Chapter 9

26 10 65
                                    

*ERYX'S POV*






"Kalma ka lang, Ashel."






Nanginginig buong katawan ko dahil sa nakita ko! Nakakakilabot dahilan kaya napanganga nalang ako habang nakatitig sa nilalang na nasa likuran ko!






Isang babaeng kasing tangkad ko! Nanlilisik ang mapupulang mata niya! Medyo napanganga siya ng konti kaya kita ko ang mga nakakakilabot na pangil nito! Kulay pula rin ang buhok nito pero naka-ponytail. Nakasuot ito na parang bondage sa dibdib, kulay black. Saka naka jogging pants din ng black. Walang suot na sapatos or tsinelas man lang! Seryoso ang mukha nito at walang kaemo-emosyon!






Parang si Phoebe ang hitsura niya nung niligtas niya ako sa nagraragasang sasakyan!







Pinigilan niya ang suntok ni Phoebe sa pamamagitan lang ng paghawak niya sa bisig nito kay Phoebe.






Paano niya napigilan si Phoebe? Eh sobrang lakas nung suntok niya! Hindi kaya isa siyang Demi-God?









Or isang Fiend?






"Bitawan mo ko!" nabitawan ko ang kamay ni Phoebe nung siniko niya yung babaeng nasa likod nito. Natamaan naman ang baba nito kaya agad itong napabitaw sa bisig ni Phoebe!






Hinawakan ni Phoebe ang braso ko at tumalon kami papalayo sa dalawa nato! Medyo napalapit kami sa pader, kaya para ring nacorner kami.









Wala kaming matatakasan!






"Oh? Akala ko ba papatayin mo ko?" pang-aasar pa ni Tyrell sa amin.






Hindi ko to pinansin dahil naagaw ang atensyon ko sa babaeng kasama niya. Parang halimaw! Galit na galit ang aura nito! Feeling ko kahit anong oras, pwede niya kaming patayin dalawa ni Phoebe!






Anong klaseng nilalang to!






"Me-Merashel?" napalingon ako agad kay Phoebe nung nagsalita ito sa tabi ko.






Merashel?






"Of course, kilala mo siya! Parehas kayo noong Demi-God eh!" napatawa naman ng malakas si Tyrell sa harap namin!






Ano daw? Kilala ba ni Phoebe itong babaeng kasama niya? Saka tama ako! Demi-God nga rin ito kagaya ni Phoebe!






"Merashel! Anong nangyari sayo?" bakas sa boses ni Phoebe ang takot niya! Merashel? Magkakilala ba talaga sila ni Phoebe?






Teka! Hindi ata siya Demi-God!









Siya ba ay isang...






"Hindi ka na niya naririnig, Phoebe! Di na siya yung Ashel na kaibigan mo noon! Isa na siyang Fiend!" tumawa ulit ng malakas si Tyrell! Nakakabingi ang tawa niya at the same time, nakakakilabot!









Tama nga ako! Isang Fiend na itong babaeng to! Hindi na ito Demi-God!






Saka kaibigan ba talaga ni Phoebe itong babaeng ito?






"Ashel!" galit na sigaw ni Phoebe. Ibinaling naman niya ang tingin niya kay Tyrell na galit na galit! "ANONG GINAWA MO SA KANYA!" malakas na sigaw ni Phoebe!






My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon