22 (Broken Hearts...)
(Kichi's POV)
"Kichi...I'm----"
"Trix!"tawag ni Jedric.Psh.Wrong timing talaga to.Naputol tuloy kung ano man sasabihin ni Trixie.Simula na sana 'to ng confrontation eh.
"Your mom and dad are here already.Hinahanap ka nila.Andun na sila sa cottage room naipinareserve natin sa kanila."sabi ulit ni Jedric.Tumayo naman si Trixie.
"Ahm,Kichi.I think we have to talk next time.Si Jedric naman binalingan nito."Hon..Ikaw muna mag-accompany dito kay Kichi ..."
Tapos umalis na siya.Tsk.Andiyan mga matapobreng magulang niya.Eh kasi naman,ayaw nila kay Anthony dahil hindi ito kasing yaman nila.Psh.Puwes magsisi sila dahil ang yaman-yaman ngayon ni Anthony.May-ari na kaya siya ng sikat na coffee shop.
Binalingan ko si Jedric.Ngumisi siya.Psh.Kakainis siya.Pero at the same time,naaawa.Alam kaya nito na ang pakakasalan nito ay may mahal na iba?
Umupo siya.Umorder ng beer.Ako naman,tahimik lang umiinom.Medyo nahihilo na nga ako.Madilim na ang paligid.Nasa'n kaya si Anthony?Hmm.Nasa cottage room kaya?
"Di mo ata kasama si Anthony ngayon?"sabi ni Jedric.I know that he's trying to make a conversation.Hindi ko kasi siya pinapansin.
"Tsk.Don't state the obvious.Nakita mo bang andito siya?!"pagtataray ko sa kanya.
Napailing siya.Parang na-aamuse."Ang taray talaga kahit kailan..."
"Hah!Kaya niyo nga ako pinagpustahan di ba dahil diyan di ba?"sabi ko sa kanya.Kapag naaalala ko yun,di talaga maiwasang kumulo dugo ko kay Jedric.
"Sorry Kichi..."
Eh?Kagulat naman coming from Jedric.Di nagsorry yan noon eh,bagkus,ipinagmalaki pa na napasagot niya ako.
"Sa tagal na nangyari yun,ngayon mo lang naisipang magsorry?Astig ka rin eh noh?So,sana naman,mas bigyan mo pa ako ng time na masabi ko rin na "napatawad na kita"."sabi ko.Eh ngayon lang nagsorry.I realized na pangit na may galit sa dibdib.
Medyo naglight-up face niya."Talaga?"
"Uy,hindi pa kita pinapatawad.Wag kang magsaya diyan."
"I know.Ok na 'to.Take your time.At least,you're considering to forgive me."
"Whatever."sabay roll ng eyes ko.Ang taray ko.Nagiging weird at makuwela lang ako kapag kasama ko mga close friends ko at si Anthony.
He chuckles."Maiba ako Kichi,sa'n kayo nagmeet ni Anthony?"
![](https://img.wattpad.com/cover/3057551-288-k808996.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing My Love ( Currently Editing)
ChickLitWhat if nakita mo na ang lalaking gusto mong mahalin?Handa ka bang habulin siya kahit anong paglayo niya sa'yo?Pa'no kung may mahal na pala siyang iba?Hahabulin mo pa rin ba siya at ituloy ang pangarap mong makuha siya?O "maglakad" na lang at kalimu...