15 ( Excellent Pretenders!)

1.1K 22 3
                                    

15 ( Excellent Pretenders!)

(Kich's POV)

"Well,hindi naman Mr. Yamada.You were just right in time." sabi ni Jedric nang makabawi sa pagkabigla.Si Trixie ay tila ini-internalize pa ang nangyayari.Ibig sabihin, wala itong alam kahit sabihin pang may relasyon sila dati.Baka naman nung pagkatapos  nilang magbreak eh nagsikap si Anthony..Arrrgh..Ang daming tanong sa isip ko.Nabigla rin ako.Hindi lang nagpahalata.Imagine...si Anthony pala ay si Mr. Yamada?That means...hindi lang siya ordinaryong employee ng Zari Coffee Shop kundi siya mismo ang nagmamay-ari nito.

Teka, hinalikan niya ako sa cheeks.Ibig sabihin payag na rin siyang magpanggap na boyfriend ko?Then that means, handa na siyang agawin si Trixie kay Jedric?Waaaah..It hurts!:(

Pare-pareho na kaming naupo sa pabilog na mesa. Sa magkabilang gilid ko sina Anthony at Trixie.Dumikit ng husto sa akin si Anthony.Aba't!Feel na feel rin ang pagpapanggap na kami.I can see that Trixie is jealous.Effective rin naman pala tandem namin ni Anthony.^^

"Drop the formalities Jedric.Anthony na lang.Tutal, kakilala mo si Kichi.At ayon sa'yo,kaibigan mo siya.Kilala ko rin si Trixie."ani Anthony.Siya ba talaga 'to?Ba't lalo siyang gumuwapo sa suot na business suit?Parang gusto ko tuloy siyang sunggaban at halikan.Ay?Ano ba 'to?Namamanyak na ata ako.Gwapo naman siya dati pa pero parang may nag-iba.Ahhh..basta.Gwapo siya period!

"Yeah right."sabi na lang ni Jedric.Oh see...tameme ka ngayon?Tsk.Yan kasi minamaliit mo si Anthony ko.Hmp!

"Errr.Hindi naman kasi nagsabi si Kichi na ikaw pala si Mr. Yamada.Ang alam ko lang eh may dugo kang Japanese.Isa pa, ayaw mong ginagamit ang apelyido mo noon.I forgot na Yamada pala ang Japanese surname mo.Parating Remmington naman kasi ang ginagamit mo."si Trixie na nakabawi na sa pagkabigla.

Eh?Nakalimutan?Waah..kaya naman pala may Asian features si Anthony--------His hair at medyo may pagkasingkit ang mata.May dugo pala siyang Hapon.

Inakbayan ako ni Anthony.Errr..ano ba yan?Kina-career talaga ang pagpapanggap?I just smile.

"Sinadya naming 'wag nang ipaalam sa inyo.Di ba Hon?"sabi ni Anthony sabay tingin sa akin na nagsasabing makisakay na lang.

"Ah oo.."sabi ko naman sabay ngiti.Anong sinadya?Wala nga akong kaalam-alam eh.

Shocks!Ano ba Anthony?Ba't ba kasi inaakbayan mo ako?Nagiging malaswa pag-iisip ko tuloy..Gusto ko siyang sunggaban at halikan.Iba ang epekto sa 'kin ng pagkakaakbay niya sa akin.TSSS.:

Mabuti na lang at dumating na ang mga pagkaing inihanda ni Jedric para sa business dinner na ito.Naninibago ako kay Anthony.Feel na feel niya talaga pagpapanggap namin.Asikasong-asikaso sa'kin.

Kasi naman noon, palagi akong sinusungitan at iniiwasan.Nakakapanibago lang.Tsk,Para lang 'to pagselosin ata si Trixie.Hai.At least,ite-take advantage ko na lang 'to.Nakakalapit na ako kay Anthony.Ang daming tanong sa isip ko.Tatanungin ko siya kapag nakapag-solo kami.

"So, can we start discusiing now regarding the franchise of Zari Coffee Shop Mr---Errr...Anthony?"tanong ni Jedric.Mabuti naman ngayon at may paggalang na ito makipag-usap.

"Ah yes.Of course.Ayon kay Bryan ay plano mong maglagay dito sa El Paraiso.Pwede ka namang gumawa ng sariling coffee shop business mo, so why franchise Zari Coffee Shop?"ani Anthony.Wow!Business-like talaga ang dating.Ako na naturingang graduate ng business course ay parang engot pagdating sa mga pangnegosyong bagay.Tsk.Tsk.

Kami ni Trixie ay nakikinig lang sa pag-uusap nilang dalawa.Pero pananaka-nakang sumusulyap sa'min ni Anthony.I'm sure of it.Nagseselos siya.Kasi naman eh.Ba't di pa rin tinatanggal ni Anthony pagkakaakbay niya sa'kin?

"Whew!As if di mo gusto!Kinikilig ka nga diyan eh..."sabi ng isip ko.Drat.Tama siya.:/hehe..

"Well,kilala na kasi ang Zari Coffee Shop.Halos lahat ng mga taong nagbabakasyon dito eh pumupunta pa sa pinakamalapit na branch ninyo para lang makabili ng kape.So, nagdesisyon kami na magfanchise na lang as to cater the needs of those who love to drink coffee who really prefer your coffee shop's product."sagot ni Jedric.Aba't matino naman pala 'tong kausap.Nasa dugo lang talaga nito ang pagkamayabang.

Sa'n ba ako nagtatago at hindi ko narinig ang tungkol sa Zari Coffee Shop?Mahilig ako sa kape pero wala akong constant na brand ng kapeng tinatangkilik until  Zari Coffee Shop.Sikat nga talaga ang coffee shop ni Anthony.Ang dami ng branches eh.Patunay na rin ang sinabi ni Jedric.Ayt.Andami ko talagang hindi alam kay Anthony.Napakamasekreto naman kasi niya.

Baka naman sa pagkakataong ito ay mag-open up na siya sa'kin.Hai.Delikado na talaga 'tong nararamdaman ko kay Anthony.Hulog na hulog na.Tss..Siguro, gawa gawa lang talaga ang "love at first sight".I don't know kung totoo.Marahil matinding atraksiyon lang ang naramdaman ko nung una ko siyang makita.Pero sa katagalan ay lalo na akong nahulog sa kanya kahit parati niya akong sinusungitan at kung ituring ay panggulo sa buhay niya.

Ngayon,I admit na mahal ko na talaga siya.Kasabay ng pag-amin ko sa sarili ko na iniibig ko siya ay ang pagtanggap ko rin na wala siyang obligasyong mahalin rin ako dahil lang minahal ko  siya.Gano'n naman talaga yun di ba?

Naks!Ang drama ko.^^

"Hon?"nagulat ako sa nagsalita.Si Anthony.Silang tatlo ay nakatitig sa'kin.

"Yes Hon?"sabi ko.

"Kanina ka pa nakatulala.Ok ka lang?"sabi ni Anthony.Hala?Kanina pa?Dyahe naman.

"Yeah.Of course."sabi ko naman.Habang nagmumuni-muni pala ako ay nakatingin lang ako sa kawalan.Tulala ba.

"So, let's go now to our cottage room."tanong ni Anthony.Hala?Anong "our cottage room"?

"We're done here.So let's go."tumayo na si Anthony at inalalayan rin akong tumayo.

Ala eh...kanina pa sila tapos mag-usap?Tsk.Nakita ko ang pagdaan ng selos sa mata ni Trixie pero dagli ring nawala at ngumiti.

Nagpaalam na kami sa kanilang dalawa ni Jedric.Nang mawala kami sa paningin nilang dalawa ay dagli ring dumistansiya si Anthony sa'kin.Nauna siyang naglakad.Tsk.Our pretend act is done.

"Hey Anthony!What was that???So hindi ka lang empleyado sa Zari Coffee Shop?Pumapayag ka na rin bang magpanggap talaga na boyfriend kita?"sigaw ko sa kanya.Pero hindi ito lumingon at nagtuloy-tuloy lang sa paglakad.Tinutumbok nito ang cottage ko.Waaah..so,totoo pala sinabi ni Anthony?Sa cottage room ko rin siya tutuloy?

"Laters.."sabi lang nito habang walang kalingon-lingon.

Waaaaah....paanong sa cottage room ko siya tutuloy?Omo!Baka mahalay ko siya.LOL.

***********************************************************************************************

AUTHOR'S NOTE:  Please vote! (If only you liked this Chapter^^)

                               Don't also forget to leave a comment.Thank you!

Chasing My Love ( Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon