Ang Banta ni Don Clemencio

28 17 2
                                    

Lumipas ang mga araw nahihirapan pa rin akong ibalik ito sa kanya pero may tumawag dito. Nakalagay dito ay "Papa" kaya nagdalawang isip akong sagutin ito.

Walang tigil ang pagtunog nito. Kaya sinagot ko nalang.

"Hello, August, my phone. Thank God!"

Kinabahan ako doon pero siya pala ang tumawag. Nakahinga ako ng maluwag.

"Ibabalik ko sana pero abala kasi ako."

"I'm sorry for that. I have so many favors. Okay, ganito nalang I'll go there next Saturday kasi one week ako kay Papa. If its okay?"

"Iha, ililibot pa kita, bilisan mo!"
Rinig ko ang tinig nang kanyang ama."Wait papa, I'll be there in a minute!" Sagot nito pabalik.

"So, I'll be there August. Thank you so much." Tapos pinatay nito ang tawag. Pupunta ito talaga ulit at talaga namang binibiro ako ng panahon.

Hindi ko mapigilang mag-alaala sa pagkikita namin. Baka hindi na ako makapagpigil. Inis kong sinabunutan ang sariling buhok. Bakit ba ganito takbo ng utak ko sa ngayon? Tinawagan ko ang isa pang kaibigan. Si Mikael. Isa itong businessman pero marami ding illegal na negosyo gaya nang pagsusugal.

"Man, how are you?"

"Isa ka pang englishero. Kailangan ko nang pagkakaabalahan."

Ayoko araw-araw nalang ako nag-iisip sa pagkikita namin sa darating na Sabado.

"Sorry man .  Wala akong maipapagawa sayo? Ganito nalang, why don't you go with me in a party tomorrow."

"Party? Gago ka ba? Hindi ako mahilig sa sosyalan."

"Alam mo naman, I have so many enemies. But if you go with me, I'll be safe man."

Seryoso talaga itong papuntahin ako sa ganoong pagtitipon. Wala yata sa bokabularyo ko ang makipag-usap sa mga mayayamang mapagpanggap.

"Kilala mo ako na hindi nagsusuot ng mamahaling damit at ayoko magsuot ng barong."Natawa ito sa sinabi ko. Siraulo talaga eh.

"Hindi barong. I'm referring to americana and long sleeve, like that."

"Pareho na rin yun. Wala naman ako alam sa pagsusuot sa mga ganyan."

"I have my personal assistant para tulungan ka. Bukas na bukas pumunta ka nang umaga sa Mia's Boutique."

CAMILLA'S BADBOY (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon