Chapter 7

33 15 63
                                    

*Phoebe's POV*







"ERYX! GUMISING KA NA!"









"Phoebe! Kalma lang! Magigising din yan!" kalma? Paano ako makakalma! Hindi na gumigising si Eryx sa harapan ko! Baka namatay na to!







Napabaling naman ako ng tingin kay Hero na nasa likuran ko. Eto kasi ang dahilan eh! Kaya nandito si Eryx sa hospital ngayon, nakahiga at walang malay dahil sa lecheng Hero na ito!








"Tumahimik ka! Ikaw ang may kasalanan dito!" galit na sabi ko kay Hero!








"T-teka? Bakit ako? Kung hindi ako dumating? Eh hindi ko maliligtas si Eryx!" aba! Sumasagot pa talaga itong matandang ito ah!







"Bobo ka ba! Kung hindi ka dumating! Hindi magiging ganito si Eryx ngayon!"







"Aba? Niligtas ko na nga siya eh? Ano bang problema mo dun?"








"Malaki! Saka anong niligtas mo? Sobrang tanga mo! Niligtas mo nga si Eryx! Pero tinulak mo naman siya ng malakas kaya nabagok ang ulo niya sa sahig!" bulyaw ko sa kanya! Hindi nga tinamaan ng baril si Eryx! Nabagok naman ang ulo sa sahig dahil sa lecheng matanda nato!







"At least niligtas ko pa rin!"







"Tch! Tumahimik ka nalang!" napatingin nalang ako ulit kay Eryx na kasalukuyang humihiga sa kama.







Mabuti rin naman talaga dahil nandun si Hero kanina sa mall. Hindi talaga ako nakagalaw pagkaputok ng baril sa isa sa mga holdaper don!








Mabilis lang nakaresponde agad si Hero at tinulak si Eryx para di matamaan ng bala! Dahilan para mabagok naman ang ulo niya sa sahig. Pinatay lahat ni Hero ang mga holdaper doon sa mall. Pero di naman masyadong brutal yung ginawa niya dahil pinatigil lang niya ang pagtibok ng mga puso sa mga holdaper. Walang dugo ang bumaha sa mall.







Yung mga tao naman na nakakita, isa-isa kong isinalalim sa Hypnosis. Para naman makalimutan nila ang nangyari. May mga pulis naman ang nakarating dun at tinanong kung anong nangyaring kaguluhan. Ang sinabi ng mga tao ay may holdup na naganap, pero nakatakas ang mga holdaper. Dinispatch kasi ni Hero ang mga bangkay ng mga holdaper. Ewan ko nalang kung anong ginawa niya.







Siguro kinain niya lahat ang mga yun!








Pero si Eryx ang inaalala ko! Ang tanga ko! Bakit ko ba hinayaan si Eryx malayo sa akin kahit alam ko namang may sumpang kamalasan siya!







Naiinis ako sa sarili ko! Pota!








May sugat siya sa ulo! Kaya ginamot ko agad ito! Pero hindi parin siya nagising mula pa nung isinugod siya rito sa hospital! Siguro nasugatan ata yung sa loob ng ulo niya. Hindi pa naman namin kaya pagalingin yung mga sugat na hindi namin nakikita ng mga mata namin.








Siguro kung Deity kami, walang anumang sugat ang di namin kaya gamutin!








Kay mas minabuti namin na isugod nalang si Eryx sa hospital. Para malaman namin kung anong dahilan bakit hindi siya nagigising!









Kung tinulungan ko nalang sana siya agad kanina! Di sana mangyayari to!






"Eh ikaw ba? Ikaw kasama ni Eryx! Bakit wala kang ginawa?" kakaisip ko pa lang niyan! Isinambit pa talaga ni Hero eh!







My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon