27 (OMG!)

1.1K 19 3
                                    

27 (OMG!)

Kichi's POV

"Asa!" Yan ang unang salita na nagpop sa isip ko nang makabawi ako sa pagkabigla pagkakita ko kay Anthony. Whew! Asa pa ako na ako yung pinunta niya rito. What a small world talaga, anak siya ng bestfriend ng mommy ko? Kahit kailan talaga mapagbiro ang tadhana. Kung kailan nagdecide ka nang kalimutan ang isang tao, tsaka naman siya gagawa ng paraan si Tadhana upang mapalapit or magkaroon kayo ng kaugnayan ng taong iyon. Lupit!

"My gosh! Di ko ineexpect na makikita kita rito Ate Kichi. Hindi na ako magtatanong kung ba't nandito ka dahil obviously, bahay niyo 'to dahil mommy mo si Tita Frida. Medyo magkahawig kayo eh. Wow! Ang saya naman nito. Matagal na pala dapat tayo magkakilalang tatlo. "mahabang sabi ni Andrea.

Yeah. Sana pala matagal ko nang na meet si Anthony. Hindi ko sana naging boyfriend si Jedric dahil magkakagusto ako sa kanya. Oh wait, unrequited love pa rin pala ang drama ko kung sakali dahil girlfriend niya pa si Trina.

"Oo nga eh. Nakakagulat." sabi ko while smiling.

Sumulyap ako kay Anthony. As usual, seryoso.Nakatitig lang siya sa akin. Ang weird niya. Nakakailang.

Binalingan ko na lang si Andrea."Di ba hinahanap na kayo?Tara. Punta na tayo sa kanila."

"Ai oo nga pala. Tara Kuya." aya nito sa kapatid. Nagpatiuna ako sa paglakad. Sumusunod sila sa akin.Nakakainis. Ba't bigla na lang parang may naghahabulang mga daga sa dibdib ko? Well, hindi naman ako eng-eng para di malaman ang sagot. Obviously, dahil kay Anthony.Tsk.

"O,eto na pala sila eh." si Tita Jacqueline nang makita kaming tatlo.

"Naligaw ata kasi si Kuya. He ended up instead sa may library. Eh andun si Ate Kichi. I was surprised na anak pala siya ni Tita Frida." ani Andrea at binalingan si mommy.

"Hmm. You said you were surprised Andrea. Why?" curious na tanong ni mommy.

"Magkakilala na po kasi kaming tatlo.Nameet ko po si Ate noong booksigning ng Love Hearts.Favorite author po. Ang saya ko nga po dahil close pala ang mama ko at mommy ng idolo ko."sagot naman nitong nakangiti.

Napatango-tango si mommy."Ah see. But, you said,tatlo kayo. Eh paano naman sila ng anak kong ito at kuya mo nagkakilala?"anito.Ngunit may himig panunukso ang tinig nito.

"Er..Si---"

"Sa book signing na po." putol ko sa kung ano mang magiging sagot ni Andrea. At tiningnan siya para iparating dito na ako na bahala. Binalingan ko si Anthony. "Right Anthony?" nakangiti kong tanong.

Ngayon ko lang napansin, nilalaro niya ang snowball sa glass table. Actually, akin ang snowball na yan. May koleksyon nga ako niyan sa kuwarto. I bought most of it from different places. Yung iba, regalo dahil alam nilang hilig ko iyon. Hindi ko alam.

Tumigil siya sa paglalaro pero hindi niya binitiwan. "Actually Tita. I'm courting her."

Nanlaki ang mata ko sa narinig.Ilang beses nagreplay sa isip ko ang sinabi niya."I'm courting her." He what?! Is he crazy? Ano tong pinagsasabi niya?0_0 Eh ako nga ang parang nanliligaw sa kanya noon eh.

Tiningnan ko ang mga reaksyon nila. Nakangisi si Andrea. Bahagyang nagulat si Tita Jacqueline pero nakangiti na ngayon. Si Mommy ay in shock pero maya-maya ay larawan na ng masayang ina. Tapos, teary-eyed pa. Gosh.

"Well, I'm glad hijo. Mukhang magkakatotoo ang biruan namin ng mama mo noon."anito.

"Biruan?"sabay pa naming sambit ni Anthony. I give him a glare. Ipinaparating dito na hindi siya natutuwa. Like hello?Ginawa niya pang komplikado ang lahat. Ok pa sana ang nagsabi na lang sila ng totoo.

Si Tita Jacqueline ang sumagot. "Na ipapakasal namin ang mga anak namin. At that time, you were barely one year old Kichi while Anthony was 5 years old. And If I could remember it, he was very fond of you. Palagi ka niyang nilalaro sa crib mo. "

Pareho kaming napatda sa narinig. Fond of me? Aba, hindi pala ako ang unang nagkagusto sa kanya. Mas malala siya dahil 5 years old pa lang siya noon. Hindi ko alam pero natuwa ako sa nalaman. Shocks. May connection na pala kami noon pa.

Duh Kichi?5 years old pa lang kaya siya nun?

"And you know what, your name "Kichi" came from Anthony."

Another set of revelation. O.M.G. Paanong nangyari iyon?

As if mom is reading my mind, she goes on. "Hindi maipronounce ng tama ni Anthony ang "Key chain". Parating "Kichi" ang nasasabi. Nasa tiyan pa lang kita. Kaya sa ospital, nung tinanong ako kung ano ang pangalan mo, yun ang unang nanulas sa bibig ko."

"And when Anthony's father learned about it. He said na ang meaning ng "Kichi" sa Japanese ay "lucky"." dugtong ni Tita Jacqueline.

Si Anthony ay hindi rin makapaniwala sa mga narinig.Gosh. So, ayan guys. Ngayon alam na natin ang history ng name ko. Kaloka talaga!

Pero sandali. I need to confront Anthony. Baka akala niya.

"Mom, tita, pwede po ba munang mag-usap kami ni Anthony sa labas?" paalam ko sa kanila.

"Oh sure."sabi ni Tita Jacqueline na nakangisi.

"Okay. Take your time."si mommy na nakangisi rin.

Binalingan ko si Anthony. Ipinarating dito na mag-usap kami.Nang tumayo siya ay nagpatiuna akong lumakad. Humanda siya.

 *************************************************

Heeeeeeeeeeellllllllllloooo!!!Been so long I haven't updated this story. At ang isa ko pang story na hindi ko madugtunga. Writer's block and busy-ness at its best!Kamusta kayo?Keep on reading guys! Love you!<3<3

Chasing My Love ( Currently Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon