18 (Terrified...)

1.1K 21 2
                                    

18 (Terrified...)

(Kichi's POV)

Medyo dumadami na ang bisitang dumarating.Nakaramdam ako na parang maiihi ako.

"Hon...CR lang ako ha."sabi ko.Trying to be cheerful as I could.Sadya ko talagang nilakasan para marinig ng kabilang table.Kanina ko pa napapansin ang babae eh.Ang lagkit ng tingin kay Anthony.Hehe.Umaariba na naman ako kahit may sakit ako sa puso.Hehe..Syempre dahil hindi naman ako gusto ni Anthony...

Tumango lang siya.Ano naman ang sasabihin niya aber?Sasamahan niya ako?Hehe.Joke lang.Expected ko na tango lang sagot niya sa pagpapaalam ko.You know naman his personality.

Parang he doesn't mind naman na tinawag ko siyang  "Hon".Iniisip na naman siguro nun na shortcut yun ng "handsome" na kadalasang tinatawag ko sa kanya noon.O di kaya'y iniisip nitona masyado akong nadala na sa pagpapanggap namin.Dapat nga naman kaming umakto na parang kami dahil party 'to ni Trixie.Baka maghinala sila kapag hindi kami sweet sa isa't isa.

Pumunta na ako sa CR at pumasok sa isa sa mga cubicles doon.Huhubarin ko pa swimsuit ko and all.Ang hirap umihi.

Pagkalipas ng ilang sandali ay natapos rin ako.Lalabas na sana ako ng may naulinigan akong nag-uusap na dalawang babae na kakapasok lang.

"Sayang at hindi na pala sila ni Anthony at Trixie noh?Yun yatang parang Koreanang babae ang kasama niya ang bagon gf niya."sabi ng Girl 1.

Obviously, kami yung pinag-uusapan nila.

"Oo nga eh.They were inseparable noong nag-aaral pa tayo ni Trixie sa Med school.Hatid sundo yun ni Anthony.Perfect couple sila.They look good being together."sabi naman ni Girl 2.

Uy..Med school?So, Trixie is a doctor?Wow...nasa kanya na ang lahat ang pinapangarap ng mga lalaki.Maganda  na at di biro ang career.

"Pero si Trixie naman ata ang hindi ipinaglaban si Anthony eh.Ayaw kasi ng mga magulang ni Trixie kay Anthony dahil hindi ito kasing yaman nila."

Aba't ang dami nilang alam ah?Mga classmates ata sila ni Trixie sa Med school.Mga chismosa nga talaga.:/Hindi tamang pinag-uusapan buhay ng iba.Hmp.But this time, gusto ko silang pasalamatan.May nalaman ako.

Medyo nakadama ako ng galit kay Trixie.Kung mahal niya talaga si Anthony, dapat ipaglaban niya 'to.Hindi yung hiwalayan na agad.Tsss..Ay..kung hindi pala sila naghiwalay, wala ako ngayon dito.Walang istoryang ganito.Lol

Grabe naman yung mga magulang ni Trixie.Mapangmata.Hindi ba nila alam na ang yaman-yaman ni Anthony ngayon?May ari kaya siya ng maraming branches ng Zari Coffee Shop...

"Teka girl, sa'n mo naman yan nalaman?"

"Naoverheard ko lang yung pag-uusap ni Trixie at Korin na bestfriend niya."

"Ahhhh.."

Lumabas na ata sila.Tumahimik eh.So, lumabas na rin ako.

Nakapag-desisyon na ako.I'll fight for Anthony!Di ako susuko.Dapat malaman ni Trixie kung anong pinakawalan niya.

***********************************************

"And the next couple that will join us in stage is Kichi and Anthony.!!"sabi ng bading na emcee sa party ni Trixie.Katatapos lang ng lunch at may kaunting program para sa birthday celebrant.Inilista pala nila lahat ang mga couples and then bubunutin randomly.Hindi rin ligtas sina Trixie and Jedric.Nag-skit sila.Kahit ano pinapagawa.Ang mga naunang couples ay sumayaw, nagdeclaim at kung anu-ano pa.

Chasing My Love ( Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon