Chapter 8

9 0 0
                                    

"Good morning," bati ni Jisnel sa akin sa school gate.

"Morning." Tipid kong tugon at iginala ang mata sa paligid. Kakaunti lang ang mga studyanteng pumapasok, given the time na 30 minutes na lang mag-start na ang first period sa umaga.

"Tara," aya niya at hinila na ako papasok. Pero bago tuluyang makapasok ng campus pumila muna kami para sa inspection. We showed our IDs to the school guard pati na rin ang laman ng bag namin.

Nang makapasok na kami sa campus ay sa classroom agad ang punta namin.
Sa daan papunta sa building namin ay nagkalat ang mga security. Mayroon sa mga shed, sa labas ng classrooms, sa silong ng mga puno kahit saan ka pumunta may mamamataan kang mga security.

"Looks like we're in a place full of criminals, eh." Si Jisnel. Nakatingin din pala siya sa mga nagkalat na security.

"Is this what you told me about yesterday? That the university will be far from the normal one?" I asked habang ang mga mata ay diretso lang sa daan.

"Yeah?" Hindi sigurado niyang sagot.

Nakangisi ko siyang hinarap at naglakad patalikod. "Ngayon lang nila naisipang magpakalat ng mga security, tss. Kung sabagay, ngayon lang naman nabulgar ang mga ganoong pangyayari." I chuckled.

"What do you mean?" Lito niyang tanong.

Nagkibit balikat ako at umayos ng lakad. Nakarating na kami sa classroom at hindi ko pa rin sinasagot ang tanong niya.

In-enjoy ko na lang ang klase just like a normal day. Normal naman, kung hindi mo papansinin ang mga nagkalat na security. Minsan pa nga nagra-rounds sila e. Doktor lang ang peg.

Ang naiba lang ngayon ay wala na kaming recess. 'Yon pa naman ang favorite subject ko, at ng karamihan syempre. So lunchbreak came at gutom na gutom ako. Ikaw ba naman ang kakaunti ang kinain nung breakfast ta's wala pang meryenda, maiisaw ka talaga.

"Yah! Palli!" Napapa-korean na ako dahil sa gutom.

"Hah?" Nagugulumihanang tanong ni Jisnel. Ampota, pinapabilisan ang bagal paring kumilos.

"Ang sabi ko dalian mo, gutom na ako!" Pasigaw kong sabi. Nagulat ako sa inasta ko dahil hindi ko naman ito madalas na gawin.

Tila nagulat din siya sa pagsigaw ko.

"Hey, ba't ka sumisigaw?" Si Liam sabay akbay sa akin.  Ngayon ko na lang siya ulit nakita matapos nung iwan namin sila ni Gwen sa office.

"Get your hands off me." I said in a monotone and glared at him.

"Chill." He said grinning while raising his hands in the air. "Sungit mo ngayon a?" Dugtong niya and he put his hands inside his pockets.

"Gutom na kasi," Jisnel butted in while looking at me with a mischievous grin.
"Gaja." Inakbayan niya ako at iginiya paalis sa lugar.

Kahit saan ka talaga tumingin ay may mamamataan kang mga security. Ang outfit-an pa naman nila ay parang sa isang action movie na "Men In Black" mga naka tuxedo kasi na itim tapos naka shades pa sila ng itim. Kung maitim itong mga 'to baka mapagkamalan kong nagbubuhat ng kabaong with matching sayaw pa.

Pagdating sa cafeteria ay halos punuan na. "Go find a seat, I'll buy our lunch." Si Jisnel at dumiretso na nga siya sa counter.

I roamed my eyes at the four corners of the cafeteria. May iilan pang bakanteng table. Syempre pinili ko na iyong malapit sa bintana at madali niya rin akong nakikita.

"Kumusta naman ang short vacation?" Napatalon ako ng kaunti dahil may biglang nagsalita sa harap ko.

"You startled me," ani ko at inirapan si Liam. May dala na siyang pagkain niya. Pang apatan naman itong napili kong table kaya pwede pa. "Okay lang, wala naman masyadong ganap." Sagot ko sa tanong niya.

Diary of a Criminology StudentWhere stories live. Discover now