EPILOGUE (Worth the chase!)

1.7K 28 6
                                    

(Kichi's POV)

"Naku. That was a funny reaction to a marriage proposal!"natatawang komento ni Fiona. Kung kanina ay misty-eyed ito sa pagkukuwento ko ng mga malungkot na moments, ngayon ay pulang-pula ito sa kakatawa. Ang pagkahimatay ko raw talagasa marriage proposal ang pinaka-epic na moment sa lahat.At nakitawa na rin ako nang maalala ang tagpong iyon sa buhay pag-ibig ko.

"So, anong nangyari pagkatapos no'n?"anito nang mahimasmasan sa kakatawa.

"Well, ilang sandali lang naman ay nagising ako. And I said yes.Nakakatawa pa nga eh, akala ko nananaginip na naman ako ulit. Dahil sa dalawang beses kong pagkahimatay, dapat talaga hindi ako mashock. Baka sa susunod, ikatigok ko na iyon."natatawang sabi ko.

"Wow.I'm happy for the both of you. Hai..Kaya hinay-hinay lang. Mukhang si Anthony lang talaga ang dahilan ng kamatayan mo sa huli. Haha.Ay naku, why am I mentioning about death. Dapat happy. O, kailan ang kasal?"

"Kasal na kami." I said.

"Oh really?So, dito niyo naisipang magsettle?Kaya pala bagong lipat lang kayo.For how long now?"

"Magwa-one year na kami bukas."

"Wow!So, kamusta ang buhay may asawa?"

Napangiti ako. "Hindi sapat ang salita upang ilarawan eh. Wala akong pinagsisihan na nagpakasal ako sa kanya.Ewan ko lang sa kanya. hehe Hindi ako marunong magluto. So, he ended up cooking for us. Hindi rin maiiwasan na may pagtatalo minsan pero mas mahal namin ang isa't isa para maging dahilan iyon ng paghihiwalay namin. Nagsisimula pa lang kami at alam naming marami pa kaming kakaharaping problema. But as long we're together, we can face everything."

"Naks!Nakakatouch naman.Oh wait, hindi ka pa ba nabubuntis? Eh one year na kayo ah?"

Biglang nilukob ng matinding kaligayahan ang puso ko.Kakapunta ko lang sa OB-Gyne ko kanina. Nauna ko nang sabihan ang mga kaibigan ko. Hindi naman siguro masama kung sabihin ko sa kanya.I beamed. "Actually, I'm six weeks pregnant. Sasabihin ko bukas sa asawa ko as a surprise kasabay ng first anniversary celebration namin. Nasa business trip pa kasi si Anthony eh. As usual, tungkol sa franchising ng Zari Coffee Shop. "

"Oh my gosh. Congratulations! Siguradong matutuwa ang asawa mo. At tiyak na ang ganda ng lahi ng anak niyo. Aba'y sa kuwento mo pa lang, alam kong ang guwapo ng asawa mo. Nga pala, anong nangyari sa pagpunta niya sa father niya sa Japan?"

Bigla akong nalungkot. " His father passed away a few months before he went to Japan. Pero, may letter namang iniwan ito para kay Anthony. Ang nadatnan niya roon ay ang bagong pamilya ng father niya. I guess Anthony had learned to forgive him. After all, ama niya ito."

"Ay, kalungkot naman. Pero di bale, ang importante, maayos naman si Anthony ngayon. At masaya kayo. Di ba?"

"Tama ka. Ay, dumidilim na. I need to go home and rest." sabi ko. Hindi ko namalayan na ang haba na ng kuwentuhan namin.

"Sige, ingat. See you around."

"Ikaw rin. Alam kong may mahal ka. Huwag kang sumuko ha."

"Ok. I will. Nainspire ako sa kuwento ng pag-ibig mo eh."

"That's the spirit!" sabi kong nakangiti.

Nagbeso-beso kami at nagkapaalaman. Yehey! May bago na naman akong kaibigan.

************

Nagising ako dahil naramdaman kong may humahalik sa akin. Sino pa ba? Eh di ang mahal kong asawa na si Anthony. Hai. Ang guwapo talaga. Tama, magiging maganda ang lahi ng anak natin. Kaso,di ko pa alam kung he or she siya. But it doesn't matter, basta healthy. Excited na akong ipaalam kay Anthony ang balitang ito.

Chasing My Love ( Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon