Kabanata 03

241 13 13
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na siyang nairapan sa loob ng ilang minuo lang. Basta ay inirapan ko na naman siya!

Seryoso ko na siyang tiningnan ngayon. "May I have your order now?" tanong ko. Hawak ko na ang ballpen para ilista ang order siya.

"Hmm... not yet. But you can have me already," aniya saka ako kinindatan.

"Ew, corny." Nasa mukha ko pa rin ang pagiging seryoso kahit na gusto ko nang matawa dahil sa mga walang kwenta niyang sinasabi.

Mabuti naman at sa pangatlong attempt ko, umayos na siya ng sagot kaya hindi na ako nahirapang makipagbarahan ulit sa kaniya. Dumating din kasi si madam kaya nagawa na niyang umayos.

Nagpresinta na rin ako na ako na ang mag-aayos sa kusina dahil ayaw kong lumabas. Pakiramdam ko kasi ay wala akong magandang magagawa roon kung hindi ang irapan lang siya tuwing nakikita siyang nakangisi.

Baka makita pa 'yon ng mga customers at magresult ng negatibo para sa pastilan, ayaw ko no'n! Halos lahat pa naman ng kumakain ay mga kabataan at mukhang mapagmasid. Pansin ko rin ang pagtingin nila sa akin kaya mas lalo akong naiilang.

"Ang daming nag-rides ngayon," sabi ni Madam Tilda habang pinupunasan ang ilang butil ng pawis sa noo niya, mukhang pagod dahil sa maraming costumers. "Chres, sigurado ka bang okay ka rito? Baka mabagot ka."

"Okay lang ho," sabi ko. Kaysa naman magkaroon pa kami ng interaksyon ni Yulos doon sa labas! Ayaw kong maasar niya na naman!

Tumango siya sa akin at nagpaalala ulit na lalabas na. May hawak pa siyang dalawang plato para sa mga bagong costumer. Halatang halata na talaga ang pagod sa mukha niya kahit na umaga pa lang. Wala, e. Marami talagang kumakain dahil weekend at sinamantala ang pagkakataon para maka-ride.

Parang pati si Yulos ay ganoon din. Kita ko kasi iyong helmet niya kanina sa tabi. Nakasuot din siya ng complete gear kaya baka nag-ride talaga.

"Chres, plato ulit," natatawang sabi ni Chiara at nilapag sa harap ko ang limang patong ng plato. Pagkatapos ay umayos siya ng tayo at tiningnan ako na para bang sinusuri. "Ikaw ba 'yong hinihintay ni Yulos?"

Napataas ako ng kilay dahil sa tanong niya. Bahagya pang umawang ang labi ko bago natawa roon. "Bakit niya naman ako hihintayin?" tanong ko. Iposible naman kasi iyon!

Nagkibit siya ng balikat, hindi rin alam ang isasagot. "Sabagay, bakit ka nga niya naman hihintayin," aniya. "Akala ko, may crush siya sa 'yo."

"Ganda ko naman kung gano'n," natatawa kong sabi at inipit ang ilang hibla ng buhok sa tainga saka tumawa. Bumalik na rin ako sa ginagawa dahil parami na nang parami ang tambak na hugasin.

Alas kuatro na nang umalis kami ni Chiara sa pastilan. Dumiretso naman kami sa Casa de Chlaviel dahil nag-aya siya. Ayaw ko sana pero dahil sinabi niyang naroon daw si Phyr, agad na akong nag-text kay mama para magpaalam.

Sayang din ang pagkakataon. Aalis na si Phyr sa susunod na araw at kung hindi pa ako sasama ngayon sa bahay nila, baka hindi na kami makapag-usap o magkaroon ng oras ulit sa isa't isa bago siya umalis.

Tinanaw ko siya galing sa malayo habang pinapaliguan ang pinakamamahal niyang sasakyan. Bawat galaw mo malapit sa sasakyan niya ay palagi ka niyang paaalahanan na huwag sagiin o gasgasan 'yon.

He's wearing a black shirt and sweat pants. Basa na ang damit niya at kung hindi lang manipis ang tela no'n, paniguradong kitang-kita mo na ang abs niyang depinado.

"Tabi."

Saka ko lang natanggal ang tingin kay Phyr nang maramdaman ang pagbangga sa akin ng braso ni Yulos. Likod niya lang ang nakikita ko, pero alam na alam ko nang siya 'yon base pa lang sa paraan ng pagbangga niya sa akin, binangga niya na rin ako noon, e.

Melodic Breeze (Alamada Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon