Chapter 10

23 12 51
                                    

*ERYX'S POV*







"HINDI KO ALAM YAN!"







"Geez! Pwede bang kumalma ka?"







"PAANO AKO KAKALMA! KANINA LANG SINAKAL AKO NANG KAPATID MO! MALAPIT NA NIYA AKONG PATAYIN! TAPOS NGAYON! KUNG ANONG SINASABI MO! ANO BANG PAKIALAM KO JAN!" hiningal pa ako sa kakasigaw ko! Kasi itong lecheng Hero na ito eh! Kung ano-anong sinasabi







Bigla ba namang sasabihin na gusto ni Phoebe si Horo? Oh tapos? Anong pakialam ko? Halata naman eh! Kanina nga, kung makayakap si Phoebe sa kalbo na yun, halos ayaw na bumitaw! Psh!







"Bakit ka ba nagagalit?" ay bwesit na Hero to! Ang bobo!







"KASI SINAKAL NGA AKO NG KAPATID MO KANINA!"







"Yan ba ikinagagalit mo?"







"OO! ANO PA BA!"







"Oh, okay. Akala ko iba eh. Nga pala, tawagin mo na si Phoebe. Baka nagkiss na sila ni Horo."







"ANO!" bigla namang tumawa ng malakas itong si Hero sa harapan ko! Pinagloloko ba ako nito! Saka anong magkikiss? Magkikiss ba si Phoebe at si Horo?







Teka! Mapuntahan nga ulit sila! Sumusobra na yung kalbo na yun ah!







"Hoy! Biro lang! Eto naman! Bawal magkiss ang mga Demi-God kapag hindi pa kasal. Pffft!" nahinto ako sa paglalakad nung biglang nagsalita si Hero sa likod ko. Isang hakbang nalang makakapasok na ako ulit sa pinto!







"Pinagtitripan mo ba ako Hero!"







"Ayan, galit na naman siya oh? Nagseselos ka lang eh. Pft!" napalingon naman ako agad sa kanya!







Ano! Nababadtrip nako sa Hero nato, promise!







"BAKIT AKO MAGSESELOS! TANGA KA BA!"







"Ayan na naman siya, galit na naman siya." nagpouty lips pa ito. Halatang nang-aasar itong Mr. Suave nato!







"Ano ba talagang trip mo!"










"Wala."










"Oh? Edi ayusin mo sarili mo!"










"Ikaw kaya mag-ayos sa sarili mo. Seloso. Pffft."










"NANGTITRIP KA TALAGA EH NO? ANO BA TALAGA GUSTO MO!"







"Wala, nagseselos ka lang eh. Ako pa binubuntungan ng galit. Kawawa naman ako." that's it! Naubos na pasensya ko sa lecheng selos na yan!







Mabilis akong sumugod kay Hero para sipain sana ito, kaso bigla siyang nagbackflip ng tatlong beses papalayo sa akin! Tumawa pa ito ng malakas habang binibelatan ako! Pota!







Sumugod ako ulit at inambahan siya ng suntok! Pero tumalon lang ito hanggang makalagpas sa ulo ko bago nagfront flip ulit papunta sa likod ko!







My Other HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon