Chapter 3

50 24 145
                                    

(COVER: HERO)





*Phoebe's POV*










"Parang kilala kita!"










WTF?










Habang kinukwelyuhan ko ang lalaking ito, may naalala akong tao sa kanya. Parang namumukhaan ko siya noon pa lang. Parang nagkita na ata kami nitong lalaking ito!










"Teka? Nagkita na ba tayo?" binitawan ko ang kwelyo niya saka inalalayan siyang tumayo. Mag-uusap muna kami, bago ko siya kainin!










Pinaupo ko siya sa may bermuda grass, katabi nang daan na dinapaan niya kanina. Napansin ko namang nabutas ang slacks na suot niya. Kaya kitang-kita ko ang sugat sa dalawang tuhod niya. Hindi naman gaano kalaki yung sugat, parang gasgas lang. Siguro dahil ito sa pagtulak ko kanina.










"Namumukhaan kita, pero di ko lang alam anong pangalan mo!" nagtatakang sabi niya. Same rin yung nararamdaman ko. Namumukhaan ko rin siya, ewan ko lang kung saan.










Di ako umimik at pinagmasdan ko lang siya na hinihimas yung tuhod niya. Talagang nagkita na kami nitong taong ito. Di ko lang talaga maalala.










Mga ilang segundo ang lumipas, walang umimik sa aming dalawa. Tinitingnan ko lang siya na iniinda ang sugat sa tuhod niya. Gusto ko sana siyang tulungan pero kailangan ko muna isipin kung kailan kami nagkita nang taong ito.










I'm sure na nagkita na kami!










"PHOEBE!" may boses ng lalaking sumisigaw sa likuran ko. Pero kahit di ko na to lingonin, alam ko na kung sino itong tumatawag sakin.










Sino pa ba? Edi yung matandang Demi-god na kasama ko sa bahay! Si Hero!










"Ano nangyari!" tanong ni Hero pagkalapit niya agad sa akin. Makikichismis lang naman itong kupal na ito eh. Kakaumay din kung sagutin pa to.










"Mr. Suave?" pfft! Ano daw?










"Uy? Ikaw pala yan?" eh?










Medyo nalilito ako sa kanila ah. Biglang nag-usap kasi si Hero at yung poging lalaki na itinulak ko kanina. Para bang magkakilala sila?










Magkakilala ba sila?










"Anong nangyari sayo?" pag-aalalang tanong ni Hero sa lalaki. Teka? Bakit parang close sila sa isat-isa?










Itinuro naman ako ng poging lalaki na parang kay laki nang kasalanan ko. Oo na, tinulak ko nga siya. Pero mabilis lang talaga takbo niya, imagine. Malakas talaga magiging impact nun kapag nadapa siya.










Samahan niyo pa ng tulak ng isang pinakamabangis na Demi-god?










"Phoebe? Kilala mo na ba siya?" nabaling naman ang atensyon ni Hero sa akin.










"Familiar siya sa akin, I think nagkita na kami! Di ko lang talaga alam kung saan at kailan!" talagang feel ko na nagkita na kami. Saan kaya? Wala akong maalala!










My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon