Chapter 17

12 0 0
                                    

It's been 3 days since I locked myself in my room and refused to talk to anyone in this house. I busied myself studying so that I won't be able to think about how heavy my problem is. I somehow felt lighter after crying my heart out the other day and also yesterday night.

I know I looked like a panda now. Black circles around my eyes, puffy eyes, and  plus-sized eyebag. Such an ugly duckling. I guess it's time for a... change? Of looks ofcourse.

Gabi na nang makaramdam ako ng gutom. Tulog na ang mga magulang ko sa mga oras na ito kaya napagdesisyunan kong bumaba at lumabas. Sa labas ako kakain. Laging naghahatid si Kuya ng pagkain pero hindi ko kinakain dahil hindi naman ako gutom sa mga oras na 'yon.

Nanguha ako ng jacket, cap, at  pera tsaka lumabas. Mahangin ngayong gabi, tila hinahaplos nito ang katawan ko at gustong alisin ang sama ng loob na nararamdaman ko.

I wish the wind can blow away the heavy feeling inside my heart. I just hope...

"Hey," my grip on the disposable spoon tightened when I heard a familiar voice in front of me.

Slowly, I looked at him with a blank expression.

"It's been a while." He added and sat at the seat in front of me. "Hindi na kita nakikita sa school, ayos ka lang ba? Namayat ka a?"

"Yes, it's been a while, Liam." I said in a monotone.

Nag-iba ang feeling ko kay Liam mula nang marinig ko ang pag-uusap ni Gwen at Detective Cliff.

"Bakit nandito ka pa sa labas, malalim na ang gabi a? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Kuryusong tanong niya.

Umiling lang ako. I'm not in the mood to talk to anyone at the moment. Kahit pa sa mga kakilala or mga kaibigan ko.

"Ilang araw ka nang absent, may problema ka ba? Final exam na natin bukas, alam mo na ba mga pointers to review?" Pagbubukas niya ng topic.

Bumuntong hininga ako. Wala akong ibang choice kundi ang sagutin ang mga tanong niya kahit labag sa kalooban ko. "Hindi, hindi ko naman kailangan ng pointers. Kadalasan naman ay cover-to-cover ang exam 'tuwing finals." Sagot ko at humigop ng mainit na sabaw ng ramyeon.

"Kung sabagay."

Ilang minuto rin kaming nanahimik bago siya ulit magsalita.

"May gusto akong sabihin. Pero saka na lang, pagkatapos ng exam." Sabi niya at ngumiti. Inubos niya ang kinakain at nagpaalam nang aalis.

Ayaw ko nang mag-overthink kaya ipinagsawalang bahala ko na lang ang sinabi niya.

Ilang minuto matapos umalis ni Liam ay umalis na rin ako. May children's park sa loob ng subdivision at malapit lang ito sa bahay namin kaya dumiretso muna ako roon para magmuni-muni.

I sat on the cold steel of the swing. Nilagyan ko nang kaunting puwersa ang mga paa ko sa lupa upang umandar ng kaunti ang swing. Tanging tunog lamang ng chain ng swing, kuliglig at mga nagkikiskisang dahon ng mga puno lamang ang naririnig sa gabing ito.

"Peace..."  I whispered. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang lamig ng hangin. I sighed.

Third Person's Point of View

Sa katahimikan ng gabi, may isang hindi kanais-nais na kaganapan ang nakakubli. Dalawang taong nagtatalo, pinag-uusapan ang nakaraan. Mga kaganapang dapat baon na sa limot, ngunit dahil sa takot muli itong unti-unting binabalikan.

"Ang sabi mo dead on arrival na si Zhyrll nang itakbo nila ito sa ospital." Nangangalaiting wika ng babae.

"Oo nga, malala ang natamo nitong injury kaya idineklarang DA." Sagot ng kausap nito.

"Ako ba pinagloloko mo? Ang sabi ni kuya buhay na buhay siya. She's living with a new name." Hysterical pa rin ang babae.

Nanlumo ang kausap nito sa sinabi ng babae.

"Paano nangyaring buhay pa rin si Zhyrll, e siniguro nitong hindi siya makakaligtas mula sa car accident. Planado ang lahat." Wika niya sa kaniyang isip.

"Aggghhh!" Nang gigigil na sigaw ng babae, hawak-hawak nito ang kaniyang buhok. Mukang nababaliw na ito dahil sa galit at frustration na nararamdaman. "What am I gonna do?" She paced back and forth feeling anxious.

"Kahit anong linis ng trabahong ginawa mo, hindi ka pa rin ligtas." Sabi naman ng isa pang lalaki na nasa may pinto ang nagsabi.

Halos matakpan na ng kaniyang buhok ang mga mata nito. Nakasuot siya ng hoodie, ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng kaniyang jacket.

"Better finish your accomplice, too." He said while nearing at the girl. He smirked.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ng isang lalaki sa kadarating lang.

"Reporting? Ikaw, Liam? Anong ginagawa mo rito?" He asked in return. He smiled mockingly.

Liam was caught off guard. Hindi niya inaasahang kilala siya nito. Tumingin siya sa babae na ngayon ay nakaupo na sa sofa at kinakagat kagat ang mga kuko, dahil sa nerbyos, hindi ko alam.

Kung babalikan ang nakaraan ay plinano nilang patayin ang isa nilang kaklase, or more likely dating kaibigan, si Zhyrll Park.

Tinanggalan nila ng preno ang sasakyan ni Zhyrll kaya naman nagtamo ito ng malalang injury sa kaniyang ulo at idineklarang dead on arrival.

"I bet your brother, Clifford already told you that Zhyrll is still alive and living with a new name. Right, Gwendolyn?" Lalong bumilis ang pintig ng puso ni Gwendolyn.

Oo, si Liam at Gwendoling ang nagplanong patayin si Zhyrll. At tama ang narinig noon ni Vien. Ang Zhyrll na tinutukoy ni Gwen at Clifford, at ang Zhyrll na alam niya ay iisa. And it turns out that she is that Zhyrll.

"Shut up, Gio!" Gwendolyn shouted.

Gio chuckled. "Gwen, Gwen, Gwen. Haven't you notice yet? Isa-isa nang nae-eliminate ang mga kasabwat mo. Mag-iingat ka, baka ikaw na ang susunod," he stopped midway and smirked turning his gaze to Liam. "O baka si Liam?" Tumalikod na siya at naglakad papalayo.

He stopped when he's few steps near the door. "Find the diary that Zhyrll left. Or should I say, Viennese Park wrote." He raised his right hand and waved. "Adios."

Viennese Park's Point of View

Maaga akong nagising despite sa puyat. Alas dose na rin kasi nang makauwi ako kagabi, medyo sinisipon na nga ata ako dahil sa nahamugan.

I felt lighter though, the cold night breeze helped me calm my raging thoughts.

I arrived at the school an hour before my first subject starts.

"Good morning, Vien!" Masiglang bati ni Jisnel. Halos yumakap na nga ito sa akin. "I missed you, ang tagal mong nawala. Saan ka galing? Anong ginawa mo?" Sunod-sunod niyang tanong.

I chuckled. "Kalma, sa bahay lang ako. Tamang breakdown lang." I said half truth, half lie.

"Kumusta ka naman, okay na?"

"I guess..." sagot ko habang umuupo.

"McDo tayo later, my treat."

"Sure!" I said smiling.

For a short period of time my worries about myself and my life vanished. Because of the man sitting beside me, telling story about what he did and felt by the days that I am not with him.

Napapangiti na lang ako, he seemed happy telling me story about his life. He's so comfortable sharing and opening a topic about his life to me. Sa kabilang banda naman, narito ako hindi ko kayang buksan ang topic tungkol sa buhay ko.

Masyadong magulo, na maski ako hindi maayos-ayos. Maraming paliko na hindi ko alam kung maitutuwid pa.

Everything went smoothly. Natapos nang maayos ang exam sa araw na ito. Last day na bukas at makakapagpahinga na rin nang maayos at walang inaalalang school activities at nag-s-suffer sa academic stress.

Marami akong planong gawin after this academic year. After all, I deserve peace.

Diary of a Criminology StudentWhere stories live. Discover now