(Kichi's POV)
"Mukhang nabigla ka ah?Don't worry, joke lang 'yon." ani Anthony na lalong nakapagsingkit ng mata ko. The fudge! Naniwala na sana ako na mahal niya ako. See?Ang assuming ko talaga.
Tinampal ko braso niya. Napa-ouch ito. "So, anong ibig sabihin ng paghalik mo sa akin?Nakakainis ka! Hindi ako cheap para halikan mo na lang kapag gusto mo." sabi kong naiinis.
He sighs.Tinitigan ako sa mata."I'm sorry Kichi. I can't still say that " I love you" for now. Let's just say, I'm falling in love with you. But not yet in there. "I love you and "I'm falling in love with you" are two different things. But seriously, I love what I'm feeling right now. It took a lot of figuring out before I realized that you're special.Dahil sa'yo, natuto uli akong ngumiti. Binago mo ang pananaw ko sa pag-ibig. Na hindi importante kung ano ang man ang status ng isang tao sa buhay, kung mahirap man siya o mayaman. You proved that you can love me, though you thought I was just an employee of Zari Coffee Shop. Hindi sa minamaliit ko ang trabaho ng isang empleyado. Sa katunayan, sila ang pinakaimportanteng parte ng negosyo ko. And with that, I thank you for loving me. "
Napanganga ako sa mga sinabi niya. Alam mo yung pakiramdam na may labis na galak sa puso mo? Yun ang nararamdaman ko ngayon.It renders me speechless.
Nagpatuloy siya.
"Mahihintay mo ba ako hanggang masabi kong mahal na talaga kita?"
Medyo hindi ako nakahuma sa tanong niya. I stare deeply into his eyes if he's serious with what he's saying. At talagang seryoso naman siya. Of course!I will wait! Sino ba ako para magreklamo? Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. He's falling in love with me! How happy is that!
Niyakap ko na lang siya bilang tugon. Tumulo ang luha ko sa labis na kagalakan.
"I would take this as a "yes"." aniya at tinugon ang yakap ko. He chuckles. "Hindi ko alam na bukod sa pagiging weirdo, iyakin ka rin pala."
"Heh!Paki mo. Eh sa naiiyak ako." sabi ko sa pagitan ng pagsingot at pagngiti. Naks!Sorry, nabaliw na ako. Hayaan niyo na, maligaya na ako kahit di pa niya ako mahal at on the process pa. At least, di nasayang ang paghahabol ko sa kanya.
"Paano pa kaya kapag sinabi kong "mahal na kita"? Baka hindi ka lang umiyak dahil sa kagalakan at ngumawa pa."he says with a amusement and teasing tone in his voice.
Sa pagkakataong iyon ay kinagat ko ang isang balikat niya. Napa "aray" siya. Napahiwalay kami ng yakap sa isa't isa.
"Ang sakit nun ah! Bukod sa pagiging weirdo at iyakin, ang bayolente mo."
Ngumisi lang ako. Medyo natuyo na rin ang luha sa mga mata ko. "Yan kasi. Huwag kang magbibiro kung totoo."
"So you mean, ngangawa ka talaga kapag mahal na kita?"panunukso pa nito.
"Ah whatever."nasabi ko na lang.
"But seriously, wait for me. Kailangan ko pang ayusin ang mga bagay-bagay sa buhay ko. Para naman kapag magsasabi na ako ng "I love you", buo iyon. Walang labis, walang kulang."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Shemai!Kinikilig ako! Pramis! Pero syempre, medyo kontrolin muna. "Bagay-bagay?Like Trixie thingy?"
"No. Tapos na ako Napang Nang araw na umalis ka ng El Paraiso, nag-usap na kami ni Trixie. Sinabi ko na wala na siyang babalikan sa akin at ibaling niya na lang ang pagmamahal sa kay Jedric. Nakikita ko namang mahal niya si Trixie."
"I thought, nagmamahalan pa rin kayo. Nakita namin kayong naghalikan isang gabi. Yung nagpakalasing ako."
"Kami?"
"Si Jedric.Nasaktan talaga 'yon."
He sighs. "I'm so sorry for him but I think makikita rin ni Trixie na mahal siya nito. Pero ikaw..." Dinutdot niya noo ko. "Nagpakalasing ka sa maling akala. Naghalikan? Siya lang ang humalik sa pagkakaalam ko."
Napangisi ako."Now I know.So, ano ang aayusin mo kung di pala yun?"
Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito. "My father. I need to talk to him. Gusto kong malaman kung bakit niya kami iniwan ng mama nang ganun-ganon. Nagpaplano na silang magpakasal noon. I don't know what happened. Alam kong naging makitid ang utak ko at kinamuhian ko siya. It's time to know his side."
"So alam mo ba kung nasaan siya?"
"I will find him in Japan. "
"Kailan?"
"Pagkatapos ng bakasyong ito."
Nalungkot ako dahil aalis siya. Pero para na rin yun sa ikabubuti niya. Niyakap ko siya."Good luck Anthony. Sana nga ay magkausap kayo ng tunay mong ama. "
"Thanks Kichi..."usal niya at gumanti rin ng yakap sa akin. As in, ang sarap lang ng feeling na kayakap ang mahal mo.Hai..kaya maghihintay ako hanggang tuluyan na niya akong mahalin. Pero, about that kiss thingy, pa'no naging pangatlo ang kanina?
Kumalas ako ng yakap sa kanya."At teka nga, bakit ba ako nagpahalik sa'yo kung gusto mo pa lang pala ako?Paano naging pangatlo ang halik na kani-kanina lang?"
Ngumisi siya. It's as if there's something I don't know."Do you remember when I said that you were sleep walking and talking in your sleep?"
"Of course, I remember that. First time kong nalaman iyon.What about that?"
"You requested me to kiss you in your sleep."
"What?!" sabi ko nang nanlalaki ang mga mata. "But I was sleeping! "Ngumisi ako. "May pagnanasa ka sa akin no?! I knew it Anthony!
Sabi ko na eh. Matagal na yang may gusto sa akin. Hihi..
Umingos ito at namula."Pinagbigyan lang kita."
"Sows Anthony! Ngayon ka pa nahiya? Aminin mo na kasing may pagnanasa ka sa akin noon pa!"
Napailing ito."I've seen you with just your undergarments on. Wala namang nangyari ah?"anito. Pero nagulat din sa mga binitiwang salita. Namula siya.
Oh my gulay! Lalo naman ako noh! And then it hit me! HINDI PANAGINIP ANG NANGYARI SA CONDO KO NOON KUNG SAAN AKALA KO NANAGINIP LANG AKONG NAROON SI ANTHONY AT NAKITA AKO SA DI KAAYA-AYANG TAGPO!
Pulang-pula ako sa narinig at parang gusto kong lamunin na lang ako ng lupa dahil sa kakahiyan! At dahil dun, pinili kong tumayo at tumakbo pabalik sa loob. Di alintana kung naiwan ko man si Anthong nang walang paalam.
Nagtataka nga sila nina mommy na nasa sala pa rin kung ba't bigla na lang ang akong pumanhik at pumunta sa kuwarto ko. Seriously, anong mga kahihiyan pa ang mga ginawa ko?WAAAH..Happy na sana ang araw na 'to, ba't may kasama pang mga nakakahiyang rebelasyon?!
********************************************
Yes. Hello everyone. Nagupdate ako dahil gusto ko nang tapusin to.Aw.How sad. Pero ok lang. Salamat nga pala sa mga readers na walang sawang naghihintay sa matagal na updates. Love you all!God bless!:))
BINABASA MO ANG
Chasing My Love ( Currently Editing)
ChickLitWhat if nakita mo na ang lalaking gusto mong mahalin?Handa ka bang habulin siya kahit anong paglayo niya sa'yo?Pa'no kung may mahal na pala siyang iba?Hahabulin mo pa rin ba siya at ituloy ang pangarap mong makuha siya?O "maglakad" na lang at kalimu...