Chapter 12

25 10 54
                                    

*ERYX'S POV*


"WAH! ANG SAYA!"


"POTA! IHINTO NIYO! PARANG AWA NIYO NA!"


"EH? BAT PARANG NAMUMUTLA KA! ANG SAYA NGA NITO EH!"


"EH FIRST TIME KO TO EH! POTA!"


"AH! EWAN KO SAYO! BASTA NAG-EENJOY AKO!" di ko nalang siya sinagot at kumapit nalang ako ng mabuti sa kinauupuan ko!


Paano ba naman kasi! Itong si Phoebe, dinala ko dito sa carnival. Ang plano ko manunuod lang kami ng circus! Eh bigla akong sinakay dito sa roller coaster! First time ko pa naman sumakay sa mga rides dahil natatakot ako! Di na rin ako makaangal dahil hinila na niya ako ng sobrang lakas pasakay sa roller-coaster!


Tangina mo Phoebe! Sagad!


Nang marinig ko ang air brakes ng roller coaster, doon lang ako na relieved kasi alam kong hihinto na to maya-maya. Pagkahinto na talaga nito, tinanggal ko na agad ang safety belt at dali-daling bumaba palayo sa lecheng rides na to!



Huminto ako saglit saka yumuko nang makalayo na ako sa roller-coaster. Para kasing hihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Di ko inexpect na nakakatakot pala yun!



Napahawak ako sa ulo ko at sa sikmura ko.


Nahihilo ako potek! Para atang masusuka ako!



"Eryx! Don naman tayo!" nilingon ko naman si Phoebe na nasa likuran ko na pala. Tangina! Halos mamatay na nga ako sa kaba, magtuturo pa siya ng ibang rides!










Napairap nalang ako sa kanya dahil sa tinuturo niyang ferris-wheel. Plano pa atang sumakay don!



"Wag na! Uuwi na tayo!" bulyaw ko sa kanya dahil sa inis. Pota! Nadadamay ako sa kalokohan nito!



"Ano! Ang aga pa! Anong oras na ba! Mamaya na, please!" ayan na naman siya sa panghihila ng braso. Para talagang bata kung umasta etong babaeng ito!



Napatingin ako sa relo ko, 4pm na pala. Medyo malayo-layo kasi ang byahe namin mula sa mall hanggang dito sa carnival kasi ibang city ito. Di sakop sa lugar namin.










Kung alam ko lang na ito patutunguhan namin dito sa carnival, ang sumakay ng nakakatakot na rides, sana di ko na siya dinala rito!



Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya habang nagpuppy eyes naman itong nakatitig sa akin. Pambihira talaga! Ayaw ko nang sumakay sa mga rides na yan!



I'm afraid of heights!




"Mag ball and bucket toss nalang tayo! Ipapanalo kita ng stuff toys, wag na sa rides na yan!" tutol ko sa kanya sabay turo sa booth na katabi ng ferris-wheel. Mas mabuti pa yun kasi ishoshoot ko lang yung maliliit na bola sa isang bucket. Parang mini version lang ng basketball.




Kesa naman sa rides na parang hihimatayin ako sa kaba!




"Ano yung stuff toys?" napabuga nalang ako ng hangin sa tanong ni Phoebe. Ang tagal na niyang nabubuhay sa mundo, marami pa rin siyang hindi alam!




Dahil sa tinatamad akong mag-explain at nakakapit naman siya sa braso ko na parang bata, dahan-dahan akong naglakad papunta sa ball and bucket toss na booth. Itinuro ko sa kanya yung mga teddy bears. May mga maliliit, may katamtaman lang ang laki at may human size. Meron din itong iba't-ibang color.




My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon