28 (Let's talk for real!)
Kichi's POV
Sa garden ko ipinasyang mag-usap kami. Mas mabuti nang dito kami mag-usap at walang makakarinig. Pumunta ako sa may pavilion na naroon at ramdam kong nakasunod si Anthony sa akin. Kikiligin talaga ako sana sa ambience ng lugar dahil romantic. Ang daming naggagandahang bulaklak.
Hinarap ko siya. I cross my arms at my chest. My face emotionless. "Why did you do that? You just complicated everything!"
Okay. Medyo naiinis talaga kasi ako ngayon.
Nanatili lang siyang nakasandal sa poste ng pavilion. Not breaking his gaze to me. His one hands is on his pocket. Right now, he looks so damn gorgeous. Daig pa niya ang nagmomodelong lalaki sa magazine..Ah putik! Ba't ko ba siya pinupuri?Tss.
"What now? Ba't di ka makasagot diyan?" mataray na sabi ko sa kanya nang nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Shocks! Nakakailang kaya...You know, there's something in the way he looks at me.
"Ba't ang taray mo ata ngayon?"sa halip ay tanong niya.
"Eh sa nakakainis ka! Ba't mo ginawa yun ha?Bakit sinabi mong nililigawan mo ako kahit hindi naman?"singhal ko sa kanya.
"Para quits na tayo."sagot lang niya.
"Quits?Anong pinagsasabi mo?"
"Did you forget?Nagpanggap ka ngang girlfriend ko kahit hindi naman." cool lang na sabi nito.
Napamaang naman ako dahil dun.So, gantihan pala?
"You're impossible Anthony! You needed me at that time.You needed help."
"How did you know I needed you? Hindi ko naman sinabi na kailangan ko ng tulong mo." anito. But there's amusement in his face. Ano to? Pinaglalaruan niya ako?
Tama ang sinabi nito. Dapat hindi na lang pala ako umeksena noon sa kanila ni Trixie. But, tama ba namang ganun ang sabihin nito sa mga magulang nila?
"So gantihan pala 'to? I didn't know that you're kinda childish Anthony. Nakakainis ka!Kung ayaw mo sanang magpanggap ako na girlfriend mo,sana pinabulaanan mo that very moment! "bulyaw ka sa kanya.
"I---"pinutol ko ang akmang pagsasalita niya. "At ngayon,gumaganti ka? Pinaglalaruan mo ako? Hindi ako natutuwa at lalong hindi ka nakakatawa. Nagsisi ako na hinabol-habol pa kita. Ngayon ko na realize na mukha pala akong tanga dahil kahit alam kong may mahal kang iba, sige pa rin ako..."
Emotions start to pour in.
"At alam mo ba, recently, nagdecide na akong kalimutan ka? But hell! Pinaglalapit talaga tayo ng pagkakataon!At naisip mo pang gawin 'to?Hindi pa ba tama na nagmukha na akong tanga sa kakahabol sa'yo?Sa kakaasam na maging akin ka?I was a fool for loving someone like you who obviously loves someone else!It was like chasing for nothing.Kaya, I'm giving up..."
Crap.My tears are flowing like forever.Napatalikod ako nang wala sa oras.Walang tissue or what.Mabuti at di ako naglagay ng eye make-up.Tss.Ang sakit sa puso ang nangyayari. But I need to say what should be said kahit nakakahiya itong mga pinagsasabi ko.
Akmang tatakbo na sana ako palayo nang magsalita siya.
"So that's it? You're giving up?Just like this? "He sighs. "Tahimik ang buhay ko until you came. Ah no, hindi pala tahimik. I was a prison of the past. At hindi ako pinapatahimik dahil roon."
Past?What does he mean?Tungkol ba kay Trixie? Nagpatuloy siya.
"I studied and worked so hard just to be where I am now. Gusto kong patunayan sa mga magulang ni Trixie na kaya kong makaabot sa ganitong estado. Na pagsisihan ni Trixie na hindi niya ako ipinaglaban noon. At gusto ko ring ipamukha sa ama kong naiwan sa amin noon na hindi siya namin kailangan para mabuhay.Nagawa ko ang lahat ng iyon. Pero hindi pa rin ako tahimik at lubusang nagiging masaya..."
Sa pagkakataong ito ay napalingon ako. Anthony is opening up. Damang-dama ko ang lungkot niya sa kanyang mga sinasabi. Alam ko ang tungkol kay Trixie pero ang tungkol sa ama niya?Hindi ko iyon alam. And I am surprised to see that Anthony is crying. Parang nagsisikip rin ang dibdib ko sa pag-iyak niya.
Minsan ka lang makakakita ng lalaking hindi nahihiya umiyak sa harap ng babae. Wala namang masama roon di ba? Crying is part of being human. And I believe that a real man cries.
Niyakap ko siya na tinanggap niya naman. Kahit medyo napayuko pa siya dahil mas mataas siya sa akin.I just let him cry.
"Bakit sinasabi mo ang lahat ng ito sa akin Anthony? At tinanong mo pa kung susuko na lang ba ako basta-basta. Sa tingin mo, ipaglalaban pa ba kita kung hanggang ngayon mahal mo pa rin si Trixie? How am I suppose to fight for that huh? At base nga sa sinabi mo,nagawa mong makarating sa estado mo ngayon dahil sa kanya. You must love her so much because of that. "
Napahagulgol na rin ako sa mga sinasabi ko. At sakit lang sa puso eh.
Humiwalay siya ng yakap sa akin at bigla na lang natawa na ikinagulat ko. Ano siya, nabaliw lang?Umiyak tapos, tumawa na naman?
"Sa'n nanggaling ang mga sinasabi mo? Tama nga si Rizzie. Nag-aassume ka na agad nang hindi pa sinasabi. Sinabi ko bang mahal ko pa rin si Trixie hanggang ngayon?"
"Nag-usap kayo ni Rizzie? " tanong ko. Aba't close ata sila?
Tumango ito."Nang makabalik ako ng Manila mula El Paraiso, tinanong ko siya kung nasaan ka dahil baka alam niya. Napadaan kasi siya sa coffee shop minsan.Unfortunately, hindi rin. Mukhang mabait talaga ang pagkakataon dahil akalain mong anak ka pala ng long lost bestfriend ni mama. And, we have discovered a lot between us two."
Naguguluhan ako. Ano bang pinagsasabi nito? Ayoko nang mag-assume. Pramis!
He touches my knotted forehead. "Grabe naman kung makakunot ang noo mo.Para malinawan ka..."
To my horror and at the same time my pleasure, Anthony kisses me. Pambihira, bago pa ako makatugon ay tinapos niya na ang halik.Pero, para saan iyon?Ano ba gustong palabasin nito?Na ako ay cheap at basta na lang nagpapahalik?
"What was that?Pangalawa na yun ah. At ngayon, magso-sorry ka na naman?" manghang tanong ko sa kanya.
Tumawa naman siya ulit.
"For your information, pangatlo na iyon..." sabi nito with amusement in his eyes.What the?Pangatlo?!How?! Yung una, sa El Paraiso sa stage nung magperform kami tapos pangalawa to. How come sabi niya, pangatlo 'to?Sa'n nangyari ang isa?
"Anyways, malalaman mo rin mamaya kung bakit naging pangatlo iyon. So, ngayon, malinaw na ba sa'yo ang gusto kong sabihin?"
"For Pete's sake Anthony, hindi ako manghuhula. At ayokong mag-assume. Diretsuhin mo ako. "
He sighs. "Ano ba ang assumption mo?Malay mo, tama naman pala."
Napaupo ako sa isang baitang ng stairway ng Pavilion. Mga limang baitang lang naman ang naroon. So, sa pinakaitaas ako umupo.
"Nakakainis ka.Eh sa ayokong mag-assume!"
Alangan namang sabihin ko na mahal niya ako.Eh yun ang assumption ko. Baka kasi mali. Eh di nakakahiya iyon.
I pout. Nakakainis. Sa'n ba patungo ang pag-uusap na 'to?Ano 'to?Pinaglalaruan niya naman ako?
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko pero di ko siya nilingon.
"Paano kung sabihin kong "Mahal kita Kichi" ,maniniwala ka ba?"
Ilang sandali bago na-idigest ng utak ko ang sinabi niya.
Seriously??!!!
***************************************************
Yay! Ang haba ng panahon bago nakapag-update. Well, here it is. I'm thinking of ending na this story. May book 2?Hmm ..let's see! Keep on reading guys!God bless!:)))))))
BINABASA MO ANG
Chasing My Love ( Currently Editing)
ChickLitWhat if nakita mo na ang lalaking gusto mong mahalin?Handa ka bang habulin siya kahit anong paglayo niya sa'yo?Pa'no kung may mahal na pala siyang iba?Hahabulin mo pa rin ba siya at ituloy ang pangarap mong makuha siya?O "maglakad" na lang at kalimu...