Prologue

141 27 248
                                    

(Cover: Eryx, 6 years old)



*Phoebe's POV*






"SOBRANG.. BORING.. NAKAKAIRITA!" galit na sigaw ko habang ume-echo ang boses ko sa malaking mansyon na kasulukuyang tinitirhan ko.













Di na pala kasalukuyan! Dito na pala ako titira habang buhay! Salamat sa mga Deity.









Sobrang strict kasi ng mga Deity! Law is law talaga, walang patawad. Kapag nagkamali ka, paparusahan ka na agad.










Wala nang court trial kagaya ng mga mortal na tao!










Halos 500 na taon na akong nakakulong mag-isa sa mansyon na ito! Isipin niyo kung gaano ako kaboring dito! Walang kausap, walang powers. Lahat na yun natanggal mula nang na-sealed ako dito. Naiistress ganda ko dito!










Tapos ang mansyon na ito? Sobrang lapad at laki, pero walang second floor? Walang basement? Ang meron lang dito is kama, isang malaking pintuan na iisa lang ang entrance saka exit. Dalawang bintana na magkatabi! Iyon lang!










May lamesa nga din pala na may kandila na nakapatong. Kandilang umaapoy at di natutunaw sa 500 years ko nang nandito. Kahit hipan ko naman, ako pa mismo ang napapaso!










Yes! Ako ang napapaso. Kapag namatay yang kandila na yan, mawawasak ang mansyon na ito at makakalaya na ako. Pero para mapatay ang kandila, kailangan hipan ng isang mortal na tao mismo, or mga Deity. Kapag kapwa Demi-gods ang iihip niyan, mapapaso lang kami. Ewan ko kung anong klaseng seal ito! Sobrang tindi!










Ang mga Deity ang dahilan kaya nakulong ako dito. Well, alam kong kasalanan ko pero if pinatawad lang nila sana ako? Eh hindi ako makukulong diba? Porket may mga pakpak sila at saka laging nakasuot ng puting tuxedo, kaya na nilang ipakulong lahat ng gusto nilang ipakulong.










If kaya ko lang sila patayin lahat, ginawa ko na sana dapat eh!










Kinulong ako dito habang buhay dahil sa pagiging makasalanan ko bilang isang Demi-god. Eh naglalaro lang naman ako sa mundo ng mga tao.










Di pala laro ginagawa ko. Krimen na pala!










Madami akong nagawang krimen sa mundo ng mga tao. At di ako nagsisisi kahit konti. Sabagay, natatawa pa nga ako sa mga pinaggagawa ko. Ang sarap kaya maging masama!










Nagpanggap pa ako noon bilang isang studyante sa isang paaralan, tapos kinain ko yung isang teacher doon.










Literal na kinain ko.










Buong-buo kong kinain, pati buto ay wala akong tinira.










Bakit ko kinain?










Wala lang. Wala akong magawa doon.










Tapos may isang batang lalaki pa akong pinugutan nang ulo para gawing decoration sa bahay ko. Nakyukyutan lang kasi ako sa mukha niya.











Parang wala na siguro sa bahay yung ulo, cinosfincate ng mga Deity.











Tapos may isa pa akong nagawang kasalanan dahilan kaya siguro ako nakulong dito sa malaking mansyon na ito habang buhay.











My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon