3 ( Reminiscing )

1.8K 24 5
                                    

3 ( Reminiscing )

( Kichi's POV )

"WHHAAAT?!!" parang hindi makapaniwalang sabay na sambit nina Kristy at Meg sa sinabi ko. Ang sarap pag-uumpugin ang  dalawa. Kung maka "What" ay wagas.Samantalang si Rizzie ay tahimik lang na ngumingisi.

Pinanlisikan ko sila ng mata. Ang lakas ng mga boses nito. Mabuti na lang at malayu-layo kami sa ibang mga customer.

"Ano ba kayo? Tinanong niyo ako kung sino siya tapos parang hindi kayo naniniwala nang sabihin ko na." Sumimangot ako. Ang gugulo ng mga kaibigan ko.

"But he's an employee here in the coffee shop!" bulalas ni Meg.

"So?Ano ngayon?Gwapo naman!" sabi ko. Pinipigil ko ang aking sarili na mainis kay Meg.Totoo naman kasi ang sinabi nito. Marangal na trabaho ang pagiging barista at walang masama doon. I always wanted my man to be hardworking and Anthony fits in that.

"Hoy bruhilda! Don't get me wrong. Alam mong hindi ako mapagmatang tao. What I'm trying to say is---------Ay naku Kristy,ikaw na nga ang magpatuloy." si Meg na naa-amuse ata sa reaksyon ko.

Ngumisi si Kristy.  " Ang ibig sabihin ni Meg ay maawa ka sa napakagwapong nilalang na iyon."

Huh?Maawa?

Nagpatuloy ito. " Knowing you naman, napakakulit mo. Baka magkunsumisyon yun sa iyo at pumangit iyon. Ang hot pa naman niya." Kristy had that dreamy expression in her face.

Ah gano'n?0_0

I pulled Kristy's hair playfully. Napaaray ito kahit hindi naman matindi ang pagkakahila ko sa buhok nito. May ugali lang talaga itong mag exaggerate minsan.

" Aray naman.Hindi ko alam na bayolente ka na pala ngayon Kichi." si Kristy na hinimas himas ang buhok nitong kaka-rebond lang ata.

I snorted.. "Akala ko pa naman kung ano na. Yun pala ay may pagnanasa rin kayo sa irog ko.Hmmp!"

"I'm an exception!" si Rizzie.

"We know!" chorus naming tatlo nina Kristy at Meg na nakapagpatawa sa amin. Nag-blush na naman si Rizzie.Alam kasi naming head over heels pa rin ito sa pinsan kong si Kuya Tyler kahit ngde-deny ito.

Nagsalita si Meg. " Kichi since friend ka namin. Ipinapaubaya na namin si Mr. Hot sa'yo. Right Kristy?"

Tumango si Kristy. " That's right. At tsaka baka isa pa sa amin ni Meg ang magustuhan nun kung sakali. Ang luwag kasi ng turnilyo mo sa ulo.

"Hindi rin kayo mayabang noh? Kahit ganito ako, maganda naman!" ganti ko.Ganito lang talaga kami magbiruan na magkakaibigan.

"Whew! Ang lakas ng hangin ah..parang inamin mo na rin na maluwag ang turnilyo sa ulo mo." sabad ni Rizzie.

Binelatan ko siya. Napuno ng tawanan ang mesa namin. Kami yata ng pinakamaingay na mesa sa loob ng coffee shop.

Maya-maya pa ay nagpaalam na ang mga ito sa akin. Nagpaiwan ako.Kaya't heto ako ngayon. Kaharap na naman ang laptop ko. Kailangan kong makagawa ng bagong nobela.Ngunit kalahating oras na ay ito palang naisulat ko.

.

.

.

.

"ANTHONY"

Anak ng patis! at naka-caps lock pa talaga.

Gusto kong sabunutan ang aking sarili pero magmumukha akong baliw kung gagawin ko yun.

Chasing My Love ( Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon