Chapter 14

17 8 33
                                    

*ERYX'S POV*








Hindi na kami bumalik sa tent ni Phoebe. Natigil naman siya sa pagtatanong sa akin nung hindi ko ito sinagot.








Di ko alam anong nararamdaman ko sa kanya.








Umakyat ako sa upper deck para humiga doon, ganon din ang ginawa ni Phoebe sa kabila. Nakapagdesisyon din kasi siya na hindi na muna siya babalik.








Nasa mga 8pm pa lang naman, alam kong nagugutom si Phoebe. Pero mas pinili niya parin manatili kasama ako kasi ayaw niya akong iwan mag-isa dito sa room.








Kapag tinitingnan ko si Phoebe, iniiwasan lang naman niya ako ng tingin. Alam kong awkward yung ginawa namin kanina, pero gusto ko sana siyang makausap about sa tanong niya kanina.








Kaso kapag kinakausap na niya ako, walang lumalabas na sagot sa bibig ko. Tila nabablanko ang isip ko kaya hindi ako makapag-isip ng maayos.








"Mahal mo na ba ako, Eryx?" di ko talaga matanggal sa isip ko ang tanong ni Phoebe sa akin!








Mahal ko ba siya?








Hindi, hindi ko siya mahal! I mean, gusto ko siya, pero hindi ko pa naman ata siya mahal! Gusto ko lang siya kasama, yun lang. Siguro ganito nararamdaman ko kasi siya lagi nakakasama ko sa bahay.








Pero bakit kami naghahalikan lagi?








Dahil ba gusto namin? Or dahil may feelings kami sa isa't isa? Hindi ko alam. Gusto ko lang siyang halikan kasi feeling ko tama ang ginagawa ko!








Posible ba mainlove sa isang Demi-God?








"E-Eryx?"








"O-oo! B-bakit?" gagi, nagkakahiyaan kami sa isa't-isa.









"Nagugutom na ako." malungkot na sabi niya. Kanina ko pa talaga siya napapansin na di mapakali sa kama eh.








"Tara, tanungin natin si Maxine saan tayo pwede makabili ng pagkain." sabi ko at agad tumalon pababa sa kama. Ganun din ang ginawa ni Phoebe sa harap ko.








Binuksan ko ang pinto ng kwarto, laking gulat ko naman na biglang sumalubong si Maxine sa pintuan namin na akmang kakatok na sana siya. Kaso hindi niya natuloy kasi nauna naming buksan ang pinto.








May dala-dala itong pagkain. Grilled steak with mash potato, inihaw na isda, apat na Hungarian, tapos mga pork belly barbecue at kanin.








Para samin ata to?








"I'm sorry if nadisturb ko kayo. Ihahatid ko sana to sa inyo eh." nakangiting sabi ni Maxine at inabot sa akin ang pagkain na dala niya.








"Wala naman kaming ginagawa rito. Actually babalik nga sana kami sa tent para kakain sana." mahinahong sagot ko at pumasok sa loob ng kwarto para ilapag ang pagkain sa may mesa katabi ng mini-fridge.








"Phoebe, I'm sorry sa inasal nila Luna at Aubrey kanina ha? They're always like that." sabi ni Maxine sabay tapik sa balikat ni Phoebe.








My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon