"Kabadtrip ampota." Bulong-bulong ko habang naglalakad papunta sa soccer field. Tahimik kasi doon at may mga benches pa sa ilalim ng mga puno.
"Bunganga mo, kanina ka pa nagmumura. Malapit ko na yang sampalin." Si Jisnel sa naiiritang boses.
"Eh kasi naman. Hnggg." Maktol ko sabay gulo ng buhok.
Nang makarating kami sa field at nakahanap ng pwesto ay huminga muna ako ng malalim, inayos ang sarili upang hindi na mabadtrip sa dugyot kong papel.
"Nagchat na ba sa'yo si Liam?" Jisnel spat out of the blue.
"Yeah, he's asking me out for lunch. May sasabihin daw siya." Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.
He heaved a deep sigh. "Ano naman kayang sasabihin niya? Did you accept it?"
Tinigil ko muna sandali ang pagsusulat at tinignan siya. "I declined. May pag-uusapan daw kamu ni Kuya Cliff."
"Okay. Maiwan na muna kita. Tawagan ko lang si Liam." Tumango ako at umalis na rin siya. Ang caring naman ni Jisnel. Sabagay they're best of friends since high school.
After ilang minutes nag-aayos na ako ng mga gamit at ready nang umalis maya-maya rin ay matatapos na ang break time kaya kailangan na naming pumunta sa next class. Sakto namang lumapit si Jisnel pagtayo ko.
"How was it?" Tanong ko.
"May importante raw na nilalakad. He's asking me out too for lunch to discuss something. Kasama ka sana but you declined kaya ako muna. Tas mamayang hapon after class diretso raw tayo sa condo niya." Nagsimula na kaming maglakad patungong next class namin.
My phone suddenly vibrated kaya naman hinugot ko ito sa bulsa ko.
1 new message from Detective Fonseca.
Detective Fonseca: Yeah, I already talked to her. She's in good condition kung 'yan ang inaalala mo.
Hindi na ako nag-abalang magreply. Wala naman akong sasabihin e.
Our three hours straight lecture na may konting discussion sawakas ay natapos din. Matinding laban ang ginawa ko upang hindi makatulog. Sumakit yung puwitan ko doon. Ikaw ba naman ang tatlong oras na nakaupo. Ta's nakakaantok pa yung subject.
Lunch break na. Ipinasa ko muna kay Ma'am Valencia 'yong essay ko bago lumabas ng campus para kitain si Kuya Cliff. Nagpaalam na rin naman ako kay Jisnel na hindi muna ako sasabay ng lunch sa kanya kasi may lakad ako at magkikita rin naman sila ni Liam sa labas.
We parted ways nang makalabas sa campus. Dumiretso kami sa kanya kanya naming lakad.
After 10 minutes nakarating na ako sa Jack's Café. Hinanap ko sa loob si Kuya Cliff. Nakita ko siya sa isang corner malayo sa mga customer.
He's wearing his usual black leather jacket, and a simple round white t-shirt on. He's so handsome with his round thin specs and a little bit messy hair. Maraming mga babae usually teens ang patagong kinukuhanan siya ng litrato. I wouldn't deny the fact that he's handsome and hot AF.
Nahanap ng mga mata niya ang kinalalagyan ko kaya naman kinawayan niya ako at sinensyasan na lumapit na. Tumango naman ako bilang ganti.
"Let's order first," pauna niya nang makaupo ako sa harap niya. Nag-abot naman siya ng menu. "What do you want?"
Let's see... "Uhm... Buffalo wings and soda will do."
"Okay, wait me here, I'll just buy it." Paalam niya.
"Okay."
After a few minutes ay bumalik na siya dala ang tray ng mga pagkain namin. May kasama pang corn dog and sundae.