26 ( The Visitor )

1.1K 19 2
                                    

26 ( The Visitor )

(Kichi's POV)

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako.Maglalunch time na at sabi nila mommy ay parating na ang mga bisita. Maya-maya pa ay may sinalubong na ni mommy ang bisita. Sumunod ako sa kanya. I see mom’s visitor. Halatang noong kapanahunan ng ginang ay maganda ito.Idagdag pa na halatang may lahi ito base na rin sa asul na mata nito at malakremang balat.

"Jacqueline!"Mom exclaims.

Ngumiti ang ginang.Kapagkuwan ay nagbeso-beso sila. Siguro nga ay matalik na magkaibigan ang dalawa. Makikita kasi sa mukha nila ang kasiyahan. Hindi magiging ganyan ang reaksyon ng bawat isa kung walang pinagsamahan. Sabi ng mommy ay nakita niya ulit ang kaibigan pagkalipas ng maraming taon noong pumunta siya sa condo ko para bumisita. Kaya inaya niya ito na magbakasyon rito sa amin dahil gusto niya raw makausap ito.

“Rosie. Pakikuha nga itong dala ng Ma’am Jacqueline mo. Pakilagay sa guestroom.” Ani Mommy patungkol sa kasambahay naming na matagal nang naninilbihan sa’min. Tumalima ito sa utos ni mommy.

"Oh wow Frida pamilya mo na ba ito?" anang kaibigan ni Mommy. Hindi ko namalayan na kasama ko na palang nakatayo sa entrada sina Dad at Michelle. Ngumiti si Mommy at tumango. Ipinakilala kami. Nakipagkamay si Daddy dito at nakipagbeso-beso naman kami sa kanya.

"Ang gaganda ng mga anak mo.." anito.

Ngiti lang ang naging tugon namin ni Michelle sa sinabi ng ginang. Ewan ko. Basta magaan ang loob sa kanya.

"Sus,sa'n pa ba nagmana'yan kundi sa akin?" ani mommy.

 "And that I won't agree my darling. Hindi mabubuo ang mga yan kung wala ako." nakangiting sabat naman ni daddy.

Nagtawanan kami dahil dun. " Of course darling. How could I ever forget that?" ani mommy sabay abrisete kay daddy.

Binalingan nito si Tita Jacqueline.Tita na lang tawag ko sa kanya.."And speaking of "anak",na'san na pala ang mga anak mo?"

“Susunod na lang daw sila. May pasok pa kasi ang bunso ko. Tamang-tama at magse-sembreak na. Makakapunta siya rito. Ang panganay ko naman ay masyadong subsob sa negosyo niya. We could enjoy ourselves and relax here. Salamat nga pala sa pag-imbita rito sa amin.” nakangiting saad nito. Totoo naming makakapag-enjoy sila rito sa amin dahil malayo sa siyudad ang tinitirhan naming ito.

“Oh…don’t mention it Jackie. Para saan pa at naging magkaibigan tayo? Sana sinabi mo na mauuna kang magpunta rito at naipasundo kita.”  sabi ni Mommy. “ Alam ba ng mga anak mo ang papunta rito? Kailan sila darating? Nang sa gayon ay maipasundo ko sila.”

“Don’t worry Frids…My son can manage. Binigyan ko na siya ng direksyon papunta rito. Baka mamayang hapon bago dumilim ay narito na sila.” sagot nito.

“ O siya kung gayon…halika na at nang makapagpananghalian na tayo.” Kapagkuwan ay sabi ni Mommy. Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob.

Pagkatapos naming mananghalian ay hinayaan na namin sina Mommy at Tita Jacqueline na mapagsolo. It seemed hindi maawat ang dalawa sa pag-alam ng mga pangyayari sa kanya-kanyang buhay. Sa buong durasyon ng kainan ay halos silang dalawa lang ang nag-uusap.

Paminsan-minsan nasasali rin si Dad. Kami ni Michelle ay nakikinig lang sa usapan. Siyempre,usapang pang matanda. Sumasagot lang kami kapag tinatanong. Sa pakikinig ko ay napag-alaman kong magkaiba pala ang ama ng dalawang anak niya.Hanggang doon lang ang napag-usapan kanina sa hapag-kainan kanina. I bet nag-uusap na sila ngayon ng iba pang detalye sa mga buhay nila.

I wonder kung ano kaya ang mga itsura ng mga anak niya? Marahil maganda rin at guwapo dahil maganda talaga si Tita Jacqueline.Oh well, makikita ko rin naman sila mamaya kapag dumating na sila. For now, matutulog muna ako.

Ngunit ilang minutes na akong nakahiga sa kama ko pero hindi naman ako makatulog. Ngayong mag-isa na naman ako ay hindi ko naman maiwasang maisip si Anthony. Sa totoo lang, nami-miss ko na siya kahit alam kong hindi naman ako sumagi sa isip niya. Marahil magkasama sila ni Trixie ngayon at nagkabalikan na. Ouch. Pero paano si Jedric? I know nasaktan talaga siya…pero willing naman raw siyang pakawalan si Trixie. Hai buhay parang life! Dapat magmove-on na rin ako at mag-let go. Pero….masakit talaga eh. Ikaw kaya mag-move on na hindi naman naging kayo?Tsk…

Ah Putek! Ba’t lumuluha na naman ako?Nakakainis!

Promise!Maghahanap na talaga ako ng kapalit ni Anthony!

“Weh?!Kaya mo?” singit ng isip ko.

“Kakayanin!” sagot naman ng kabila.

Shocks! Baka mabaliw na ako sa pinaggagawa kong ito.Pero pipilitin ko talagang kalimutan si Anthony. Siguro naman, makakahanap ako ng iba. Di ba? Di ba?Hai…

Sana guwapo yung anak ni Tita Jacqueline noh? Mas matanda ata sa akin yun ng apat na taon eh…At ayon sa pakikinig ko sa usapan, masyadong busy ito sa negosyo at walang girlfriend.

Tsk. Desperada na talaga ako. Unfair naman ata iyon sa lalaki kung sakali. Gagawin ko lang na panakip butas. Bad Kichi!

 ********

Since hindi naman ako makatulog, nagpasya akong lumabas ng kuwarto ko at maglibut-libot sa bahay namin (or should I say “mansyon?”).Whatever. Malaki kasi. Ah basta. I’ll entertain myself para hindi ko maisip si Anthony.

Una ko munang pupuntahan ang library namin. Ni-request talaga namin ni Michelle mula kay daddy na magpagawa no’n. Mahilig kasi talaga kaming magbasa ni Michelle. Kaso nga lang, ang hilig ng kapatid ko ay opposite ng kinahuhumalingan ko. You know, mga historical books, business books or magazines. Kaya ayan, parang siya pa ang mas mature sa’min at seryoso. But I admire my sister. Ang talino niya tulad ko.hehe..Sa akin naman, mahilig talaga akong magbasa ng mga pocketbooks or any romance novels. Kita niyo naman ang impluwensiya di ba?Naging romace novelist ang lola niyo. May section talaga sa library naming na puro pocketbooks. You know, mga koleksyon ko.Mga gawa ko at ng ibang authors. Nagbabasa lang ako ng mga business books dahil kailangan sa kursong tinapos ko.^^Pero kahit magkaiba kami ng personality ni Michelle, ang library ay parehong paborito naming parte ng bahay. Minsan nga, nakakatulog na kami doon.

Hahawakan ko na sana ang doorknob para buksan ang library ngunit bigla na lang itong bumukas. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagsino ang sa harap ko. Hindi kaya naghahallucinate na ako dahil sa kakaiisip ko kay Anthony at narito siya ngayon sa harap ko?

But no... He looks so real and oh so yummy standing in front of me!

May halusinasyon bang nagulat rin?Yung may reaction?

I try pinching my cheek just to make sure that I’m not hallucinating. Shemai!Masakit. That means…He’s real!

I'm too stunned to speak. Anong ginagawa niya rito? Paano nito nalaman ang lugar nila?

Pinilit kong magbalik sa katinuan.

“What are you doing here? Alam ko na. Naiintindihan ko.” sabi ko…faking a smile. Marahil nandito siya dahil gusto niyang magpaliwanag tungkol sa kanila ni Trixie.

Ito man ay nakabawi na rin sa pagkabigla. Magsasalita na sana ito ngunit hindi natuloy dahil may bigla na lang nagsalita.

“Kuya…sa’n ka ba galing? Andoon ang banyo sa kabila. Hinihintay ka na ni mommy. Andoon na sila Tita Frida sa ibaba.”

Napalingon ako para manlaki na naman ang mga mata. “Andrea!?” bulalas ko.

“Ate Kichi!”  anito na nagulat.

Then it hit me. Anak ni Tita Jacqueline sina Anthony at Andrea!

 ********************************

Finally!Nakapag-update din..ang dami ko pang dapat i-edit. Please bear with me kung maraming mga mali.I'm currently editing.Thanks guys for reading!Enjoy!God bless!^^

Chasing My Love ( Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon