang tayo. Yung dati pa ring bar na pinagkitaan natin."

"Sige pare. Asikasuhin mo yang misis mo."

"Gago! Sige na."
Bumalik ako muli sa loob ng boarding house. Naabutan ko itong nakaupo sa may kama. Umupo ako sa kanyang tabi. "May problema ba August,"tanong nito sa akin.

"Hindi naman nawawalan ng problema ang tao pero kaya ko naman. "

"If anything is hard to handle, nandito lang ako."

"Alam ko yun. Ikaw wala ka bang gagawin?"

"Wala."

"Eh, kung may gawin kaya tayo?"Pilyong sabi ko sa kanya.

"Hahaha. Tumigil ka." Bigla ko nalang ito kiniliti. Napahiga ito sa kama. Masyadong maganda siya para sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala. Kahit buhay ko, itataya ko sa kanya.



***********************************

NakapagUPDATE na din. Thanks for taking time in reading my works ❤️

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon