Chapter 1

96 28 223
                                    

(Cover: Maxine Velasco)







*Eryx's POV*










"YOU'RE LATE.. AGAIN! MR. MONTERO!" ay grabe! Ang malas naman! Kakadating ko palang sa school, ito agad bati ng mangkukulam na ito!

Mangkukulam?

Paanong di mo matatawag na mangkukulam? Sobrang nakakatakot ang mukha kapag nagagalit! May eye glasses pang halos sa ilong lang nakatapat, hindi sa mata! Tapos ang buhok niya pa ay sobrang iksi na kulot pero wasak! May nunal pa sa noo? Ewan! Sobrang nakakatakot lang talaga tingnan!


Yung tipong kahit nakasmile na nga, galit pa din ang mukha!

"This is your 8th time in a row!" pahabol niya pa. Ay kahit araw-araw pang ganito maam! Sobrang nakakatamad ng schedule mo, ang aga-aga!

Pumasok ako konti sa room saka hinarap si Mrs. Reyes na nakatayo at nag-aalburuto. Naputol kasi ang discussion niya dahil sa isang poging pumasok sa room niya.

Sino bang pumasok na pogi? Edi ako malamang!

"Late na ba ako maam?" pagbibiro ko pa sa kanya habang kinakamot ko ang batok ko. Mukhang masesermunan na naman ata ako ngayon ah?

Agad namang nagsalubong ang kilay niya at nanlisik ang mata sa akin. Ayan na nga ba sinasabi ko.

"Sa tingin mo ba Mr. Montero, nagbibiro ako?" sabi na eh. Nagalit pa ata! Mukhang sermon ulit aabutin ko sa bruhang teacher na ito.



Inisin ko pa kaya lalo?

Yumuko nalang ako sa harap niya at di na umiimik. Di naman sa natatakot ako na magalit siya, kundi sawa na ako sa ganitong eksena lagi sa room na ito.



Di lang ako graduating students, do-drop ko na talaga itong subject na ito.

"Ano pang aabutan mo sa klase na ito? 7:49 na? Ang schedule ko ay 7 to 8am! Sige nga? Iexplain mo sakin ano pang aabutan mo dito!" galit na tono ni mangkukulam, este Mrs. Reyes.



See? Kaya nakakatamad ang schedule mo kasing ang aga-aga! 7am? Kakagising ko pa lang sa mga oras na yan eh!




Palibhasa abnoy ka maam eh!


Saka tinatanong pa ako kung anong aabutan ko sa klase mo? Syempre discussion mong walang kwenta! Anong gagawin namin sa Philosophy? Magdidiscuss nang mga taong matatalino pero patay naman lahat? Bakit natin pag-uusapan iyong mga taong patay na?

Kainis ka maam!


Di ko siya pinansin saka dumiritso nalang sa upuan ko.

Puyat ako, wag niyo ako disturbuhin!

"Hoy Mr. Montero! Sinong nagsabi pwede ka na umupo?" ay wow. Di pa ako nakaupo eh!

"Bawal pa po ba umupo?" kasi naman eh, daming arte nitong bruhang ito eh!

"You will sit whenever I told you to sit!" bulyaw niya habang nakapameywang itong nakatitig sa akin. Ano ako? Aso lang ganon?

Nakakainis na talaga itong impaktang ito! Halos araw-araw nalang talaga ganito!

"Lagi nalang ganito, sobrang irresponsible mo dito sa klase, alam mo ba yan!" hays. Eto na naman yung paulit-ulit na sermon niya. Memorize ko na itong sermon mo maam! Pero if magsesermon ka man lang? Sige, iinisin kita lalong impakta ka!

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon