8 ( The Date )
(Kichi's POV)
Whew!What a day!
Biruin niyo,mataas na nga ang araw paggising ko,tinamad pa akong bumangon.Nakahilata lang sa kama buong araw at nanood ng TV.Babangon lang ako kapag pupunta ako ng kusina kapag kakain.I could be a morning person if morning happened to be in noon.Hehe^^
Ewan ko ba,inatake ako ng katamaran eh.Hindi ko rin matapos tapos ang bagong nobela na sinisimulan ko.Pa'no ba naman kasi puro si Anthony ang nasa isip ko at ang date namin.Tss.Lakas tama!
I shook my head.Baka sakaling mahulog ang mga agiw sa utak ko.
Kasalukuyan ako ngayong naglalakad papuntang coffee shop para tanungin si Anthony about sa date namin.Hindi ba dapat lalaki ang atat dito?Bakit parang ako.Well,hindi naman normal sitwasyon namin so natural lang na hindi rin normal ang sistema ng pag-dedate namin.Ako naman in the first place ang nagyaya.Kaya sugod ako ulit dun para mag-follow up.Walking distance lang naman siya mula sa condo ni Liezl eh.Pumunta ako kanina dun para manggulo.Lol.
Ang Zari Coffee Shop na talaga ang most visited place ko ngayon.Maganda tanawin eh----------si Anthony.^^Come to think of it,mahal talaga ni Anthony ang pagiging barista nito.Mukha namang may pinag-aralan ito.Nag-e-English nga minsan kapag kinakausap niya ako kung pag-uusap man ang tawag dun.hehe.Katunayan,ang fluent niyang magsalita.Tapos halata naman may lahi sila.Hindi ko lang matukoy kung ano dahil hindi ko pa natanong kay Andrea.Parang mayaman naman sila.Oh well,hindi lahat ng may lahi ay mayaman.Matanong na nga lang next time kay Andrea tungkol sa buhay nila.Hihingi na lang ako mamaya kay Anthony ng number ni Andrea.
Pumasok na ako sa coffee shop.Pagbungad ko pa lang ay amoy ko na ang invigorating scent ng kape.Napapikit pa ako habang sinasamyo iyon.Pagmulat ng mata ko ay nakita ko ang nalukot na itsura ni Anthony mula sa counter na para bang sinasabi na,"Nakadrugs ka ba?" Errr...Nahuli niya siguro ang pagsinghot ko sa kape habang nakapikit pa.Nevertheless,I smile sweetly at him while as usual he just gave me a cold stare.
"Hi Handsome."bati ko sa kanya.Nakasanayan ko nang tawagin siyang "Handsome".Guwapo naman talaga siya eh.
"What do you want?"he asked coldly.Mabuti na lang at natapos na itong mag-asikaso ng mga naunang customers.Mag-oorder ako ng cappuccino.Pero mag-eengage muna ako sa small talk with him.Naaaliw ako sa kasungitan niya.
"You."sabi ko na ikinatawa ni Minnie na kakalabas lang mula sa kusina nila.
"Hindi ako bagay.Tao ako.I used 'what' not 'who'."supladong sagot nito.
"Eh di bagay tayo."sabi ko.Tiningnan niya ako ng matalim.How unfair!Kahit malukot pa mukha nito sa kakasungit,guwapo pa rin.
Nag-peace sign ako."Joke lang.Hehe..Sa totoo niyan.I want you to ask about our date."
"What about that?"tanong nito with a hint of boredom on his face.Naman!
"Our plan about it.Kung sa'n tayo pupunta at magkikita."sagot ko.Hindi dapat ako magpatalo sa kasungitan nito.
"Our plan?"tumawa ito ng pagak."Ikaw kaya ang nagyaya.Kaya ikaw magplano mag-isa nun.Just text me regarding that.If you'll excuse me,I still have a customer to entertain."
Aray ko po!Suplado talaga!
Lumingon ako.Meron na palang nakapila.Humingi ako ng paumanhin sa matandang babae."Pasensya na po Lola."
Nag-side step ako para igive way ito."Okay lang iyan hija."Binalingan nito si Anthony."At ikaw naman hijo,'wag mo masyadong sungitan girlfriend mo.Siya na nga nag-e-effort pumunta dito.Huwag mo masyadong pagbigyang pansin ang trabaho.Sige ka,baka mawala yang girlfriend mo.Pagkaganda-ganda pa naman."
BINABASA MO ANG
Chasing My Love ( Currently Editing)
ChickLitWhat if nakita mo na ang lalaking gusto mong mahalin?Handa ka bang habulin siya kahit anong paglayo niya sa'yo?Pa'no kung may mahal na pala siyang iba?Hahabulin mo pa rin ba siya at ituloy ang pangarap mong makuha siya?O "maglakad" na lang at kalimu...