Chapter 7

8 2 0
                                    

Maaga kaming pumunta ni Jisnel sa prisinto upang ireport sa awtoridad ang nalalaman.

Gaya nga ng napag-usapan namin, gano'n din ang naiisip ng mga pulis na motibo sa krimen. Pupuntahan daw nila ngayon si Maureen sa bahay nila upang makuhanan ng statement at mapatunayan ang hinala namin.

For now, we have to deal with the chaos that our school faces. Responsable kami sa kalagayan ng paaralan dahil isa kaming mag-aaral nito. Oo at hindi maganda ang nangyayari ngayon, but we will never forget the lessons that our instructors taught us.

And as a student of my course, I will protect my school at all cost. Mahal ang tuition oo, pero sulit ang pag-aaral dahil marami akong natutunan sa mga guro ng institusyong ito.

Walang pasok ngayon pero maraming tao sa tarangkahan na nagra-rally. May mga banner silang dala na nagsasabing dapat nang ipasara ang paaralan dahil sa mga patayang nagaganap. Hindi nila makakayang makita ang mga anak nila na maging sunod na biktima dahil sa kapabayaan ng school.

Ang akala ko ay walang tao sa loob ng paaralan ngayon ngunit nagkamali ako nang matanawan ang paglabas ng sasakyan ng direktor.

Pansamantalang tumigil ang mga nagrarally, inaabangan kung sino ang lulan ng sasakyan. Bumukas ang backseat at passenger's seat ng kotse at iniluwal nito ang director at ang faculty president.

"Magandang araw sa inyong lahat!" Paunang bati ng Faculty President. "Nais ng paaralan na humingi ng paumanhin sa mga nangyayaring hindi kanais-nais na pangyayari sa loob ng unibersodad na ito." Huminto siya't tinignan isa-isa ang mga nandoon. "Alam kong nais na ninyong ipasara ang unibersidad na ito, ngunit hindi po iyon mangyayari sapagkat hindi po namin ipapasara ang unibersidad." Tinapos ng Faculty president ang kaniyang sasabihin at binigyan ng pagkakataon ang direktor.

"Ang kasong kinakaharap ng unibersidad ay naresolba na, kaya't wala na kayong dapat na ipag-alala sa kaligtasan ng inyong mga anak, kaibigan, kapatid." Wika ng Direktor. Umugong ang malakas na bulungan ng mga ralehista. Marami pa rin ang tutol at ang iilan ay nagdadalawang isip kung itutuloy pa ba ang pagrarally o ititigil na lamang.

Halos kalahati sa mga relehista ang mga anak ay scholar ng gobyerno at ang iba ay scholar ng mismong unibersidad.

"Paano kami makakasigurong magiging ligtas na ang aming mga anak?!" Sigaw ng isang ralehista na nagpalakas pa sa bulungan.

Ang direktor ang sumagot sa tanong ng ginang. "Magdaragdag kami ng mga guards sa bawat college department at mag i-install din kami ng mga CCTV cameras sa bawat silid-aralan."

"Sa tingin niyo po ay sapat na ito upang mapanatiling ligtas ang aming mga anak?" Wika naman ng isa.

"Makikita natin. Sa sususnod na linggo ang pagpapatuloy ng regular na klase." Sagot ng direktor at tumalikod na sa mga tao at naglakad palapit sa kanilang sasakyan. Bago siya pumasok sa kaniyang sasakyan ay pumihit ito paharap sa mga tao. "Nais kong makita ang mga anak ninyo sa susunod na linggo, at asahan ninyong makakapagtapos sila sa institusyong ito." Wika nito at nilisan na ang lugar.

Naglakad ako patungo sa isa sa kanila. "Magtiwala na lamang po tayo sa direktor," tapik ko sa likod ng isang ginang at ngumiti.

"Napakahirap gawin niyan, anak" balik niya. Malungkot siyang ngumiti.

"Ngunit iyon lamang po ang maaari nating gawin sa ngayon. Ang magtiwala. Mahirap po pero kailangan."

Gano'n ang ginawa ko sa lahat sa kanila. Marami ang hindi tumugon at in-snob lang ako, marami rin ang kagaya ng sa unang ginang ay nginitian ako at sumang-ayon. 

"Hey," tapik ni Jisnel sa balikat ko. Nagpaalam na ako sa mga kausap at umalis sa grupo. Hila-hila ang kamay ko'y dinala niya ako sa lugar na tahimik. "Narinig mo 'yong sinabi ng Director kanina, hindi ba?" Tanong niya.

Diary of a Criminology StudentWhere stories live. Discover now