Chapter 2

34 4 0
                                    

After reading my notes, dinalaw na agad ako ng antok. It's a long day. And another long day awaits tomorrow.

My dad reminded me again to stay away from the issue or the incident that had happened days ago. But I still can't help it.

Kuya Cliff called me this morning asking if I can spare him my time. He's the one who is investigating the crime. Hindi talaga ako makakalayo. Dawit ako, I'm at the scene e. Kailan ba 'to matatapos?

"Good morning, Vienne." Jisnel greeted me at the school gate.

"Morning," I breathed. Sabay na kaming pumasok.

"What's the plan?" Tanong niya nang magtagal ang pananahimik.

"Plan about what?" Naguhuluhang tanong ko.

"About the incident. Anong plano mo? I mean, plano mo kung paano makakausap si Maureen?"

"Ewan, papa wants me to stay out of it." Pagkibit balikat ko. "But Kuya Cliff called me this morning." Dagdag ko. Naguluhan naman siya dahil hindi niya pa kilala ang tinutukoy ko.

"Who?"

"Kuya Cliff, Detective Clifford Fonseca. He's my father's apprentice."

Tumango-tango naman siya, "So, you still can't stay out of it"

"Gano'n na nga." Nalulungkot ako dahil hindi ko alam paano ko susundin ang gusto ni papa kung ito mismo ang lumalapit sa akin. "Hay, Bahala na!"

"Don't stress yourself. Priority mo pa rin ang majors natin. May recitation pa kay Mr. Magsaysay ng second period baka magisa ka" he laughed. That made me smile.

"Nag-review naman ako kagabi noh kaya medyo confident naman ako na makakasagot ako."

"Yeah, yeah, as you say." Inirapan ako. "Nga pala, nakita mo ba si Liam?"

"No. Why?"

"Nothing... tara na," saka ako inakbayan. Umiling na lang ako.

Pagkapasok namin ng room ay agad kaming nagtungo sa kanya-kanya naming desks. Nilingon ko ang pwesto ni Liam at nadatnang bakante iyon. Baka late lang?

Nagsimula na kami sa first subject namin. Pinagawa agad kami ng essay. An understanding about the RA 6975 or the DILG Act of 1990.

Woooh. Umagang-umaga guisado agad ang utak sa LEA.

Nasa kalagitnaan ako nang pagsusulat nang biglang tumunog ang intercom. At natigil kaming lahat naghihintay sa sasabihin ng speaker.

"Good morning Charlie Company. This is the office of the Admin. May I call Ms. Viennese Park to go to the office right away. Thank you and have a nice day ahead."

Lahat ng mata ay nasa akin na. Ikaw ba naman ang mabanggit ang pangalan sa intercom at pinapapunta ka pa sa office ng Admin. Huh, Admin. Sa registrar pa nga lang kabado na, sa Admin pa kaya?

Nakakangatog ng tuhod, malala.

"You may go," my instructor said. The signal that I was waiting.

Halla shet. Hindi ko maiwasang mag-overthink. Paano kung makikick-out ako dahil ako ang matuturong salarin? Paano kung bagsak ako noong prelims? Paano kung aarestohin ako? Paano kung sinusundo na ako ni papa dahil ipapadala na ako sa US? Paano kung anak pala ng Mafia boss yung namatay? Paano kung ayain ako ng Admin ng date? Aksjshse.

Yawa.

Nanlalamig na ang mga palad ko. Pati kili-kili ko basa na rin. Pinagpapawisan pa ako ng malamig. Shuta, magbabawas na talaga ako ng coffee intake. Gagawin ko na lang twice a day imbes na four times a day.

Diary of a Criminology StudentWhere stories live. Discover now