Ang Dalawang Suspek

8 0 0
                                    

Gaya nang sinabi ko sa tawag kay Leon ay nagkita kami sa parehong bar na yun. "Uy, Pare," kinamayan ko nalang din siya. Umupo ako paharap sa kanya. Madaming alak na din ang inorder nito. "Leon, yung tinawag mo sa akin kanina, nahuli niyo na ba sila?"

"Hindi pa pare. Wala pa kaming warrant eh. Bukas pa yun makukuha. Sa dami kasi ng kaso, kaya medyo nahirapan din kami sa pagkuha ng warrant."

"May lead ba kayo?"

Uminom muna ito bago magsalita. "Meron naman."

"Saan ba nagtatago ang mga yan?"

"Masyadong direkta ang tanong mo pare."

"Leon, kaibigan kita. Alam mo naman na matagal ko nang gustong bigyan ng hustisya si Tatay."

"Pare, kahit sabihin ko man sayo, wala kang karapatan na ilagay sa sariling kamay mo ang batas."

"Sasabihin mo nga sa akin."

"Pare,"agad kong pinutol ang sasabihin nito. Andami pa niyang paligoy-ligoy.

"Leon, sabihin mo na sa akin. Pangako ko sayo, hindi ko papatayin ang mga yun. May gusto lang akong kumpirmahin."

Napabuntong-hininga ito. Napailing-iling pa. Wala siyang pagpipilian dahil may mga paraan din ako. "Kung ayaw mo sabihin sa akin, ang drug lord na gusto mong tiktikan, hindi mo kailanman makukuha."

"Wala naman akong magagawa dahil gagawin mo lahat makuha ang gusto. Basta wag mo ipahamak yang sarili mo. Si Antonio ay nakatira sa Pasig. Kilala siya sa pagiging sugarol at madalas mangutong sa mga tiangge sa lugar din niya. At yung isa naman ay notorious na akyat bahay. Mga Subdivision sa Makati ang kanyang target. Samuel ang pangalan niya."

May kinuha itong envelope at agad kong hinablot sa kanya. "Pare, sigurado ka ba dyan? Ayaw ko na bangkay mo ang madatnan ko dahil padalos-dalos ka."

"Hindi ako mamamatay Leon. Kailangan ko pang makuha ang hustisya para kay Tatay."

"Basta mag-iingat ka. Maiba nga Tayo, Sino ba yung babae na tumatawag sayo nang tumawag ako?"

"Wala."

"Pare, wala naman masama kung aaminin mo sa akin."

"Siraulo! Uminom na nga tayo."Hindi ko maintindihan itong si Leon dahil minsan parang bata kung umasta.

Sumakay ako sa aking motor at binagtas ang Pasig. Tumunog ang cellphone ko. Tumigil ako muna sa tabi ng kalsada at sinagot ko. Si Cami ang tumatawag. "Tumawag ako August dahil may medical mission ako sa Pasig. I organize it matagal na. So gusto ko lang ipaalam sayo."

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon