12 (Just A Dream?Wait...Who is she?)
(Kichi's POV)
Napabalikwas ako ng bangon ng may marinig na kung anong ingay.Siguro,naglalaro na naman ang pusa kong si Aw-aw at may nasagi na kung ano.Teka,ang dilim ata ng kuwarto ko?
I turn on my lampshade on my bedside table.Sinulyapan ko ang orasan na nakasabit sa ding-ding.7:45 pm na.
Ibig sabihin nakatulog ako ng mga isang oras nang dumating ako rito galing sa date namin ni Anthony?And speaking of Anthony...
WAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!
Nakita niya akong nagsasayaw na parang ewan at tanging bra at undies lang ang suot di ba?
I examine myself.May damit naman ako.
I peek under my blanket.Nakapajama naman.
Ah panaginip lang siguro iyon.
Panaginip ba talaga?Just a dream?
Parang totoo eh.
Komprontahin ko kaya si Anthony?Ay!Parang nakakahiya naman iyon.
I decided to get out of my bed.Matagal pa ako makakabalik sa pagtulog uli.
Maka-fb na nga lang...Tss.Teka,may facebook ba si Anthony?Let's find out..
I open my laptop and access the internet.May wifi naman sa buong condo ko.
I typed "Anthony Remmington" sa search bar nang makapag-log in ako.And the result?
Hindi naman siya ang mga nag-appear.Wala sigurong facebook yun.Hai.
Nakita kong may mga nag-friend request sa 'kin.Bilang writer,ang dami kong request na natatanggap.Ako rin ang nagmamanage ng mga fan page ko.Currently,dalawa fan page ko.Punong-puno na kasi ang isa.
Sheena Lumauag Confirm Not now
Felice Amorante Confirm Not now
Jane Castro Confirm Not now
....And so on.Pero nakuha ng atensyon ko ang isang nagrequest.
Andrea Morales Confirm Not now
Andrea?Sister ko?Charing!^^Ba't hindi sila magkaapelyido ng kuya niya??Ah..matanong nga yan next time kay Anthony.
I click her profile to check.Si Andrea nga.Kapag sinusuwerte ka nga naman!I confirm her as a friend.
Maya maya pa ay may nag-chat sa 'kin.Si Andrea.
"Thank you Ate Kichi for accepting me as your friend.(smiley)"
"You're welcome!^^"
"Kamusta date po ninyo ni Kuya?"
"Fine."
"Fine?How fine is fine?"
"Ayaw nga siguro talaga ng Kuya mo sa'kin."
"Be patient Ate."
"Hai..May fb ba kuya mo?"
"Wala na po eh.Deactivated na ata yun."
Ay?Bakit?Well,nasa personality naman niya na hindi magbibigay pansin sa fb.Ang trabaho lang ata sa coffee shop ang pinagkakaabalahan niya.Tsss
"Ah..teka Andrea,di ba sabi mo pagkatapos naming magdate ng kuya mo ,sasabihin mo sa'kin kung ano ang pinatutunayan niya kung ba't siya pumayag makipagdate sa'kin?"
Ngunit bago pa makapagreply si Andrea ay biglang na lang nagshutdown ang laptop ko.Drat!What happened?
Pag minamalas ka nga naman oh!Baka may problema sa battery.Tsk.Ano ba 'to?Pinaandar ko uli.Ok naman ah.
Hala!May multo ba dito sa condo ko?Yikes.
Nag-fb ulit ako pero naka-log-out na si Andrea.Kaka-badadtrip talaga ng laptop ko ngayon.Grr!
Makakain na nga lang at makatulog.Pagkatapos,lalarga na naman ulit.Sa'n pa ba ako pupunta kundi sa irog kong si Anthony...bwahaha!
*************************************************************************
"Mom?!Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko kay mommy.Wrong timing naman kasi ang dating nito.Pupunta na ako sa beloved kong si Anthony.Saktong pagbukas ko ng pinto ng condo ko para lumabas ay siya na ang nabungaran ko.Minsan lang kasi ako umuwi sa'min.Sa tuwing may importanteng okasyon lang at mga celebrations.
I kiss her cheek.
Pumasok ito sa condo niya at umupo sa sofa roon."Hindi ko alam na bawal na palang bisitahin ang maganda kong anak."
Naks!Makapuri si mommy wagas.That's why I loved her very much.hehe^^
"At tsaka hindi mo ba ako namimiss?"tanong nito.Kunwari ay nalulungkot.
I smile."Sus!Nagdrama ba naman?"Umupo ako sa tabi niya at yumakap."Wrong timing naman kasi kayo eh.May pupuntahan kasi ako."
"Saan?"
"Diyan lang sa tabi-tabi."sagot ko.Hindi pa ako handang i-reveal kay mommy kung ano----rather "sino" ang pinagkakaabalahan ko.^^
"Ano ba namang klaseng sagot 'yan?Be specific."
"Mom,kamusta sila ni Dad at Michelle?"pag-iiba ko ng usapan
"Kichi Darling...you're hiding something from me.Anak kaya kita."humiwalay siya ng yakap sa'kin.Kapagkuwa'y tiningnan ako ng mataman.
Kapag ganyan na ang tono niyan,wala na akong choice kundi umamin.Ngumisi ako.
"Eh...hehe.Sa lalaki po mommy."nahihiyang sabi ko.
Nanlaki ang mata nito."Lalaki kamo?Aba'y that's good news!Akala ko ay wala ka nang plano magboyfriend uli after Jedric."
Napatiim bagang ako.Jedric was my ex-boyfriend.He was a total jerk!Akala ko nga rin eh,hindi na ako magkakainters sa mga lalaki after him.Though,matagal ko na siyang pinatawad,what he did is still unforgettable.Ikanga,I can forgive but I will never forget.He gave me so much heartache.
Drat!Ayoko na siyang isipin.
Anyways,Good news?Good news pa rin kaya kung malaman niyang ako pa ang naghahabol at nanliligaw?
"Eh...mommy.May problema eh.I'm the one courting...not him"
"Ano ka ba naman hija.'Wag kang mag-alala.Let me tell you a secret.Ako rin ang nanligaw sa daddy mo noon."proud pang sabi nito
"Really?"Ang mata ko naman ang nanlaki.Ngayon ko lang nalaman yan ah.Well,sigurado na talaga akong anak ako nina Mommy.Mana ako sa kanya.Puro kasi pagnenegosyo hilig ng angkan namin eh.haha!
"Yup.Kaya naman humayo ka na at manligaw na.Ako na bahala dito at sa sarili ko.Uuwi na rin ako."tinulak-tulak niya pa ako sa palabas ng pinto.
Tumalima ako.What a mom!hehe^^
****************************************************************
-Zari Coffee Shop-
Bumaba na ako sa harap ng coffee shop.Mula sa labas,kitang-kita kong marami nang customers sa loob.
Papasok na sana ako sa coffee shop nang mahagip ng mata ko si Anthony.May kausap siya.
A girl?Malamang nakapang-damit babae eh.Nakatalikod kasi ito sa direksiyon ko.Si Anthony ang nakaharap.
Who is she?
**********************************************************************************
AUTHOR'S NOTE: Please vote! (If only you liked this Chapter^^)
Don't also forget to leave a comment.Thank you!
BINABASA MO ANG
Chasing My Love ( Currently Editing)
ChickLitWhat if nakita mo na ang lalaking gusto mong mahalin?Handa ka bang habulin siya kahit anong paglayo niya sa'yo?Pa'no kung may mahal na pala siyang iba?Hahabulin mo pa rin ba siya at ituloy ang pangarap mong makuha siya?O "maglakad" na lang at kalimu...