Chapter 2

68 25 205
                                    

(Cover: Eryx Montero)








*Eryx's POV*

"Wala na bang ibang laman?"

"Wala na tol!"

"Yung pitaka? Meron ba?"

"OO TOL! MERON! TIBA-TIBA TALAGA TAYO NITO!"

"Mabuti, kunin mo lahat ng laman. Bibilangin natin yan mamaya."

"Eh, paano tong isa?"

"Patay na ba yan?"

"Di pa naman ata?"

"Gisingin mo nga!"

"Paano?"

"Kilitiin mo!"

"Ayoko nga, ikaw nalang gumising diyan."

"Hays, sige itabi mo, ako na!"

May narinig akong yapak ng tao papalapit sakin. Di ko alam kung nasaan ako, nakapikit lang mata ko para mangkunyari na natutulog lang.



Saan ba ako dinala? Akala ko ba'y tutulungan ako ng mga ito!

"ARAAAAAAY!" potek ang sakit ng daliri ko!

Minulat ko ang mata ko at agad tiningnan ang daliri ko. Hinawakan lang naman ito ng isang binatang lalaking may bigote sa mukha na parang kung fu master sa haba nang bigote!

Nakakabinging tawanan ang narinig ko. Sobrang sakit ng pagkahawak niya. May bali na nga daliri ko, hinawakan pa talaga ng baliw nato!

Pinagmasdan ko ang paligid. Bakit parang nasa warehouse ako? Or parang lumang bodega? Sobrang dilim! Kandila lang ang nagsisilbing ilaw dito. Sa pagkakabilang ko, mga sampung kandila ang nakikita ko? Lima sa bawat gilid ko. Ano bang pinaggagawa nito?

Ano ito? Ritual?

Gagalaw na sana ako ng maramdaman kong nakatali nang mahigpit ang katawan ko sa isang silya. Pati mga paa ko ay nakatali rin. Ano bang tinatangka nilang gawin sakin? Kanina lang nasa park ako, tapos ngayon biglang nakatali na ako?

Lintik na buhay naman to oh! Ang malas!

"Uy? Buhay pa naman tol." narinig kong tumawa ang isa pang may edad na lalaki na kalbo at may bandana sa ulo. Buhay pa naman talaga ako! Porket nakapikit lang ako, akala niyo na patay na! Nagkukunyari lang ako ditong natutulog!


Kapag nakawala nako dito, sisiguraduhin kong di kayo mabubuhay!

Saka ang sakit pa rin ng daliri ko, hindi man lang binitawan ng lalaking ito at mas lalo pang hinigpitan ang hawak! Kapag ako nakawala dito, mananagot kayong dalawa sakin!

"Grabe tol! 30K ang laman ng pitaka!"

"Gago? Binilang mo na! Ang laking pera niyan para sa pitaka nang isang bata!"

"Ayos! Pahawak nga ako!" binitawan naman ng lalaki ang daliri kong may sugat. Hays!


Buti naman at binitawan nang hinayupak nato! Halos mamatay na ako sa sakit eh! Bwesit!

"Kung sinuswerte nga naman oh!" nagtawanan naman sila sa harap ko. Parang mga kidnapper ata itong mga to! Hays! Kung minamalas nga naman!

Lumapit naman yung isa pang lalaki na may edad na halos 30. Matipuno ang katawan nito na parang kargador. Dala-dala nito ang pitaka ko habang nakatingin sakin ng nakakaloko.

My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon