Chapter 4

40 17 173
                                    

(COVER: PHOEBE MARRENDEL)








*Eryx POV*








"Kanina ka pa nakatulala diyan ah? Infairness, ang aga mo ngayon." nabalik naman ako sa realidad nung may nagsalita sa tabi ko. Si Maxine lang pala.









Maaga ba? Syempre! Baka Eryx to!







Yup, tama siya na kanina pa ako nakatulala dito sa chair ko. Nandito na kasi ako sa classroom ko. Ang aga ko nakapunta dito sa school, hindi kasi ako nahirapan matulog kagabi.









Ang totoo niyan, hindi talaga ako natulog! Pota!







Sobrang dami kong iniisip dahil sa nangyari kahapon. Para bang panaginip lang lahat? Saka iniisip ko pa rin yung kinuwento ni Hero at Phoebe sakin kahapon sa kwarto ko.







Sabi nila, di daw sila mga karaniwang tao. Mga Demi-Gods daw sila. Dahil sa ginawang kong pag-ihip ng kandila sa mansyon na tinitirhan ni Phoebe, napalaya ko raw siya. At isinumpa daw ako ng mga Betty? Dwende? Ewan! Di ko matandaan kung sinong nagsumpa sa akin ng kamalasan!








Kaya ka nakarating sila sa kwarto ko, kasi itong si Hero pala ay matagal ko nang stalker. Since bata pa ako, lagi niya akong pinagmamasdan, kaya kahit bahay ko alam niya. Akala ko nga kahapon kinain na nila lahat ng kasambahay namin. Mabilis lang daw sila tumakbo papunta sa kwarto ko, kaya di namalayan ng mga maids namin.









Isa pa, mga Demi-gods nga kasi sila. Kaya kung anong powers meron sila!






Hindi ko rin maalala kung paano ako dinala ni Hero doon sa mansyon, kinuha raw niya yung memory ko sa part na yun. Wala rin akong balak na bawiin yun. Gusto ko rin kalimutan ang mga nangyari!








About sa contract namin, hindi na daw macacancel yung contract. Pero baliktad na raw yung effect. Ganyan daw ang mangyayari kapag nakipagcontract ang isang Demi-Gods sa mga tao at nandaya ito. Dahil nandaya si Phoebe sa akin at kinuha yung memory ko para maalala yung name niya, naging baliktad yung effects.







Ako ang tatawagin ni Phoebe para makalapit siya sakin!










Hindi naman sa ayaw ko na sa contract namin. Bata pa lang ako, inaakala ko talaga ni si Phoebe ang po protect sa akin, siya magiging guardian angel ko. Pero nang makita ko ang totoong aura ni Phoebe, medyo kinakabahan ako lagi sa kanya. Kaya ayaw ko siyang makasama kahit saan.










Sana di niya iispam na itawag ang pangalan ko, mas safe pa ata ako kapag wala siya! Nakakatakot kaya siya!








Hays! Ang dami pa nilang sinasabi! Kailangan daw nila ako protektahan sa kahit ano mang kamalasan ang mangyayari sakin. Kasi kapag namatay daw ako, mababalik sa mansyon si Phoebe. Di daw niya gusto dun sa mansyon kaya hanggat makakaya nila ni Hero, poprotektahan nila ako.






Saka totoong nangangain sila ng tao! Nakasura lang!








"Hey Eryx? Are you okay?" napatingin ako kay Maxine nang hinawakan niya ang balikat ko. Nakatayo siya sa gilid ko habang ako ay nakatulala lang sa upuan ko habang nakatingin sa white board.








"Yeah, okay lang." matamlay na sabi ko. Bumalik naman siya sa upuan niya sa may gilid habang naiwan parin akong nakatulala.








My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon