Chapter 6

35 15 101
                                    

*Eryx's POV*








Napapikit nalang ako sa takot dahil mabilis na paparating ang kotse sa harap ko. At this rate, masasagasaan talaga ako ng kotse!








Sa bilis ng takbo nito, mamamatay ako for sure. Kung makasurvive man ako, bali-bali ang buto ko rito!








Anyone...








Help!















"NOPE! HINDI... KA... BABANGGA!" ha?












May narinig akong malakas na kalabog mula sa harapan ko. Hindi ko parin idinilat ang mata ko dahil sa takot, pero ramdam ko naman na parang walang nangyari sa akin.










Para bang nahinto ang kotse sa harapan ko?









"ERYX! OKAY KA LANG BA!" familar ang boses na sumisigaw sa harap ko.








Idinilat ko ng dahan-dahan ang mata habang nakadapa sa kalsada. Nakita ko naman si Phoebe na nakatayo sa harap ko at...








Teka! Pinigilan niya ang sasakyan gamit ang isang kamay niya!









"P-Phoebe?"








"SA SUSUNOD NA MAGMAMANEHO KA! MAGDAHAN-DAHAN KA! PERO KUNG GUSTO MO MAMATAY! PAGBIBIGYAN KITA!" galit na sigaw ni Phoebe sa kotse sa harap niya. Nakakatakot siya! Ngayon ko palang ata siya nakita ng ganito!








Nakakamangha ang susunod na pangyayari. Itinulak niya ng malakas ang kotse kaya napaatras ito nang malayo! Sobrang layo at lakas nang pagkakatulak niya! Aabot siguro sa 50 meters!








Mabilis itong tumakbo papalapit sa kotse at tumalon sa ibabaw nito! Tinadyakan niya ang salamin sa harapan ng kotse at agad nawasak ito. Sinira niya ang natitirang salamin sa harap gamit ang mga kamay niya, bago hinablot ang driver ng kotse papalabas!













A-ang lakas niya!








Sinakal niya ang driver ng mahigpit at itinaas ito! Kahit malaki ang katawang ng driver, nakaya niya itong itaas sa pamamagitan lamang ng paghawak niya sa leeg gamit ang kanang kamay niya.








Akmang sasapakin na niya ito! Napansin ko naman na parang may kakaiba sa kamao niya!













Pa-parang? Parang papatayin ata ni Phoebe ang lalaking to?














Mamamatay ata ang driver na to!








"PHOEBE! WAG!" kahit nahihirapan ako ay nakuha ko pa rin sumigaw! Kailangan ko siya pigilan bago pa man siya makasakit ng iba!














Medyo narinig naman niya ako ng konti at napalingon ito sa akin.. Pero?













P-Phoebe? I-ikaw ba t-talaga yan?













Pagkalingon ni Phoebe sa akin! Tila ba nagsitayuan ang mga balahibo ko! Lumalamig ang palad ko at ang bilis ng takbo ng puso ko! Natutuyo ang lalamunan ko! Gusto ko sana tumakbo papalayo sa kanila, pero di ko magalaw ang katawan ko!













My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon