Chapter 13

17 8 53
                                    

*ERYX'S POV*







Kahit tinatamad akong bumangon, pilit ko paring ginalaw ang katawan ko palayo sa kama para magising na.












Grabe ang sarap ng tulog ko.







Napatingin ako sa phone ko, 11am na pala. Ang tagal ko ata nagising ngayon, siguro napagod ako sa kakagala namin ni Phoebe kahapon.












About naman kay Phoebe.







Himala rin si Phoebe ngayon, hindi ako ginising. Wala rin siya dito sa kwarto, kaya naisip ko na baka nasa sala lang yun. Kung hindi nakatunganga, kumakain yun.








Dumiritso na agad ako sa banyo para makapag-toothbrush at makaligo. After ko lumabas sa banyo, nagbihis muna ako ng black loose T-shirt at black shorts saka lumabas sa pinto ng kwarto.








Dumungaw ako sa baba, wala naman sa sala si Phoebe. Ewan ko ba saan nagpupunta ang babaeng yon? Nasanay kasi ako na siya gumigising sa akin, or kapag nagising ako siya agad unang nakikita ko sa kwarto. Tapos ngayon biglang nawala.








Tawagin ko nalang kaya?








"PHOEBE!" sigaw ko sa baba ng sala. Naghintay pa ako ng ilang segundo pero walang sumagot sa tawag ko. Napatingin nalang tuloy ang mga maids namin mula sa baba.








Bumaba ako sa stairs para makapunta ako sa sala. Ngunit sa di inaasahang pangyayari, dumulas ang paa ko sa hagdan!








Para bang nagii-slowmo ang paligid ko habang unti-unti akong nagba-backflip pababa sa hagdan. Wala akong maapakan, feeling ko lumilipad ako!








For sure masakit to kapag naglanding ako! Sana di mauna ulo ko!








Pa-landing na sana ako ngunit may sumalo sa akin. Napatingin naman ako sa sumalo sa akin.








Si Phoebe!








Nakangiti pa itong nakatingin sa akin habang naka-bridal carry ako sa kanya! Potek, parang ako pa ang babae sa ginawa niya!








Dali-dali akong bumaba sa pagkakandong niya sa akin. Inayos ko muna ang damit ko bago ko siya iniwasan ng tingin.








"Ako si Darna, Eryx!" pang-aasar nito habang tumatawa ng malakas! Napairap naman ako sa sinabi niya.








"Saan ka ba galing! Kanina pa kita hinahanap!" galit-galitan na sabi ko. Nahiya ako sa pagsalo niya sakin, shuta!








"Miss mo ko agad baby? Nandun ako sa labas ng gate. Kausap ko si Maxine kanina."








"Oh? Ano naman pinag-usapan niyo?" pagtatakang sabi ko! Bakit hindi tumuloy si Maxine sa loob ng bahay?








"Pupunta raw kami sa beach mamaya. Susulitin daw namin ang 1 week na walang pasok."








"Kayo lang?"








"Syempre sinabihan din niya ako na isama ka. Kaso sabi niya imposible raw na sasama ka, kasi hindi ka raw sumasama sa mga ganyan." napa-exhale ako sa sinabi niya sakin. Medyo tama naman siya. Hindi talaga ako lumalabas ng bahay kahit free time ako. Ang dami kasing kamalasan na nangyayari sa akin.








My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon